Add parallel Print Page Options

Ang Pagkapari ni Melquizedek

Ang (A) Melquizedek na ito, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos, ay sumalubong kay Abraham sa pagbabalik niya galing sa paglipol sa mga hari, at siya’y binasbasan nito. Sa kanya ibinigay ni Abraham ang ikasampung bahagi ng lahat. Una sa lahat, si Melquizedek ay hari ng katuwiran; ito ang kahulugan ng kanyang pangalan. At dahil hari siya ng Salem, siya ay hari din ng kapayapaan. Walang binanggit na ama o ina o talaan ng kanyang angkan o maging tungkol sa kanyang kapanganakan o kamatayan. Tulad ng Anak ng Diyos, siya ay nanatiling pari magpakailanman.

Masdan ninyo kung gaano kadakila ang taong ito! Maging si Abraham na patriyarka ay nagkaloob sa kanya ng ikasampung bahagi ng kanyang mga nasamsam mula sa labanan. Ang (B) mga pari mula sa angkan ni Levi ay itinatakda ng Kautusan na tumanggap ang ikasampung bahagi mula sa taong-bayan, na kanilang mga kapatid, kahit ang mga ito ay mula rin kay Abraham. Ngunit si Melquizedek, bagamat hindi mula sa lahi ni Levi, ay tumanggap ng ikasampung bahagi mula kay Abraham. At binasbasan ni Melquizedek si Abraham na siyang pinangakuan ng Diyos. Walang alinlangan na ang mas mababa ay tumatanggap ng basbas mula sa mas nakakataas. Sa isang banda, ang mga pari na tumatanggap ng ikasampung bahagi ay namamatay; sa kabila naman, ang tumanggap ay pinatutunayang nanatiling buháy. Maaari pang sabihin na maging si Levi na tumatanggap ng mga ikasampung bahagi ay nagbayad ng ikasampung bahagi sa pamamagitan ni Abraham, 10 sapagkat nang siya’y salubungin ni Melquizedek, si Levi ay nasa katawan pa ng kanyang ninunong Abraham.

11 Ngayon, kung ang pagiging sakdal ay makakamit sa pamamagitan ng pagkapari ng mga Levita, yamang tinanggap ng bayan ang Kautusan sa pamamagitan ng mga paring Levita—bakit kinailangan pa na may lumitaw na isang pari ayon sa pagkapari ni Melquizedek at hindi ayon sa pagkapari ni Aaron? 12 Sapagkat kapag may pagbabago sa pagkapari, kailangan ding may pagbabago sa Kautusan. 13 Sapagkat ang tinutukoy ng mga bagay na ito ay kabilang sa ibang angkan, at mula sa angkang iyon ay wala pang sinuman na naglingkod sa dambana. 14 Maliwanag na ang ating Panginoon ay nagmula sa Juda, at walang sinabing anuman si Moises tungkol sa mga pari kaugnay ng liping iyon. 15 Lalo pa itong naging maliwanag nang lumitaw ang isang pari na kagaya ni Melquizedek, 16 siya ay naging pari, hindi dahil sa itinatakda ng batas ukol sa lahing pinagmulan, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na hindi mapupuksa. 17 Sapagkat (C) pinapatotohanan,

“Ikaw ay pari magpakailanman,
    ayon sa pagkapari ni Melquizedek.”

18 Sa isang dako'y pinawalang bisa ang naunang alituntunin sapagkat ito ay mahina at walang pakinabang, 19 yamang hindi nagawa ng Kautusan na maging sakdal ang sinuman. Sa kabilang dako nama'y ipinakilala ang higit na mabuting pag-asa, at sa pamamagitan nito ay lumalapit tayo sa Diyos.

20 At ang pagiging pari ni Jesus ay may kasamang panunumpa, hindi kagaya ng mga nauna na naging pari na walang kasamang panunumpa. 21 Subalit (D) siya ay naging pari na mayroong panunumpa nang sabihin ng Diyos sa kanya,

“Nanumpa ang Panginoon
    at hindi siya magbabago ng kanyang isip,
‘Ikaw ay pari magpakailanman.’ ”

22 Dahil dito, si Jesus ang naging katiyakan ng mas mabuting tipan. 23 Bukod dito, kailangan noon ang maraming pari sapagkat hinahadlangan ng kamatayan ang pagpapatuloy nila sa tungkulin. 24 Subalit dahil nananatili si Jesus magpakailanman, ang kanyang pagkapari ay walang katapusan. 25 Dahil dito, sa lahat ng panahon ay kaya niyang iligtas ang lahat[a] ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, yamang lagi siyang nabubuhay upang mamagitan para sa kanila.

