Mga Hebreo 6
Magandang Balita Biblia
6 Kaya't iwan na natin ang mga panimulang aralin tungkol kay Cristo at magpatuloy tayo sa mga aral na para sa mga may sapat na gulang na. Tigilan na natin ang muling paglalagay ng pundasyon tungkol sa pagtalikod sa mga gawang walang kabuluhan at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, 2 tungkol sa mga iba't ibang seremonya ng paglilinis at pagpapatong ng mga kamay, at tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay at sa hatol na walang hanggan. 3 Magpatuloy nga tayo; at iyan ang gagawin natin kung loloobin ng Diyos.
4 Sapagkat paano pang panunumbalikin upang magsisi ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. 5 Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. 6 Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat ng ito, hindi na sila maaaring panumbalikin upang magsisi sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.
7 Sapagkat pinagpapala ng Diyos ang lupang pagkatapos tumanggap ng masaganang ulan ay sinisibulan ng halamang pinapakinabangan ng mga magsasaka. 8 Subalit(A) kung mga damo at halamang matitinik ang tumutubo doon, walang kabuluhan ang lupang iyon at nanganganib pang sumpain ng Diyos at tupukin sa apoy.
9 Mga minamahal, kahit ganito ang sinasabi namin, natitiyak namin na nasa mas mabuti kayong kalagayan patungkol sa inyong kaligtasan. 10 Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos. 11 Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan. 12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.
Tiyak ang Pangako ng Diyos
13 Nang mangako kay Abraham ang Diyos, siya'y nanumpa sa kanyang sariling pangalan, yamang wala nang hihigit pa sa kanya na maaari niyang panumpaan. 14 Sinabi(B) niya, “Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at pararamihin ko ang iyong lahi.” 15 Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap niya ang ipinangako sa kanya. 16 Nanunumpa ang mga tao sa pangalan ng isang nakakahigit sa kanila, at sa pamamagitan ng panunumpa ay pinapagtibay ang usapan. 17 Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin. 18 Hindi nagbabago at hindi nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. 19 Ang(C) pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan. 20 Si(D) Jesus ay naunang pumasok doon alang-alang sa atin, at naging Pinakapunong Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.
Mga Hebreo 6
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
6 Kaya't tayo'y magpatuloy tungo sa pagiging sakdal at huwag manatili lamang sa mga panimulang aralin tungkol kay Cristo. Huwag nang muling ilagay ang saligan tungkol sa pagtalikod mula sa mga patay na gawa at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, 2 o kaya’y aralin tungkol sa mga bautismo,[a] pagpapatong ng mga kamay, muling pagkabuhay ng mga patay, at walang hanggang kaparusahan. 3 At gagawin natin ito, kung ipahihintulot ng Diyos. 4 Sapagkat ang mga taong dati nang naliwanagan, mga nakalasap ng makalangit na kaloob, at mga naging kabahagi sa Banal na Espiritu, 5 silang nakalasap ng kabutihan ng salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, 6 kapag tumalikod ay imposible nang panumbalikin sa pagsisisi, sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalagay sa kahihiyan ang Anak ng Diyos. 7 Sapagkat tumatanggap ng pagpapala sa Diyos ang lupang umiinom ng ulang madalas na pumapatak dito at tinutubuan ng mga halamang pinakikinabangan ng mga bumungkal. 8 Subalit (A) walang saysay ang lupang tinutubuan ng mga tinik at dawag. Nanganganib itong sumpain at ang wakas nito ay ang tupukin.
9 Ngunit, mga minamahal, bagaman ganito ang sinasabi namin, naniniwala naman kami na kayo at ang tungkol sa inyong kaligtasan ay nasa mas mabuting kalagayan. 10 Sapagkat makatarungan ang Diyos; hindi niya kalilimutan ang inyong ginawa at ang pag-ibig na inyong ipinakita sa paglilingkod ninyo sa mga banal alang-alang sa kanyang pangalan. Ito ay patuloy ninyong ginagawa hanggang ngayon. 11 Ninanais namin na bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding sigasig hanggang wakas upang malaman ninyo ang ganap na katiyakan ng pag-asa. 12 Huwag kayong maging tamad, sa halip ay tularan ang mga taong nagmamana ng mga pangako sa pamamagitan ng pananampalataya at pagtitiis.
Ang Katiyakan ng Pangako ng Diyos
13 Nang mangako ang Diyos kay Abraham, nanumpa ang Diyos sa kanyang sarili dahil wala na siyang panunumpaan na higit pa sa kanya. 14 Sinabi (B) niya, “Tinitiyak ko na lubos kitang pagpapalain at ang iyong lahi ay aking pararamihin.” 15 Kaya't pagkatapos ng matiyagang paghihintay, tinanggap ni Abraham ang ipinangako. 16 Nanunumpa ang mga tao sa harap ng higit na mataas sa kanila, at ang sumpang binitawan bilang katibayan ay nagpapatibay sa bawat usapin. 17 Kaya, noong ninais ng Diyos na ipakita sa mga tagapagmana ng pangako na hindi maaaring mabago ang kanyang layunin, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang sumpa. 18 Hindi maaaring magsinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. At dahil sa dalawang bagay na ito na di-mababago, tayong nakatagpo ng kanlungan ay magkaroon ng lakas ng loob na panghawakan ang pag-asang nasa ating harapan. 19 Taglay (C) natin ang pag-asang ito bilang tiyak at matibay na angkla ng ating kaluluwa, isang pag-asa na umaabot sa Kabanal-banalang Dako sa kabila ng tabing ng Templo. 20 Doon (D) ay nauna nang pumasok si Jesus alang-alang sa atin, yamang siya’y naging Kataas-taasang Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquizedek.
