Add parallel Print Page Options

40 Kaya't pinutol nila ang tali ng mga angkla at iniwanan ang mga ito sa dagat. Kinalag din nila ang mga tali ng timon at itinaas ang layag sa unahan upang ang barko'y itulak ng hangin papunta sa dalampasigan. 41 Ngunit nasadsad ang barko sa parteng mababaw. Bumaon ang unahan ng barko kaya't hindi makaalis. Samantala, ang hulihan naman ay nawasak dahil sa kahahampas ng malalakas na alon.

42 Binalak ng mga kawal na patayin ang mga bilanggo upang walang makalangoy at makatakas.

Read full chapter

40 Kaya't kinalag nila ang tali ng mga angkla at inihulog ang mga iyon sa dagat. Kinalag din nila ang mga tali ng malalaking sagwan. Itinaas nila ang layag sa unahan at hinayaang itulak ng hangin ang barko patungo sa dalampasigan. 41 Ngunit sumadsad ang barko sa dakong mababaw, sa dakong pinagsasalubungan ng dalawang dagat. Bumaon ang unahan ng barko kaya't hindi makaalis. Ang hulihan naman nito'y winasak ng malalakas na hampas ng alon. 42 Binalak ng mga kawal na pagpapatayin ang mga bilanggo upang walang sinumang makalangoy at makatakas.

Read full chapter