Mga Hebreo 1
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1 Noong unang panahon, nagsalita ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan. 2 Ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak. Siya ang hinirang ng Diyos na maging tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya'y ginawa ng Diyos ang buong sanlibutan. 3 Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. 4 Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.
Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel
5 Sinabi (A) ba ito ng Diyos kailanman kahit kaninong anghel,
“Ikaw ang aking Anak,
    naging Ama mo ako ngayon”?
o kaya nama'y,
“Ako'y magiging Ama niya,
    at siya'y magiging Anak ko”?
6 At muli, (B) nang kanyang isinugo sa daigdig ang kanyang panganay na Anak ay sinabi niya,
“Sumamba kayo sa kanya, kayong mga anghel ng Diyos.”
7 Tungkol (C) naman sa mga anghel ay sinabi niya,
“Ang mga anghel ay ginagawa niyang hangin,
    at ang kanyang mga lingkod ay ningas ng apoy.”
8 Ngunit, (D) tungkol naman sa Anak ay sinabi niya,
“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman;
    at ang setro ng katarunga'y ang setro ng iyong kaharian.
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan;
    kaya't ang Diyos, na iyong Diyos, ang humirang sa iyo na may langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan.”
10 Sinabi (E) rin niya,
“Ikaw, Panginoon, ang sa simula pa'y nagtatag ng sandigan ng sanlibutan,
    at ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.
11 Ang mga ito'y mawawalang lahat, ngunit mananatili ka kailanman.
    Maluluma silang lahat gaya ng kasuotan;
12 ibabalumbon mo silang parang balabal,
    at papalitan silang tulad ng kasuotan.
Ngunit ikaw ay hindi nagbabago,
    at hindi magwawakas ang mga taon mo.”
13 Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa kahit sinong anghel,
“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang maipailalim ko sa iyong mga paa ang iyong mga kaaway.”
14 Hindi ba ang lahat ng anghel ay mga espiritung naglilingkod at sinugo upang tumulong sa mga magmamana ng kaligtasan?
Mga Hebreo 1
Ang Biblia (1978)
1 Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at (A)sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na (B)ito sa pamamagitan, (C)ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na (D)tagapagmana ng lahat ng mga bagay, (E)na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;
3 (F)Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at (G)tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at (H)umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, (I)nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, (J)ay lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
4 Na naging lalong mabuti kay sa mga anghel, palibhasa'y (K)nagmana ng lalong marilag na pangalan kay sa kanila.
5 Sapagka't kanino nga sa mga anghel sinabi niya kailan man,
Ikaw ay (L)aking Anak,
Ikaw ay aking ipinanganak ngayon?
at muli,
(M)Ako'y magiging kaniyang Ama,
At siya'y magiging aking Anak?
6 At muli nang dinadala niya (N)ang panganay sa sangkalupaan ay sinasabi, At sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Dios.
7 At sinasabi niya tungkol sa mga anghel,
(O)Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin,
At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:
8 Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi,
(P)Ang iyong luklukan,
Oh Dios, ay magpakailan man;
At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang kasamaan;
Kaya't ang Dios, ang Dios mo, ay nagbuhos sa inyo,
(Q)Ng langis ng kasayahang higit sa iyong mga kasamahan.
10 At,
(R)Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang kinasasaligan ng lupa,
At ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay:
11 Sila'y mangapapahamak; datapuwa't ikaw ay nananatili:
At silang lahat ay mangalulumang gaya ng isang kasuutan;
12 At gaya ng isang balabal sila'y iyong bibilutin,
At sila'y mapapalitang gaya ng kasuutan:
Nguni't ikaw ay ikaw rin,
At ang iyong mga taon ay di matatapos.
13 Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man,
(S)Lumuklok ka sa aking kanan,
Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa?
