Mga Gawa 7:19-21
Ang Dating Biblia (1905)
19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
20 Nang panahong yaon, ay ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
Read full chapter
Mga Gawa 7:19-21
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
19 Dinaya at pinagsamantalahan (A) nito ang ating lahi, pinagmalupitan ang ating mga ninuno at pinilit na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Sa (B) panahong iyon ay ipinanganak si Moises, isang batang kinalugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa bahay ng kanyang ama. 21 Nang (C) siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at siya'y pinalaking parang sarili niyang anak.
Read full chapter
Mga Gawa 7:19-21
Ang Biblia (1978)
19 Ito rin ay gumamit ng lalang sa ating lahi, at pinahirapan ang ating mga magulang, (A)na ipinatapon ang kani-kanilang mga sanggol upang huwag mangabuhay.
20 Nang panahong yaon, ay (B)ipinanganak si Moises, at siya'y totoong maganda; at siya'y inalagaang tatlong buwan sa bahay ng kaniyang ama:
21 At nang siya'y matapon, ay pinulot siya ng anak na babae ni Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
Read full chapter
Mga Gawa 7:19-21
Ang Biblia, 2001
19 Pinagsamantalahan(A) nito ang ating bansa at pinilit ang ating mga ninuno na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay[a] ang mga iyon.
20 Nang(B) panahong ito, si Moises ay ipinanganak at siya'y kasiya-siya sa Diyos. Siya'y inalagaan ng tatlong buwan sa bahay ng kanyang ama.
21 Nang(C) siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at siya'y inalagaang gaya ng sariling anak niya.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 7:19 Sa Griyego ay hindi mabuhay .
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
