Add parallel Print Page Options

Ang Tagapamagitan ng mas Mabuting Tipan

Ito (A) ang buod ng aming sinasabi: Tayo ay mayroong gayong Kataas-taasang Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. Bilang pari, siya'y tagapaglingkod sa Dakong Banal, sa tunay na tabernakulong itinayo ng Panginoon at hindi ng tao. Dahil itinalaga ang bawat Kataas-taasang Pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay, kailangan din na ang ating Kataas-taasang Pari ay magkaroon ng ihahandog. Ngayon, kung siya'y nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, yamang mayroong mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. Ang (B) paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.” Subalit ang paglilingkod na tinanggap ni Cristo ay higit na marangal, yamang siya'y tagapamagitan para sa isang higit na mabuting tipan, na nakabatay sa higit na mabubuting pangako.

Sapagkat kung walang kakulangan ang unang tipan na iyon, hindi na sana nangailangan pang humanap ng ikalawa. Nakita (C) ng Diyos ang kakulangan sa kanila, kaya't sinabi niya,

“Tiyak ang pagdating ng mga araw, sabi ng Panginoon,
    na makikipagtipan ako ng panibago sa sambahayan ni Israel
    at sa sambahayan ni Juda,
isang tipang hindi katulad ng aking ginawa sa kanilang mga ninuno,
    nang araw na akayin ko sila palabas sa lupain ng Ehipto;
sapagkat sila'y hindi nanatiling tapat sa aking tipan,
    kaya't ako'y hindi na nagmalasakit sa kanila, sabi ng Panginoon.
10 Ganito ang tipang aking gagawin sa sambahayan ni Israel
    pagkatapos ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
Itatanim ko ang aking mga tuntunin sa kanilang pag-iisip,
    at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga puso.
Ako'y magiging Diyos nila,
    at sila'y magiging bayan ko.
11 At hindi na ituturo ng sinuman sa kanyang kababayan,
    o sasabihin ng bawat isa sa kanyang kapatid,
    ‘Kilalanin mo ang Panginoon,’
sapagkat kikilalanin nila akong lahat,
    mula sa pinakahamak hanggang sa pinakadakila.
12 Kahahabagan ko sila sa kanilang mga kasamaan,
    at hindi ko na aalalahanin ang kanilang mga kasalanan.”

13 Nang sabihin ng Diyos ang tungkol sa “bagong tipan,” pinawalang bisa niya ang una, at malapit nang mawala ang pinawalang bisa at naluluma.

Ang kinauuwian nga ng mga bagay na aming sinasabi ay ito: Mayroon tayong isang (A)dakilang saserdote, (B)na nakaupo sa kanan ng luklukan ng Karangalan sa mga langit,

Ministro (C)sa santuario, at sa tunay na tabernakulo, na itinayo ng Panginoon, hindi ng tao.

Sapagka't ang (D)bawa't dakilang saserdote ay inilagay upang maghandog ng mga kaloob at ng mga hain naman: sa ganito'y (E)kinakailangan din namang siya'y magkaroon ng anomang ihahandog.

Kung siya nga'y nasa lupa ay hindi siya saserdote sa anomang paraan, palibhasa'y mayroon nang nagsisipaghandog ng mga kaloob ayon sa kautusan;

Na nangaglilingkod sa anyo at (F)anino ng mga bagay sa kalangitan, gaya naman ni Moises na pinagsabihan ng Dios nang malapit ng gawin niya ang tabernakulo: sapagka't sinabi niya, (G)Ingatan mo na iyong gawin ang lahat ng mga bagay ayon sa anyong ipinakita sa iyo sa bundok.

Datapuwa't ngayo'y kinamtan niya ang ministeriong (H)lalong marangal, palibhasa'y siya nama'y (I)tagapamagitan sa isang tipang (J)lalong magaling, na inilagda sa lalong mabubuting pangako.

Sapagka't (K)kung ang unang tipang yaon ay naging walang kakulangan, ay hindi na sana inihanap ng pangangailangan ang ikalawa.

Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya,

(L)Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon,
Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang
Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto;
Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan,
At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel
Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon;
(M)Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip,
At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito.
At ako'y magiging Dios nila,
At sila'y magiging bayan ko:
11 At hindi magtuturo ang bawa't isa sa kaniyang kababayan,
At ang bawa't isa sa kaniyang kapatid, na sasabihing,
Kilalanin mo ang Panginoon:
Sapagka't ako'y makikilala ng lahat,
Mula sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan sa kanila.
12 Sapagka't ako'y magiging mahabagin sa kanilang kalikuan,
At ang kanilang mga kasalanan ay hindi ko na aalalahanin pa.

13 Doon sa sinasabi niya, Isang bagong tipan, ay (N)linuma niya ang una. Datapuwa't ang nagiging luma at tumatanda ay malapit ng lumipas.

Det nya förbundets överstepräst

(A) Här är huvudpunkten i det vi säger: Vi har en sådan överstepräst som sitter på högra sidan om Majestätets tron i himlen (B) och som tjänar i helgedomen, det sanna tabernaklet[a] som Herren själv och ingen människa har rest.

(C) En överstepräst blir insatt för att frambära gåvor och offer, och därför måste också Kristus ha något att bära fram. Hade han nu varit på jorden skulle han inte ens vara präst, eftersom det redan finns andra som bär fram de offergåvor som lagen föreskriver. (D) De gör tjänst i en helgedom som är en kopia och skuggbild av den himmelska helgedomen, så som Mose fick höra när han skulle bygga tabernaklet: Se till att du gör allt efter den mönsterbild som du har fått se på berget.[b]

(E) Men nu har Kristus ett högre prästämbete, liksom han också är medlare för ett bättre förbund som är grundat på bättre löften. För om det första förbundet hade varit utan brist, skulle det inte behövas ett andra.[c] (F) Men Gud förebrår dem när han säger:[d]

Se, dagar ska komma, säger Herren,
    då jag ska sluta ett nytt förbund
        med Israels hus och med Juda hus,
(G) inte som det förbund jag slöt
        med deras fäder
    den dag jag tog deras hand
        och förde dem ut
            ur Egyptens land,
    för de blev inte kvar
        i förbundet med mig,
    så jag brydde mig inte om dem,
        säger Herren.
10 (H) Nej, detta är det förbund
        som jag efter denna tid
    ska sluta med Israels hus,
        säger Herren:
    Jag ska lägga mina lagar i deras sinne
        och skriva dem i deras hjärtan.
    Jag ska vara deras Gud,
        och de ska vara mitt folk.
11 (I) Då ska ingen mer behöva
        undervisa sin landsman,
    ingen sin broder och säga:
        "Lär känna Herren!"
    Alla kommer att känna mig,
        från den minste av dem
            till den störste,
12 (J) för jag ska i nåd förlåta
        deras missgärningar
    och aldrig mer minnas
        deras synder.

13 (K) När han talar om ett nytt förbund, har han därmed förklarat det förra föråldrat. Och det som blir gammalt och föråldrat är på väg att försvinna.

Footnotes

  1. 8:2 det sanna tabernaklet   Den himmelska helgedomen har sin motsvarighet i Israels flyttbara helgedom under ökenvandringen (2 Mos 40). Jfr Hebr 9:11, Upp 15:5.
  2. 8:5 2 Mos 25:40.
  3. 8:7 det första förbundet … ett andra   Dvs lagens förbund och nådens förbund.
  4. 8:8f Jer 31:31f (Septuaginta).