14 Hindi baga silang (T)lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?
Evrei 1
Cornilescu 1924 - Revised 2010, 2014
1 După ce a vorbit în vechime părinţilor noştri prin proroci, în multe rânduri(A) şi în multe chipuri, Dumnezeu, 2 la sfârşitul(B) acestor zile, ne-a vorbit(C) prin Fiul, pe(D) care L-a pus moştenitor al tuturor lucrurilor şi prin(E) care a făcut şi veacurile. 3 El, care(F) este oglindirea slavei Lui şi întipărirea Fiinţei Lui şi care ţine(G) toate lucrurile cu Cuvântul puterii Lui, a făcut(H) curăţirea păcatelor şi a şezut(I) la dreapta Măririi, în locurile preaînalte, 4 ajungând cu atât mai presus de îngeri, cu cât a(J) moştenit un Nume mult mai minunat decât al lor. 5 Căci căruia dintre îngeri a zis El vreodată: „Tu eşti Fiul(K) Meu, astăzi Te-am născut?” şi iarăşi: „Eu(L) Îi voi fi Tată, şi El Îmi va fi Fiu?” 6 Şi, când duce iarăşi în lume pe Cel întâi născut(M), zice: „Toţi(N) îngerii lui Dumnezeu să I se închine!” 7 Şi despre îngeri zice: „Din vânturi face(O) îngeri ai Lui, şi dintr-o flacără de foc, slujitori ai Lui”, 8 pe când Fiului I-a zis: „Scaunul(P) Tău de domnie, Dumnezeule, este în veci de veci; toiagul domniei Tale este un toiag de dreptate. 9 Tu ai iubit neprihănirea şi ai urât nelegiuirea, de aceea, Dumnezeule, Dumnezeul Tău Te-a(Q) uns cu un untdelemn de bucurie mai presus decât pe tovarăşii Tăi.” 10 Şi iarăşi: „La(R) început, Tu, Doamne, ai întemeiat pământul şi cerurile sunt lucrarea mâinilor Tale. 11 Ele(S) vor pieri, dar Tu rămâi; toate se vor învechi ca o haină; 12 le vei face sul ca pe o manta şi vor fi schimbate, dar Tu eşti acelaşi şi anii Tăi nu se vor sfârşi.” 13 Şi căruia din îngeri i-a zis El vreodată: „Şezi(T) la dreapta Mea până voi pune pe vrăjmaşii Tăi aşternut al picioarelor Tale”? 14 Nu sunt oare(U) toţi duhuri slujitoare trimise să îndeplinească o slujbă pentru cei ce vor moşteni(V) mântuirea?
Mga Hebreo 1
Ang Biblia, 2001
Nagsalita ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Anak
1 Noong unang panahon, ang Diyos ay nagsalita sa ating mga ninuno sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta,
2 subalit sa mga huling araw na ito ay nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak, na kanyang itinalagang tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan din niya'y ginawa ang mga sanlibutan.
3 Siya ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Diyos[a] at tunay na larawan ng kanyang likas, at kanyang inaalalayan ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanyang salita. Nang magawa na niya ang paglilinis ng mga kasalanan, siya ay umupo sa kanan ng Kamahalan sa kaitaasan,
4 palibhasa'y naging higit na mataas kaysa mga anghel, palibhasa'y nagmana ng higit na marilag na pangalan kaysa kanila.
Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel
5 Sapagkat(A) kanino sa mga anghel sinabi ng Diyos[b] kailanman,
“Ikaw ay aking Anak,
    ako ngayon ay naging iyong Ama?”
At muli,
“Ako'y magiging kanyang Ama,
    at siya'y magiging aking Anak?”
6 At(B) muli, nang kanyang dinadala ang panganay sa daigdig ay sinasabi niya,
“Sambahin siya ng lahat ng mga anghel ng Diyos.”
7 Tungkol(C) sa mga anghel ay sinasabi niya,
“Ginagawa niyang mga hangin ang mga anghel,
    at ang kanyang mga lingkod ay ningas ng apoy.”
8 Ngunit,(D) tungkol naman sa Anak ay sinasabi niya,
“Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanman;
    at ang setro ng katuwiran ang siyang setro ng iyong kaharian.
9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan ang kasamaan;
kaya't ang Diyos, ang Diyos mo, ay binuhusan ka
    ng langis ng kagalakang higit pa sa iyong mga kasamahan.”
10 At,(E)
“Ikaw, Panginoon, nang pasimula'y inilagay mo ang saligan ng lupa,
    at ang mga langit ay mga gawa ng iyong mga kamay;
11 sila'y mapaparam, subalit ikaw ay nananatili,
    at silang lahat ay malulumang gaya ng kasuotan;
12 gaya ng isang balabal sila'y iyong ilululon,
    at gaya ng damit, sila ay mapapalitan.
Ngunit ikaw ay ikaw pa rin,
    at ang iyong mga taon ay hindi magwawakas.”
13 Ngunit(F) kanino sa mga anghel sinabi niya kailanman,
“Maupo ka sa aking kanan,
    hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa?”
14 Hindi ba silang lahat ay mga espiritung nasa banal na gawain, na sinugo upang maglingkod sa kapakanan ng mga magmamana ng kaligtasan?
Footnotes
- Mga Hebreo 1:3 Sa Griyego ay niya .
- Mga Hebreo 1:5 Sa Griyego ay niya .
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright of the Cornilescu Bible © 1924 belongs to British and Foreign Bible Society. Copyright © 2010, 2014 of the revised edition in Romanian language belongs to the Interconfessional Bible Society of Romania, with the approval of the British and Foreign Bible Society.

