Add parallel Print Page Options

18 upang buksan mo ang kanilang mga mata, ibalik sila mula sa kadiliman tungo sa liwanag, mula sa kapangyarihan ni Satanas tungo sa Diyos, upang tumanggap sila ng kapatawaran ng mga kasalanan at mapabilang sa piling ng mga ginawang banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.’

Ang Patotoo ni Pablo ang Kanyang Paglilingkod

19 “Pagkalipas noon, O Haring Agripa, hindi ako naging suwail sa pangitain mula sa langit. 20 Nangaral ako, (A) una sa Damasco, pagkatapos ay sa Jerusalem, at sa buong lupain ng Judea, gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat nilang talikuran ang kanilang kasalanan at magbalik-loob sa Diyos at patunayan sa pamamagitan ng kanilang mga gawa ang kanilang pagsisisi.

Read full chapter