Mga Gawa 26:29-31
Magandang Balita Biblia
29 Sumagot si Pablo, “Maging sa maikli o sa mahabang panahon, loobin nawa ng Diyos na hindi lamang kayo, kundi ang lahat ng nakakarinig sa akin ngayon ay maging kagaya ko, maliban sa mga tanikalang ito.”
30 Pagkatapos, tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at lahat ng kasama nila. 31 Lumabas sila at nag-usap-usap, “Ang taong ito'y walang ginawang anumang nararapat sa hatol na kamatayan o pagkabilanggo.”
Read full chapter
Mga Gawa 26:29-31
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
29 Ngunit sinabi ni Pablo, “Loobin nawa ng Diyos! At maging sa maikli o sa mahabang panahon dalangin kong hindi lamang ikaw, kundi maging ang lahat ng mga nakikinig sa akin ngayon ay maging katulad ko, maliban sa mga tanikalang ito.” 30 Tumayo ang hari, ang gobernador, si Bernice, at lahat ng mga kasama nila. 31 Lumayo sila at nag-usap, “Walang ginagawa ang taong ito na dapat hatulan ng kamatayan o pagkabilanggo.”
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
