Font Size
Mga Gawa 7:42-44
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Mga Gawa 7:42-44
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
42 Ngunit (A) tinalikuran sila ng Diyos, at pinabayaan silang sumamba sa hukbo ng kalawakan.[a] Nasusulat sa aklat ng mga propeta:
‘O, sambahayan ni Israel, sa akin ba kayo nag-alay ng mga hayop na pinatay
at mga handog sa loob ng apatnapung taon sa ilang?
43 Dinala ninyo ang tolda ni Moloc,
at ang bituin ng diyos ninyong si Refan,
ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin;
at itatapon ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.’
44 “Nasa (B)ating mga ninuno sa ilang ang tolda ng patotoo, na ipinagawa ng Diyos na nagsalita kay Moises, ayon sa huwarang kanyang nakita.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 7:42 Sa Griyego, hukbo ng langit.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.