Mikas 3
Ang Biblia, 2001
Sinumbatan ni Mikas ang mga Pinuno ng Israel
3 At aking sinabi,
Pakinggan ninyo, kayong mga pinuno ng Jacob,
    at mga pinuno ng sambahayan ni Israel!
Hindi ba para sa inyo na malaman ang katarungan?
2     Kayong napopoot sa mabuti at umiibig sa kasamaan;
na tumutuklap ng balat ng aking bayan,
    at ng kanilang laman sa kanilang mga buto;
3 na kumakain ng laman ng aking bayan,
    at lumalapnos ng kanilang balat,
at pinagpuputul-putol ang kanilang mga buto,
    at tinatadtad ang mga ito na gaya ng karne sa kaldero,
    gaya ng laman sa isang kawa.
4 Kung magkagayo'y dadaing sila sa Panginoon,
    ngunit sila'y hindi niya sasagutin;
kanyang ikukubli ang kanyang mukha sa kanila sa panahong iyon,
    sapagkat kanilang pinasama ang kanilang mga gawa.
5 Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta
    na nagliligaw sa aking bayan;
na nagsisisigaw ng, “Kapayapaan”;
    kapag sila'y may makakain,
ngunit naghayag ng pakikidigma laban sa kanya
    na hindi naglagay ng anuman sa kanilang mga bibig.
6 Kaya't magiging gabi sa inyo, na hindi kayo magkakaroon ng pangitain;
    at kadiliman para sa inyo, walang panghuhula.
Ang araw ay lulubog sa mga propeta,
    at ang araw ay magdidilim sa kanila;
7 ang mga tagakita[a] ay mahihiya,
    at ang mga manghuhula ay mapapahiya,
silang lahat ay magtatakip ng kanilang mga labi;
    sapagkat walang kasagutan mula sa Diyos.
8 Ngunit sa ganang akin, ako'y puspos ng kapangyarihan
    ng Espiritu ng Panginoon,
    at ng katarungan, at ng kapangyarihan,
upang ipahayag sa Jacob ang kanyang pagsuway,
    at sa Israel ang kanyang kasalanan.
9 Pakinggan ninyo ito, kayong mga pinuno ng sambahayan ni Jacob,
    at mga pinuno sa sambahayan ni Israel,
na napopoot sa katarungan,
    at binabaluktot ang lahat ng katuwiran,
10 na itinatayo ang Zion sa pamamagitan ng dugo,
    at ang Jerusalem sa pamamagitan ng kamalian.
11 Ang mga pinuno niya'y humahatol dahil sa suhol,
    at ang mga pari niya'y nagtuturo dahil sa sahod,
    at ang propeta niya'y nanghuhula dahil sa salapi:
gayunma'y sumasandal sila sa Panginoon, at nagsasabi,
    “Hindi ba ang Panginoon ay nasa gitna natin?
    Walang kasamaang darating sa atin.”
12 Kaya't(A) dahil sa inyo,
    ang Zion ay bubungkalin na parang isang bukid,
at ang Jerusalem ay magiging mga bunton ng pagkasira,
    at ang mga bundok ng bahay ay parang matataas na dako sa isang gubat.
Footnotes
- Mikas 3:7 o nakakakita ng pangitain .
Micah 3
King James Version
3 And I said, Hear, I pray you, O heads of Jacob, and ye princes of the house of Israel; Is it not for you to know judgment?
2 Who hate the good, and love the evil; who pluck off their skin from off them, and their flesh from off their bones;
3 Who also eat the flesh of my people, and flay their skin from off them; and they break their bones, and chop them in pieces, as for the pot, and as flesh within the caldron.
4 Then shall they cry unto the Lord, but he will not hear them: he will even hide his face from them at that time, as they have behaved themselves ill in their doings.
5 Thus saith the Lord concerning the prophets that make my people err, that bite with their teeth, and cry, Peace; and he that putteth not into their mouths, they even prepare war against him.
6 Therefore night shall be unto you, that ye shall not have a vision; and it shall be dark unto you, that ye shall not divine; and the sun shall go down over the prophets, and the day shall be dark over them.
7 Then shall the seers be ashamed, and the diviners confounded: yea, they shall all cover their lips; for there is no answer of God.
8 But truly I am full of power by the spirit of the Lord, and of judgment, and of might, to declare unto Jacob his transgression, and to Israel his sin.
9 Hear this, I pray you, ye heads of the house of Jacob, and princes of the house of Israel, that abhor judgment, and pervert all equity.
10 They build up Zion with blood, and Jerusalem with iniquity.
11 The heads thereof judge for reward, and the priests thereof teach for hire, and the prophets thereof divine for money: yet will they lean upon the Lord, and say, Is not the Lord among us? none evil can come upon us.
12 Therefore shall Zion for your sake be plowed as a field, and Jerusalem shall become heaps, and the mountain of the house as the high places of the forest.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
