Mga Hebreo 8:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Tungkulin ng bawat pinakapunong pari ang mag-alay ng mga kaloob at mga handog, kaya't kailangang ang ating Pinakapunong Pari ay mayroon ding ihahandog. 4 Kung siya ay nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, sapagkat mayroon nang mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. 5 Ang(A) paglilingkod ng mga ito ay larawan lamang ng nasa langit, sapagkat nang itatayo na ni Moises ang tolda, mahigpit na ipinagbilin sa kanya ng Diyos ang ganito, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita ko sa iyo sa bundok.”
Read full chapter
Mga Hebreo 8:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Dahil itinalaga ang bawat Kataas-taasang Pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay, kailangan din na ang ating Kataas-taasang Pari ay magkaroon ng ihahandog. 4 Ngayon, kung siya'y nasa lupa, hindi siya maaaring maging pari, yamang mayroong mga paring naghahandog ng mga kaloob ayon sa Kautusan. 5 Ang (A) paglilingkod nila ay anyo at anino lamang ng mga bagay na makalangit; tulad din noon nang bigyan ng tagubilin si Moises nang malapit na niyang itayo ang tabernakulo, “Tiyakin mo na gagawin mo ang lahat ayon sa huwarang ipinakita sa iyo sa bundok.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