26 Nararapat lang, kung gayon, na magkaroon tayo ng ganoong Kataas-taasang Pari na banal, walang sala, walang dungis, inihiwalay sa mga makasalanan, at naging mas mataas kaysa mga langit. 27 Hindi (E) katulad ng ibang mga Kataas-taasang Pari, hindi niya kailangang maghandog ng alay araw-araw, una'y para sa kanyang sariling mga kasalanan, at para na rin sa mga kasalanan ng bayan. Nang ihandog niya ang kanyang sarili, ang kanyang handog ay minsan lamang, at ang bisa'y magpakailanman. 28 Sapagkat ang hinihirang ng Kautusan bilang mga Kataas-taasang Pari ay mga taong may kahinaan; ngunit ang salita ng panunumpa sa pagkapari na dumating pagkatapos ng Kautusan ay humirang sa Anak, na ginawang sakdal magpakailanman.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 7:25 o kaya'y kaya niyang iligtas nang lubusan ang lahat.

至高 神的祭司麦基洗德

这麦基洗德就是撒冷王,又是至高 神的祭司。亚伯拉罕杀败众王回来的时候,麦基洗德迎接他,并且给他祝福。 亚伯拉罕也把自己得来的一切,拿出十分之一来给他。麦基洗德这名字翻译出来,头一个意思就是“公义的王”;其次是“撒冷王”,就是“平安的王”的意思。 他没有父亲,没有母亲,没有族谱,也没有生死的记录,而是与 神的儿子相似,永远作祭司。

麦基洗德的祭司职分

你们想一想这人是多么伟大啊!祖先亚伯拉罕也要从上等的掳物中,拿出十分之一来给了他。 那些领受祭司职分的利未子孙,奉命按照律法向人民,就是自己的弟兄,收取十分之一;虽然他们都是出于亚伯拉罕的。 可是那不与他们同谱系的麦基洗德,反而收纳了亚伯拉罕的十分之一,并且给这蒙受应许的人祝福。 向来都是位分大的给位分小的祝福,这是毫无疑问的。 在这里,收取十分之一的,都是必死的;但在那里,收纳十分之一的,却被证实是一位活着的。 并且可以这样说,连那收取十分之一的利未,也透过亚伯拉罕缴纳了十分之一。 10 因为麦基洗德迎接亚伯拉罕的时候,利未还在他祖先的身体里面。

耶稣按麦基洗德体系作祭司

11 这样看来,如果借着利未人的祭司制度能达到完全的地步(人民是在这制度下领受律法的),为甚么还需要照着麦基洗德的体系,另外兴起一位祭司,而不照着亚伦的体系呢? 12 祭司的制度既然更改了,律法也必须更改。 13 因为这些话所指的那位,原是属于另外一个支派的,这支派向来没有人在祭坛前供职。 14 我们的主明明是从犹大支派出来的,关于这个支派,摩西并没有提及祭司的事。 15 如果有另一位像麦基洗德那样的祭司兴起来,那么,这里所说的就更明显了。 16 他成了祭司,不是按着律法上肉身的条例,却是按着不能毁坏的生命的大能。 17 因为有为他作证的说:

“你永远作祭司,

是照着麦基洗德的体系。”

18 一方面,从前的条例因为软弱,没有用处,就废弃了; 19 (因为律法从来没有使甚么得到完全,)另一方面,它却带来了更美的盼望,借着这盼望,我们就可以亲近 神。

20 此外,还有关于誓言的事。其他成为祭司的,并不是用誓言立的; 21 只有耶稣是用誓言立的,因为那立他的对他说:

“主已经起了誓,

决不改变,

你永远作祭司。”

