Add parallel Print Page Options

Si Pablo sa Malta

28 Nang kami'y ligtas na at nasa pampang, noon namin nalamang ang pulo ay tinatawag na Malta. Napakaganda ng ipinakita sa amin ng mga katutubo roon. Dahil sa nagsimula nang bumagsak ang ulan at naging maginaw, nagsiga sila at malugod kaming tinanggap. Nagtipon naman si Pablo ng kahoy. At nang nailagay na niya ang mga iyon sa siga, lumabas ang isang ulupong nang mainitan, at pumulupot sa kanyang kamay. Nang makita ng mga katutubo ang ulupong na nakabitin sa kanyang kamay, nasabi nila sa isa't isa, “Tiyak na mamamatay-tao ang taong ito. Nakaligtas nga siya sa dagat ngunit hindi naman hinayaan ng Katarungan na siya'y mabuhay.” Subalit ipinagpag ni Pablo ang ulupong sa apoy at hindi man lamang siya nasaktan. Naghintay ang mga tao na mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya, nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos. Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. Dahil sa pangyayaring ito, nagdatingan ang mga may karamdamang tagaroon, at pati sila'y gumaling. 10 Kami nama'y binigyan nila ng maraming parangal, at nang maglalayag na kami ay binigyan pa nila kami ng lahat ng aming kailangan sa paglalakbay.

Mula sa Malta Patungong Roma

11 Tatlong buwan kaming namalagi sa Malta bago kami naglayag sakay ng isang barkong nagpalipas din ng tagginaw sa pulo. Ang barkong ito na mula sa Alejandria ay may sagisag na “Kambal na Diyos.” 12 Dumaong kami sa Siracusa at tumigil doon ng tatlong araw. 13 Mula roo'y nagpatuloy kami at nakarating sa Regio. Kinabukasa'y umihip ang hanging habagat, at sa loob ng dalawang araw ay nakarating kami sa Puteoli. 14 Doon ay may natagpuan kaming mga kapatid. Pinakiusapan nila kaming tumigil doon ng isang linggo. Mula roo'y ipinagpatuloy namin ang aming paglalakbay hanggang makarating kami sa Roma. 15 Nang mabalitaan ng mga kapatid doon ang tungkol sa amin, dumating sila mula pa sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, siya'y nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Si Pablo sa Roma

16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya. 17 Pagkaraan ng tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pinuno ng mga Judio sa lungsod. Nang sila'y matipon na, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anuman laban sa ating bansa, o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at ibinigay sa mga kamay ng mga Romano. 18 Matapos akong siyasatin, palalayain na sana ako ng mga Romano, sapagkat wala namang sapat na dahilan upang ako'y parusahan ng kamatayan. 19 Subalit (A) tumutol ang mga Judio, kaya't napilitan akong dumulog sa Emperador. Gayunma'y wala akong paratang laban sa aking mga kababayan. 20 Nakagapos ako sa tanikalang ito dahil sa pag-asa ng bansang Israel. Ito ang dahilan kung bakit ko hiniling na makipagkita at makipag-usap sa inyo.” 21 Sumagot sila, “Wala kaming natatanggap na sulat galing sa Judea tungkol sa iyo. At sa mga kababayan naman nating pumunta rito ay walang sinumang nagbalita o nagsalita ng anumang masama laban sa iyo. 22 Gayunma'y ibig naming mapakinggan ang iyong mga saloobin. Alam namin na saan mang lugar ay maraming nagsasalita ng laban sa sektang ito.” 23 Kaya't sila'y nagtalaga ng isang araw para sa kanya, at maraming nagtungo sa kanyang tinutuluyan pagsapit ng takdang araw na iyon. Mula umaga hanggang gabi ay nagpaliwanag at nagpatotoo sa kanila si Pablo tungkol sa paghahari ng Diyos. Sinikap niyang hikayatin sila tungkol kay Jesus mula sa isinasaad ng Kautusan ni Moises at ng mga propeta. 24 May ibang naniwala sa kanyang sinabi at may iba namang hindi. 25 At nang hindi sila magkaisa, umalis sila matapos sabihin ni Pablo ang ganitong pahayag: “Tama ang sinabi ng Banal na Espiritu nang sabihin niya sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni propeta Isaias,

