Mga Hebreo 1:3-5
Magandang Balita Biblia
3 Nakikita(A) sa Anak ang kaluwalhatian ng Diyos. Kung ano ang Diyos ay gayundin ang Anak. Siya ang nag-iingat sa sansinukob sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Pagkatapos niyang linisin tayo sa ating mga kasalanan, siya'y umupo sa kanan ng Makapangyarihan doon sa langit.
Mas Dakila ang Anak kaysa sa mga Anghel
4 Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila. 5 Sapagkat(B) kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,
“Ikaw ang aking Anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”
Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,
“Ako'y magiging kanyang Ama,
at siya'y magiging aking Anak.”
Mga Hebreo 1:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. 4 Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.
Higit na Dakila ang Anak kaysa mga Anghel
5 Sinabi (A) ba ito ng Diyos kailanman kahit kaninong anghel,
“Ikaw ang aking Anak,
naging Ama mo ako ngayon”?
o kaya nama'y,
“Ako'y magiging Ama niya,
at siya'y magiging Anak ko”?
Hebrews 1:3-5
New International Version
3 The Son is the radiance of God’s glory(A) and the exact representation of his being,(B) sustaining all things(C) by his powerful word. After he had provided purification for sins,(D) he sat down at the right hand of the Majesty in heaven.(E) 4 So he became as much superior to the angels as the name he has inherited is superior to theirs.(F)
The Son Superior to Angels
5 For to which of the angels did God ever say,
Or again,
Footnotes
- Hebrews 1:5 Psalm 2:7
- Hebrews 1:5 2 Samuel 7:14; 1 Chron. 17:13
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.