Mga Bilang 28
Magandang Balita Biblia
Mga Pang-araw-araw na Handog(A)
28 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2 “Sabihin mo sa mga Israelita na sila'y mag-alay sa akin ng mga handog na pagkaing butil, handog na susunugin, at mababangong handog sa takdang panahon.
3 “Ito ang ihahandog nila sa akin araw-araw bilang handog na susunugin: dalawang tupa na tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan; 4 isa sa umaga at isa sa hapon. 5 Ito'y sasamahan ng kalahating salop ng harina at minasa sa isang litrong langis ng olibo. 6 Ito ang pang-araw-araw ninyong handog na susunugin tulad ng sinabi ko sa inyo sa Bundok ng Sinai, isang mabangong handog sa akin. 7 Samahan ninyo ito ng isang litrong handog na inumin na inyong ibubuhos sa Dakong Banal para sa akin. 8 Ang isa pang tupa ay ihahandog nga sa hapon at sasamahan din ng handog na pagkaing butil at handog na inumin, tulad ng handog sa umaga, upang ang usok nito'y maging mabangong samyo para sa akin.
Ang Handog Tuwing Araw ng Pamamahinga
9 “Tuwing Araw ng Pamamahinga, dalawang lalaking tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan ang inyong ihahandog. Sasamahan din ito ng handog na pagkaing butil at handog na inumin. Ang handog na pagkaing butil ay isang salop na harina at minasa sa langis ng olibo. 10 Ito ay ihahandog ninyo tuwing Araw ng Pamamahinga, bukod sa pang-araw-araw ninyong handog.
Ang Buwanang Handog
11 “Tuwing unang araw ng buwan, ito naman ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na walang kapintasan. 12 Ang handog na pagkaing butil ay isa't kalahating salop ng harinang minasa sa langis para sa bawat toro; isang salop para sa isang tupa, 13 at kalahating salop naman sa bawat batang tupa. Ito ay handog na susunugin, isang mabangong samyo para sa akin. 14 Ang inuming handog naman ay dalawang litro para sa bawat toro, 1 1/3 litro sa bawat lalaking tupa at isang litro naman sa bawat batang tupa. Ito ang buwanan ninyong handog. 15 Bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin at handog na pagkain, maghahandog pa rin kayo ng isang kambing na lalaki para sa kasalanan.
Ang Handog Tuwing Kapistahan(B)
16 “Ang(C) ika-14 na araw ng unang buwan ay Pista ng Paskwa ni Yahweh. 17 Ang(D) ika-15 araw ang simula ng pista, at pitong araw kayong kakain ng tinapay na walang pampaalsa. 18 Sa unang araw, magdaraos kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon. 19 Sa halip, magdala kayo ng handog na susunugin. Ito ang ihahandog ninyo: dalawang batang toro, isang lalaking tupa at pitong tupang tig-iisang taóng gulang at walang kapintasan. 20 Ito'y sasamahan ninyo ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harina na minasa sa langis para sa bawat toro, isang salop sa bawat lalaking tupa 21 at kalahating salop sa bawat batang tupa. 22 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa katubusan ng kasalanan ng bayan. 23 Ang mga ito'y ihahandog ninyo bukod pa sa pang-araw-araw na handog. 24 Sa loob ng pitong araw, iyan ang mga handog na inyong susunugin, isang mabangong samyo para sa akin. Ito'y inyong gagawin maliban pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa inuming handog. 25 Sa ikapitong araw, magdaraos muli kayo ng banal na pagpupulong. Huwag kayong magtatrabaho sa araw na iyon.
Ang Handog sa Pista ng Pag-aani(E)
26 “Sa(F) unang araw ng Pista ng Pag-aani, magdaraos din kayo ng banal na pagpupulong at doon ninyo ihahandog ang unang ani ng inyong mga bukid. Huwag din kayong magtatrabaho sa araw na iyon. 27 Sa halip, mag-alay kayo ng handog na susunugin; handog na mabangong samyo kay Yahweh. Ito ang inyong ihahandog: dalawang batang toro, isang lalaking tupa, at pitong batang tupa. 28 Sasamahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil: isa't kalahating salop ng harina na minasa sa langis ng olibo para sa bawat toro, isang salop para sa bawat lalaking tupa 29 at kalahating salop para sa bawat batang tupa. 30 Maghahandog din kayo ng isang kambing na lalaki para sa katubusan ng kasalanan ng bayan. 31 Ito'y ihahandog ninyo, kasama ng handog na inumin, bukod sa pang-araw-araw na handog na susunugin at handog na pagkaing butil. Kinakailangang ang mga ito'y walang kapintasan.
