Add parallel Print Page Options

15 Nang mabalitaan ng mga kapatid doon ang tungkol sa amin, dumating sila mula pa sa Pamilihan ng Appio at sa Tatlong Bahay-Tuluyan upang salubungin kami. Nang makita sila ni Pablo, siya'y nagpasalamat sa Diyos at lumakas ang kanyang loob.

Si Pablo sa Roma

16 Nang makarating kami sa Roma, si Pablo ay pinahintulutang manirahang mag-isa, kasama ang isang kawal na magbabantay sa kanya. 17 Pagkaraan ng tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ang mga pinuno ng mga Judio sa lungsod. Nang sila'y matipon na, sinabi niya sa kanila, “Mga kapatid, bagaman wala akong ginawang anuman laban sa ating bansa, o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at ibinigay sa mga kamay ng mga Romano.

Read full chapter