Add parallel Print Page Options

Paglampas namin sa tapat ng Cilicia at Pamfilia, nakarating kami sa Mira ng Licia. Nakatagpo roon ang senturyon ng isang barkong Alejandria na naglalayag patungo sa Italia at pinasakay niya kami roon. Mabagal at naging mahirap ang aming paglalayag. Tumagal nang maraming araw bago kami nakarating sa tapat ng Cinido. Nang hindi na kami makapagpatuloy dahil sa hangin, namaybay kami sa ligtas na bahagi ng Creta, sa tapat ng Salmone.

Read full chapter