26 ‘Pumaroon (B) ka sa sambayanang ito at sabihin mo,
Makinig man kayo nang makinig, kailanma'y hindi ninyo mauunawaan,
    tingnan man ninyo nang tingnan, hindi kayo makakakita.
27 Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito,
    at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga,
    ipinikit na nila ang kanilang mga mata;
    Sapagkat ayaw na nilang makakita ang kanilang mga mata,
    at makarinig ang kanilang mga tainga,
at makaunawa ang kanilang puso, at magbalik-loob sa akin,
    at sila'y aking pagalingin.’

28 Kaya nais kong sabihin sa inyo na ipinararating na sa mga Hentil ang kaligtasang ito mula sa Diyos, at pakikinggan nila ito!” 29 [Matapos niyang sabihin ang mga ito ay umalis na ang mga Judio at mahigpit na nagtalu-talo.][a] 30 Dalawang taóng nanirahan sa Roma si Pablo, sa bahay na kanyang inuupahan. Tinatanggap niya ang lahat ng pumupunta sa kanya. 31 Buong tapang at malaya niyang ipinangangaral ang mga bagay tungkol sa paghahari ng Diyos at itinuturo ang tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo.

Footnotes

  1. Mga Gawa 28:29 Sa ibang manuskrito wala ang talatang ito.

Ang Pagdaong sa Malta

28 Nang sila ay makaligtas na, napag-alaman nilang ang pangalan ng pulo ay Malta.

Kami ay pinakitaan ng hindi pangkaraniwang kagandahang-loob ng mga barbaro. Sa pagtanggap nila sa bawat isa sa amin, nagsiga sila sapagkat umuulan noon at maginaw. Ngunit pagkatipon ni Pablo ng isang bigkis na kahoy at mailagay sa apoy, lumabas ang isang ulupong dahil sa init. Kumapit ito sa kaniyang kamay. Nang makita ng mga barbaro ang hayop na nakabitin sa kaniyang kamay, nagsabi ang isa sa isa’t isa: Walang salang mamamatay-tao ang lalaking ito. Bagamat siya ay nakaligtas sa dagat, gayunman ay hindi siya pinabayaang mabuhay ng katarungan. Ipinagpag niya ang hayop sa apoy at siya ay hindi nasaktan. Nang magkagayon ay hinintay nilang mamaga na siya o bigla na lamang mabuwal na patay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay at nakitang walang nangyaring masama sa kaniya, nagbago sila ng akala. Sinabi nilang siya ay isang diyos.

Sa mga kalapit ng dakong iyon ay may mga lupain ang pangulo ng pulong iyon. Ang pangalan niya ay Publio. Tinanggap niya kami at kinupkop ng tatlong araw na may kagandahang-loob. Nangyari na ang ama ni Publio ay nakaratay at maysakit na lagnat at disinterya. Pumasok si Pablo at ipinanalangin siya. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya at siya ay pinagaling. Nang mangyari nga ito, pumaroon naman ang ibang may mga karamdaman sa pulo at sila rin ay pinagaling. 10 Kami naman ay pinarangalan nila ng maraming parangal. Nang maglayag na kami, binigyan nila kami ng mga bagay na kinakailangan namin.

Dumating si Pablo sa Roma

11 Pagkaraan ng tatlong buwan ay naglayag kami na sakay ng isang barko na mula sa Alexandria. Tumigil kami sa pulo nang tag-ulan na. Ang sagisag ay Ang Magkapatid na Kambal.

