Add parallel Print Page Options

21 Dahil dito, dinakip ako ng mga Judio sa Templo at pinagsikapang ako'y patayin. 22 Hanggang ngayon ay hindi ako pinababayaan ng Diyos. Kaya't nakatayo ako ngayon sa inyong harapan at nagpapatotoo sa lahat ng tao maging dakila o hamak. Wala akong itinuturo kundi ang mangyayari na sinabi ng mga propeta at ni Moises: 23 na (A) ang Cristo ay dapat magdusa, at bilang unang muling nabuhay mula sa kamatayan, ay ihayag ang liwanag sa Judio at sa mga Hentil.”

Read full chapter