Add parallel Print Page Options

Sa (A) pamamagitan ng pananampalataya, si Enoc ay kinuhang paitaas upang siya'y hindi dumanas ng kamatayan. “Hindi na siya natagpuan, sapagkat siya'y kinuha ng Diyos.” Bago siya kinuha, napatunayang nalugod sa kanya ang Diyos. At kung walang pananampalataya, hindi maaaring malugod ang Diyos sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang nagbibigay-gantimpala sa mga nagnanais maglingkod sa kanya. Sa (B) pamamagitan ng pananampalataya, pinakinggan ni Noe ang babala ng Diyos tungkol sa mga bagay na hindi pa niya nakikita, kaya't siya'y gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at siya'y naging tagapagmana ng pagiging matuwid na bunga ng pananampalataya.

Read full chapter