Add parallel Print Page Options

13 At (A) muli,

“Ilalagak ko ang aking pagtitiwala sa kanya.”

Sinabi din niya,

“Narito ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Diyos.”

14 Kaya, yamang nakikibahagi ang mga anak sa laman at dugo, at siya man ay nakibahagi rin sa mga bagay na ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay kanyang mapuksa ang may kapangyarihan sa kamatayan, samakatuwid ay ang diyablo, 15 at mapalaya silang lahat na dahil sa takot sa kamatayan ay nasa ilalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.

Read full chapter