Add parallel Print Page Options

13 Nang katanghalian, habang kami ay nasa daan, nakita ko, Haring Agripa, ang isang liwanag mula sa langit na mas maliwanag pa kaysa araw. Nagningning ang liwanag sa palibot ko at ng aking mga kasamahan. 14 Bumagsak kaming lahat sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsabi sa akin sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig? Masasaktan ka sa pagsipa mo sa tulis.’ 15 At itinanong ko, ‘Sino po ba kayo, Panginoon?’ At kanyang sinabi, ‘Ako si Jesus na iyong inuusig.

Read full chapter