12 Nang dumaong kami sa Siracusa, tumigil kami roon ng tatlong araw. 13 Mula roon ay lumigid kami at dumating sa Regio. Pagkaraan ng isang araw ay umihip ang hanging katimugan. Nang ikalawang araw ay dumating kami sa Putiole. 14 Doon ay nakakita kami ng mga kapatid. Ipinamanhik nila na manatili sa kanila ng pitong araw. Pagkatapos ay nagtuloy kami sa Roma. 15 Buhat doon, pagkarinig ng mga kapatid sa mga bagay patungkol sa amin, sinalubong nila kami hanggang sa Foro ng Appio at sa Tatlong Bahay-panuluyan. Nang makita sila ni Pablo, nagpasalamat siya sa Diyos at lumakas ang loob. 16 Nang makapasok kami sa Roma, ibinigay ng mga kapitan ang mga bilanggo sa pinunong kawal. Ngunit si Pablo ay pinahintulutang mamahay na mag-isa. Kasama niya ang kawal na nagbabantay sa kaniya.

Binantayan si Pablo Habang Nangangaral sa Roma

17 Nangyari na pagkaraan ng tatlong araw, tinipon ni Pablo ang mga pinuno ng mga Judio. Nang magkatipon na sila, sinabi niya sa kanila: Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anumang laban sa mga tao o sa mga kaugalian ng mga ninuno ay ibinigay akong bilanggo buhat sa Jerusalem sa mga kamay ng mga taga-Roma.

18 Nang ako ay masiyasat na nila, ibig sana nila akong palayain sapagkat walang anumang maipaparatang laban sa akin na nararapat sa kamatayan. 19 Ngunit nang magsalita laban dito ang mga Judio, napilitan akong umapela hanggang kay Cesar. Hindi sa mayroon akong anumang sukat na maisakdal laban sa aking bansa. 20 Kaya nga, ito ang dahilan kung bakit hiniling kong makipagkita at makipag-usap sa inyo sapagkat sa pag-asa ng Israel ay nagagapos ako ng tanikalang ito.

21 Sinabi nila sa kaniya: Hindi kami tumanggap ng mga sulat na galing sa Judea patungkol sa iyo. Hindi rin naparito ang sinumang kapatid na magbalita o magsalita ng anumang masama patungkol sa iyo. 22 Ngunit ibig naming marinig mula sa iyo kung ano ang iniisip mo sapagkat alam naming ang mga tao sa lahat ng dako ay totoong nagsalita ng laban sa sektang ito.

23 Nang makapagtakda na sila ng isang araw sa kaniya, pumaroon sa kaniyang tinutuluyan ang lubhang maraming tao. Ipinaliwanag niya sa kanila ang bagay na sinasaksihan ang paghahari ng Diyos. Sila ay hinihimok niya patungkol kay Jesus, sa pamamagitan ng kautusan ni Moises at sa pamama­gitan ng aklat ng mga propeta. Ito ay ginawa niya mula sa umaga hanggang sa gabi. 24 Ang ilan ay naniwala sa mga bagay na sinabi niya at ang ilan ay hindi naniwala. 25 Nang sila ay hindi magkaisa, umalis sila pagkasabi ni Pablo ng isang pananalita: Tama ang pagkasabi ng Banal na Espiritu sa ating mga ninuno sa pamamagitan ni Propeta Isaias. 26 Sinasabi:

Pumunta ka sa mga taong ito at sabihin mo: Sa pamamagitan ng pakikinig ay makakarinig kayo ngunit hindi kayo makakaunawa. Sa pagtingin ay makakakita kayo, ngunit hindi kayo makakatalos.

27 Ito ay sapagkat ang mga puso ng mga taong ito ay matigas na at nahihirapan nang makinig ang kanilang mga tainga. Ipinikit na nila ang kanilang mga mata. Baka sa anumang oras makakita pa ang kanilang mga mata, makarinig ang kanilang mga tainga. Maka­unawa ang kanilang mga puso, at manumbalik sila at sila ay aking pagalingin.

28 Kaya nga, alamin ninyo na ang kaligtasan ng Diyos ay ipinadala sa mga Gentil. Sila ay makikinig. 29 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, umalis ang mga Judio na may malaking pagtatalo sa isa’t isa.

