Add parallel Print Page Options

Ngunit sa mga huling araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng Anak. Siya ang hinirang ng Diyos na maging tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya'y ginawa ng Diyos ang buong sanlibutan. Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang nagpapanatili sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Higit na mataas ang Anak kaysa mga anghel, kung paanong binigyan siya ng pangalang higit na mataas kaysa kanilang lahat.

Read full chapter