Add parallel Print Page Options

14 higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay walang dungis na ihinandog niya ang kanyang sarili sa Diyos, upang linisin ang ating mga budhi mula sa mga gawang patay upang tayo'y maglingkod sa Diyos na buháy.

15 At dahil dito, si Cristo ang tagapamagitan ng isang bagong tipan. Dahil sa kanyang kamatayan na tumutubos sa mga tao mula sa mga paglabag na nagawa nila noong sila'y nasa ilalim pa ng unang tipan, ang mga tinawag ay tatanggap ng ipinangakong pamanang walang hanggan. 16 Kapag mayroong kasulatan ng tipan, kailangang patunayan na patay na ang gumawa nito.

Read full chapter