30 Si Pablo ay nanatili ng dalawang buong taon sa bahay na inuupahan niya. Tinatanggap niya ang lahat ng pumu­punta sa kaniya. 31 Ipinapangaral niya ang paghahari ng Diyos. At itinuturo niya ang mga bagay na nauukol sa Panginoong Jesucristo ng buong kalayaan at walang anumang nakahadlang.

Paul Ashore on Malta

28 Once safely on shore, we(A) found out that the island(B) was called Malta. The islanders showed us unusual kindness. They built a fire and welcomed us all because it was raining and cold. Paul gathered a pile of brushwood and, as he put it on the fire, a viper, driven out by the heat, fastened itself on his hand. When the islanders saw the snake hanging from his hand,(C) they said to each other, “This man must be a murderer; for though he escaped from the sea, the goddess Justice has not allowed him to live.”(D) But Paul shook the snake off into the fire and suffered no ill effects.(E) The people expected him to swell up or suddenly fall dead; but after waiting a long time and seeing nothing unusual happen to him, they changed their minds and said he was a god.(F)

There was an estate nearby that belonged to Publius, the chief official of the island. He welcomed us to his home and showed us generous hospitality for three days. His father was sick in bed, suffering from fever and dysentery. Paul went in to see him and, after prayer,(G) placed his hands on him(H) and healed him.(I) When this had happened, the rest of the sick on the island came and were cured. 10 They honored us(J) in many ways; and when we were ready to sail, they furnished us with the supplies we needed.

Paul’s Arrival at Rome

11 After three months we put out to sea in a ship that had wintered in the island—it was an Alexandrian ship(K) with the figurehead of the twin gods Castor and Pollux. 12 We put in at Syracuse and stayed there three days. 13 From there we set sail and arrived at Rhegium. The next day the south wind came up, and on the following day we reached Puteoli. 14 There we found some brothers and sisters(L) who invited us to spend a week with them. And so we came to Rome. 15 The brothers and sisters(M) there had heard that we were coming, and they traveled as far as the Forum of Appius and the Three Taverns to meet us. At the sight of these people Paul thanked God and was encouraged. 16 When we got to Rome, Paul was allowed to live by himself, with a soldier to guard him.(N)

Paul Preaches at Rome Under Guard

17 Three days later he called together the local Jewish leaders.(O) When they had assembled, Paul said to them: “My brothers,(P) although I have done nothing against our people(Q) or against the customs of our ancestors,(R) I was arrested in Jerusalem and handed over to the Romans. 18 They examined me(S) and wanted to release me,(T) because I was not guilty of any crime deserving death.(U) 19 The Jews objected, so I was compelled to make an appeal to Caesar.(V) I certainly did not intend to bring any charge against my own people. 20 For this reason I have asked to see you and talk with you. It is because of the hope of Israel(W) that I am bound with this chain.”(X)

21 They replied, “We have not received any letters from Judea concerning you, and none of our people(Y) who have come from there has reported or said anything bad about you. 22 But we want to hear what your views are, for we know that people everywhere are talking against this sect.”(Z)

23 They arranged to meet Paul on a certain day, and came in even larger numbers to the place where he was staying. He witnessed to them from morning till evening, explaining about the kingdom of God,(AA) and from the Law of Moses and from the Prophets(AB) he tried to persuade them about Jesus.(AC) 24 Some were convinced by what he said, but others would not believe.(AD) 25 They disagreed among themselves and began to leave after Paul had made this final statement: “The Holy Spirit spoke the truth to your ancestors when he said(AE) through Isaiah the prophet:

26 “‘Go to this people and say,
“You will be ever hearing but never understanding;
    you will be ever seeing but never perceiving.”
27 For this people’s heart has become calloused;(AF)
    they hardly hear with their ears,
    and they have closed their eyes.
Otherwise they might see with their eyes,
    hear with their ears,
    understand with their hearts
and turn, and I would heal them.’[a](AG)

28 “Therefore I want you to know that God’s salvation(AH) has been sent to the Gentiles,(AI) and they will listen!” [29] [b]

30 For two whole years Paul stayed there in his own rented house and welcomed all who came to see him. 31 He proclaimed the kingdom of God(AJ) and taught about the Lord Jesus Christ—with all boldness(AK) and without hindrance!