22 耶稣既然是用誓言立的,就成了更美好的约的保证。 23 一方面,从前那些作祭司的,因为受死亡的限制,不能长久留任,所以人数众多。 24 另一方面,因为耶稣是永远长存的,就拥有他永不更改的祭司职位。 25 因此,那些靠着他进到 神面前的人,他都能拯救到底;因为他长远活着,为他们代求。

26 这样的一位大祭司,对我们本是合适的。他是圣洁、没有邪恶、没有玷污、从罪人中分别出来、高过众天的。 27 他不必像那些大祭司,天天先为自己的罪献祭,然后为人民的罪献祭;因为他献上了自己,就把这事一次而永远的成全了。 28 律法所立的大祭司,都是软弱的人;可是在律法以后,用誓言所立的儿子,却是成为完全直到永远的。

The King of Righteousness(A)

For this (B)Melchizedek, king of Salem, priest of the Most High God, who met Abraham returning from the slaughter of the kings and blessed him, to whom also Abraham gave a tenth part of all, first being translated “king of righteousness,” and then also king of Salem, meaning “king of peace,” without father, without mother, without genealogy, having neither beginning of days nor end of life, but made like the Son of God, remains a priest continually.

Now consider how great this man was, to whom even the patriarch Abraham gave a tenth of the [a]spoils. And indeed (C)those who are of the sons of Levi, who receive the priesthood, have a commandment to receive tithes from the people according to the law, that is, from their brethren, though they have come from the loins of Abraham; but he whose genealogy is not derived from them received tithes from Abraham (D)and blessed (E)him who had the promises. Now beyond all contradiction the lesser is blessed by the better. Here mortal men receive tithes, but there he receives them, (F)of whom it is witnessed that he lives. Even Levi, who receives tithes, paid tithes through Abraham, so to speak, 10 for he was still in the loins of his father when Melchizedek met him.

Need for a New Priesthood(G)

11 (H)Therefore, if perfection were through the Levitical priesthood (for under it the people received the law), what further need was there that another priest should rise according to the order of Melchizedek, and not be called according to the order of Aaron? 12 For the priesthood being changed, of necessity there is also a change of the law. 13 For He of whom these things are spoken belongs to another tribe, from which no man has [b]officiated at the altar.

14 For it is evident that (I)our Lord arose from (J)Judah, of which tribe Moses spoke nothing concerning [c]priesthood. 15 And it is yet far more evident if, in the likeness of Melchizedek, there arises another priest 16 who has come, not according to the law of a fleshly commandment, but according to the power of an endless life. 17 For [d]He testifies:

(K)“You are a priest forever
According to the order of Melchizedek.”

18 For on the one hand there is an annulling of the former commandment because of (L)its weakness and unprofitableness, 19 for (M)the law made nothing [e]perfect; on the other hand, there is the bringing in of (N)a better hope, through which (O)we draw near to God.

Greatness of the New Priest

20 And inasmuch as He was not made priest without an oath 21 (for they have become priests without an oath, but He with an oath by Him who said to Him:

(P)“The Lord has sworn
And will not relent,
‘You are a priest [f]forever
According to the order of Melchizedek’ ”),

22 by so much more Jesus has become a [g]surety of a (Q)better covenant.

23 Also there were many priests, because they were prevented by death from continuing. 24 But He, because He continues forever, has an unchangeable priesthood. 25 Therefore He is also (R)able to save [h]to the uttermost those who come to God through Him, since He always lives (S)to make intercession for them.

26 For such a High Priest was fitting for us, (T)who is holy, [i]harmless, undefiled, separate from sinners, (U)and has become higher than the heavens; 27 who does not need daily, as those high priests, to offer up sacrifices, first for His (V)own sins and then for the people’s, for this He did once for all when He offered up Himself. 28 For the law appoints as high priests men who have weakness, but the word of the oath, which came after the law, appoints the Son who has been perfected forever.

Footnotes

  1. Hebrews 7:4 plunder
  2. Hebrews 7:13 served
  3. Hebrews 7:14 NU priests
  4. Hebrews 7:17 NU it is testified
  5. Hebrews 7:19 complete
  6. Hebrews 7:21 NU ends the quotation after forever.
  7. Hebrews 7:22 guarantee
  8. Hebrews 7:25 completely or forever
  9. Hebrews 7:26 innocent