Footnotes
- Mga Hebreo 6:2 o paghuhugas.
希伯来书 6
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
6 所以我们要离开有关基督的初级道理,努力迈向成熟,而不是再次打基础:教导为致死的行为悔改、信靠上帝、 2 各种洗礼、按手礼、死人复活、永远的审判等道理。 3 上帝若许可,我们会这样做。
4 有些人曾蒙上帝光照,尝过天赐恩典的滋味,有份于圣灵, 5 尝过上帝之道的甘美,领悟到永世的权能, 6 却背弃了真道,让他们重新悔改是不可能的。因为他们等于把上帝的儿子重新钉在十字架上,使祂再度公开受辱。 7 一块经常受到雨水滋润的田地若为耕种的人长出庄稼来,就蒙上帝赐福; 8 若长出来的尽是荆棘和蒺藜,就毫无价值,它会面临被咒诅的危险,最后必遭焚烧。
9 亲爱的弟兄姊妹,虽然我们这样说,却深信你们的光景比这强,有得救的表现。 10 因为上帝并非不公义,以致忘记你们为祂所做的工作以及你们过去和现在服侍圣徒所表现的爱心。 11 愿你们各人从始至终表现出同样的殷勤,以便对所盼望的有完全的把握。 12 这样,你们就不致懒散,可以效法那些凭信心和忍耐承受应许的人。
上帝的应许可靠
13 当初,上帝向亚伯拉罕许下诺言的时候,因为没有比自己更大的可以凭着起誓,就凭自己起誓说: 14 “我必赐福给你,使你子孙众多。” 15 亚伯拉罕经过耐心的等待,得到了上帝的应许。
16 人总是指着比自己更大的起誓,并用誓言作保证,了结各样的争论。 17 同样,上帝为要向承受应许的人显明祂的旨意绝不更改,就用誓言向他们保证。 18 上帝绝不说谎,祂将永不改变的应许和誓言给了我们,使我们这些寻找避难所、持定摆在前面之盼望的人可以大得鼓励。 19 我们有这盼望作我们灵魂的锚,既安稳又可靠,一直通往圣幕里面的至圣所。 20 耶稣照麦基洗德的模式成了永远的大祭司,祂替我们先进入了圣幕内。
Hebrews 6
King James Version
6 Therefore leaving the principles of the doctrine of Christ, let us go on unto perfection; not laying again the foundation of repentance from dead works, and of faith toward God,
2 Of the doctrine of baptisms, and of laying on of hands, and of resurrection of the dead, and of eternal judgment.
3 And this will we do, if God permit.
4 For it is impossible for those who were once enlightened, and have tasted of the heavenly gift, and were made partakers of the Holy Ghost,
5 And have tasted the good word of God, and the powers of the world to come,
6 If they shall fall away, to renew them again unto repentance; seeing they crucify to themselves the Son of God afresh, and put him to an open shame.
7 For the earth which drinketh in the rain that cometh oft upon it, and bringeth forth herbs meet for them by whom it is dressed, receiveth blessing from God:
8 But that which beareth thorns and briers is rejected, and is nigh unto cursing; whose end is to be burned.
9 But, beloved, we are persuaded better things of you, and things that accompany salvation, though we thus speak.
10 For God is not unrighteous to forget your work and labour of love, which ye have shewed toward his name, in that ye have ministered to the saints, and do minister.
11 And we desire that every one of you do shew the same diligence to the full assurance of hope unto the end:
12 That ye be not slothful, but followers of them who through faith and patience inherit the promises.
13 For when God made promise to Abraham, because he could swear by no greater, he sware by himself,
14 Saying, Surely blessing I will bless thee, and multiplying I will multiply thee.
15 And so, after he had patiently endured, he obtained the promise.
16 For men verily swear by the greater: and an oath for confirmation is to them an end of all strife.
17 Wherein God, willing more abundantly to shew unto the heirs of promise the immutability of his counsel, confirmed it by an oath:
18 That by two immutable things, in which it was impossible for God to lie, we might have a strong consolation, who have fled for refuge to lay hold upon the hope set before us:
19 Which hope we have as an anchor of the soul, both sure and stedfast, and which entereth into that within the veil;
20 Whither the forerunner is for us entered, even Jesus, made an high priest for ever after the order of Melchisedec.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
