Mga Gawa 7:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
7 At sinabi ng dakilang saserdote, Tunay baga ang mga bagay na ito?
2 At sinabi niya, Mga kapatid na lalake at mga magulang, mangakinig kayo: Ang Dios ng kaluwalhatia'y napakita sa ating amang si Abraham, nang siya'y nasa Mesapotamia, bago siya tumahan sa Haran,
3 At sinabi sa kaniya, Umalis ka sa iyong lupain, at sa iyong kamaganakan, at pumaroon ka sa lupaing ituturo ko sa iyo.
Read full chapter
Mga Gawa 7:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nangaral si Esteban
7 Nagtanong ang Kataas-taasang Pari, “Totoo ba ang mga ito?” 2 Sumagot (A) si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan po ninyo ako. Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating amang si Abraham noong siya'y nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran. 3 Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ipapakita ko sa iyo.’
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