Footnotes

  1. Acts 28:27 Isaiah 6:9,10 (see Septuagint)
  2. Acts 28:29 Some manuscripts include here After he said this, the Jews left, arguing vigorously among themselves.

28 And when they were escaped, then they knew that the island was called Melita.

And the barbarous people shewed us no little kindness: for they kindled a fire, and received us every one, because of the present rain, and because of the cold.

And when Paul had gathered a bundle of sticks, and laid them on the fire, there came a viper out of the heat, and fastened on his hand.

And when the barbarians saw the venomous beast hang on his hand, they said among themselves, No doubt this man is a murderer, whom, though he hath escaped the sea, yet vengeance suffereth not to live.

And he shook off the beast into the fire, and felt no harm.

Howbeit they looked when he should have swollen, or fallen down dead suddenly: but after they had looked a great while, and saw no harm come to him, they changed their minds, and said that he was a god.

In the same quarters were possessions of the chief man of the island, whose name was Publius; who received us, and lodged us three days courteously.

And it came to pass, that the father of Publius lay sick of a fever and of a bloody flux: to whom Paul entered in, and prayed, and laid his hands on him, and healed him.

So when this was done, others also, which had diseases in the island, came, and were healed:

10 Who also honoured us with many honours; and when we departed, they laded us with such things as were necessary.

11 And after three months we departed in a ship of Alexandria, which had wintered in the isle, whose sign was Castor and Pollux.

12 And landing at Syracuse, we tarried there three days.

13 And from thence we fetched a compass, and came to Rhegium: and after one day the south wind blew, and we came the next day to Puteoli:

14 Where we found brethren, and were desired to tarry with them seven days: and so we went toward Rome.

15 And from thence, when the brethren heard of us, they came to meet us as far as Appii forum, and The three taverns: whom when Paul saw, he thanked God, and took courage.

16 And when we came to Rome, the centurion delivered the prisoners to the captain of the guard: but Paul was suffered to dwell by himself with a soldier that kept him.

17 And it came to pass, that after three days Paul called the chief of the Jews together: and when they were come together, he said unto them, Men and brethren, though I have committed nothing against the people, or customs of our fathers, yet was I delivered prisoner from Jerusalem into the hands of the Romans.

18 Who, when they had examined me, would have let me go, because there was no cause of death in me.

19 But when the Jews spake against it, I was constrained to appeal unto Caesar; not that I had ought to accuse my nation of.

20 For this cause therefore have I called for you, to see you, and to speak with you: because that for the hope of Israel I am bound with this chain.

21 And they said unto him, We neither received letters out of Judaea concerning thee, neither any of the brethren that came shewed or spake any harm of thee.

22 But we desire to hear of thee what thou thinkest: for as concerning this sect, we know that every where it is spoken against.

23 And when they had appointed him a day, there came many to him into his lodging; to whom he expounded and testified the kingdom of God, persuading them concerning Jesus, both out of the law of Moses, and out of the prophets, from morning till evening.

24 And some believed the things which were spoken, and some believed not.

25 And when they agreed not among themselves, they departed, after that Paul had spoken one word, Well spake the Holy Ghost by Esaias the prophet unto our fathers,

26 Saying, Go unto this people, and say, Hearing ye shall hear, and shall not understand; and seeing ye shall see, and not perceive:

27 For the heart of this people is waxed gross, and their ears are dull of hearing, and their eyes have they closed; lest they should see with their eyes, and hear with their ears, and understand with their heart, and should be converted, and I should heal them.

28 Be it known therefore unto you, that the salvation of God is sent unto the Gentiles, and that they will hear it.

29 And when he had said these words, the Jews departed, and had great reasoning among themselves.

30 And Paul dwelt two whole years in his own hired house, and received all that came in unto him,

31 Preaching the kingdom of God, and teaching those things which concern the Lord Jesus Christ, with all confidence, no man forbidding him.