Numbers 28
New International Version
Daily Offerings
28 The Lord said to Moses, 2 “Give this command to the Israelites and say to them: ‘Make sure that you present to me at the appointed time(A) my food(B) offerings, as an aroma pleasing to me.’(C) 3 Say to them: ‘This is the food offering you are to present to the Lord: two lambs a year old without defect,(D) as a regular burnt offering each day.(E) 4 Offer one lamb in the morning and the other at twilight,(F) 5 together with a grain offering(G) of a tenth of an ephah[a] of the finest flour(H) mixed with a quarter of a hin[b] of oil(I) from pressed olives. 6 This is the regular burnt offering(J) instituted at Mount Sinai(K) as a pleasing aroma, a food offering presented to the Lord.(L) 7 The accompanying drink offering(M) is to be a quarter of a hin of fermented drink(N) with each lamb. Pour out the drink offering to the Lord at the sanctuary.(O) 8 Offer the second lamb at twilight,(P) along with the same kind of grain offering and drink offering that you offer in the morning.(Q) This is a food offering, an aroma pleasing to the Lord.(R)
Sabbath Offerings
9 “‘On the Sabbath(S) day, make an offering of two lambs a year old without defect,(T) together with its drink offering and a grain offering of two-tenths of an ephah[c](U) of the finest flour mixed with olive oil.(V) 10 This is the burnt offering for every Sabbath,(W) in addition to the regular burnt offering(X) and its drink offering.
Monthly Offerings
11 “‘On the first of every month,(Y) present to the Lord a burnt offering of two young bulls,(Z) one ram(AA) and seven male lambs a year old, all without defect.(AB) 12 With each bull there is to be a grain offering(AC) of three-tenths of an ephah[d](AD) of the finest flour mixed with oil; with the ram, a grain offering of two-tenths(AE) of an ephah of the finest flour mixed with oil; 13 and with each lamb, a grain offering(AF) of a tenth(AG) of an ephah of the finest flour mixed with oil. This is for a burnt offering,(AH) a pleasing aroma, a food offering presented to the Lord.(AI) 14 With each bull there is to be a drink offering(AJ) of half a hin[e] of wine; with the ram, a third of a hin[f]; and with each lamb, a quarter of a hin. This is the monthly burnt offering to be made at each new moon(AK) during the year. 15 Besides the regular burnt offering(AL) with its drink offering, one male goat(AM) is to be presented to the Lord as a sin offering.[g](AN)
The Passover(AO)
16 “‘On the fourteenth day of the first month the Lord’s Passover(AP) is to be held. 17 On the fifteenth day of this month there is to be a festival; for seven days(AQ) eat bread made without yeast.(AR) 18 On the first day hold a sacred assembly and do no regular work.(AS) 19 Present to the Lord a food offering(AT) consisting of a burnt offering of two young bulls, one ram and seven male lambs a year old, all without defect.(AU) 20 With each bull offer a grain offering of three-tenths of an ephah(AV) of the finest flour mixed with oil; with the ram, two-tenths;(AW) 21 and with each of the seven lambs, one-tenth.(AX) 22 Include one male goat as a sin offering(AY) to make atonement for you.(AZ) 23 Offer these in addition to the regular morning burnt offering. 24 In this way present the food offering every day for seven days as an aroma pleasing to the Lord;(BA) it is to be offered in addition to the regular burnt offering and its drink offering. 25 On the seventh day hold a sacred assembly and do no regular work.
The Festival of Weeks(BB)
26 “‘On the day of firstfruits,(BC) when you present to the Lord an offering of new grain during the Festival of Weeks,(BD) hold a sacred assembly and do no regular work.(BE) 27 Present a burnt offering of two young bulls, one ram and seven male lambs a year old as an aroma pleasing to the Lord.(BF) 28 With each bull there is to be a grain offering of three-tenths of an ephah of the finest flour mixed with oil; with the ram, two-tenths;(BG) 29 and with each of the seven lambs, one-tenth.(BH) 30 Include one male goat(BI) to make atonement for you. 31 Offer these together with their drink offerings, in addition to the regular burnt offering(BJ) and its grain offering. Be sure the animals are without defect.
Footnotes
- Numbers 28:5 That is, probably about 3 1/2 pounds or about 1.6 kilograms; also in verses 13, 21 and 29
- Numbers 28:5 That is, about 1 quart or about 1 liter; also in verses 7 and 14
- Numbers 28:9 That is, probably about 7 pounds or about 3.2 kilograms; also in verses 12, 20 and 28
- Numbers 28:12 That is, probably about 11 pounds or about 5 kilograms; also in verses 20 and 28
- Numbers 28:14 That is, about 2 quarts or about 1.9 liters
- Numbers 28:14 That is, about 1 1/3 quarts or about 1.3 liters
- Numbers 28:15 Or purification offering; also in verse 22
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.