Add parallel Print Page Options

Dumulog si Pablo sa Emperador

25 Pagkaraan ng tatlong araw matapos dumating sa lalawigan, pumunta si Festo sa Jerusalem mula sa Cesarea. Lumapit sa kanya doon ang mga punong pari at ang mga pinuno ng mga Judio at idinulog ang kanilang sakdal laban kay Pablo. Nakiusap silang ibalik si Pablo sa Jerusalem, sapagkat may balak silang siya'y tambangan at patayin sa daan. Sumagot si Festo, “Nakabilanggo si Pablo sa Cesarea, at ako mismo ay pupunta roon sa lalong madaling panahon. Pasamahin ninyo sa akin ang inyong mga pinuno, at sila ang magsakdal laban sa taong iyon, kung may nagawa man siyang kasalanan.” Nagpalipas doon si Festo ng hindi hihigit sa walo o sampung araw, pagkatapos ay bumalik sa Cesarea. Kinabukasan, umupo siya sa hukuman at iniutos na dalhin sa kanya si Pablo. Pagdating ni Pablo ay pinaligiran agad siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem at nagharap ng marami at mabibigat na mga paratang laban sa kanya, na hindi naman nila mapatunayan. Ipinagtanggol ni Pablo ang sarili at sinabi nito, “Wala akong ginawang anuman laban sa kautusan ng mga Judio, o laban sa templo, o maging sa Emperador.” Ngunit nais ni Festo na pagbigyan ang mga Judio, kaya tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem upang doon kita litisin tungkol sa mga ito?” 10 Sumagot si Pablo, “Nakatayo na ako sa hukuman ng Emperador. Dito ako dapat litisin. Alam na alam ninyong wala akong ginawang masama laban sa mga Judio. 11 Kung ako'y nagkasala at nakagawa ng anumang bagay na karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatakasan ang kamatayan. Ngunit kung walang katotohanan ang kanilang mga paratang laban sa akin, walang sinuman ang may karapatang magbigay sa akin sa kanila. Dumudulog ako sa Emperador.” 12 Pagkatapos pulungin ni Festo ang sanggunian, sumagot siya, “Sa Emperador nais mong dumulog? Sa Emperador ka pupunta.”

Si Pablo sa Harap nina Agripa at Bernice

13 Makaraan ang ilang araw, dumating si Haring Agripa at si Bernice sa Cesarea upang batiin si Festo. 14 Nang matagal-tagal na sila roon, isinalaysay ni Festo sa hari ang kaso ni Pablo. Sinabi niya, “May iniwan dito si Felix, isang lalaking bilanggo. 15 Noong ako'y nasa Jerusalem ay ipinagbigay-alam ng mga punong pari at ng mga pinuno ng mga Judio ang tungkol sa kanya at hiniling na parusahan ko siya. 16 Sinabi ko sa kanilang hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang sinumang tao sa mga nagsasakdal sa kanya hanggang hindi nagkakaharap ang isinasakdal at ang mga nagsasakdal. Ito'y upang mabigyan siya ng pagkakataong maipagtanggol ang kanyang sarili. 17 Kaya't nang sila'y magkakasamang dumating dito ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinabukasan din ay umupo ako sa hukuman at ipinatawag ko siya. 18 Nang tumayo ang mga nagsasakdal, walang anuman sa kanilang mga paratang ang mabigat gaya ng inakala kong ipaparatang nila. 19 Sa halip, ang pinagtalunan nila'y tungkol sa kanilang relihiyon, at tungkol sa isang tao na ang pangala'y Jesus. Patay na ang taong ito, ngunit pinaninindigan ni Pablo na siya'y buháy. 20 Dahil naguguluhan ako tungkol dito, tinanong ko si Pablo kung ibig niyang sa Jerusalem siya litisin tungkol sa mga paratang na ito. 21 Ngunit hiniling niya na manatili na lamang sa bilangguan at ipaubaya sa Emperador ang pagpapasya sa kanyang kaso. Dahil dito'y ipinag-utos kong bantayan siya hanggang siya'y maipadala ko sa Emperador.” 22 Sinabi ni Agripa kay Festo, “Ibig ko ring mapakinggan ang taong iyan.” “Mapapakinggan mo siya bukas,” tugon ni Festo.

23 Kinabukasa'y buong ringal na dumating sina Agripa at Bernice. Pumasok sila sa bulwagan ng hukuman kasama ang mga punong kapitan at ang mga kilalang tao sa lungsod. Pagkatapos ay ipinasok si Pablo sa utos ni Festo. 24 Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at lahat ng mga kasama namin ngayon, masdan ninyo ang taong ito na ipinagsakdal sa akin ng sambayanan ng mga Judio dito at sa Jerusalem. Ipinagsisigawan nilang wala na siyang karapatang mabuhay. 25 Ngunit wala akong natagpuang anuman upang parusahan siya ng kamatayan. Sapagkat mismong siya ay dumudulog sa Emperador, ipinasya kong siya'y ipadala roon. 26 Ngunit wala akong maisulat sa Emperador na malinaw na paratang laban sa taong ito. Kaya iniharap ko siya sa inyong lahat, lalung-lalo na sa harapan ninyo, Haring Agripa, upang may maisulat ako pagkatapos natin siyang siyasatin. 27 Sapagkat inaakala kong hindi makatuwiran na ipadala sa Emperador ang isang bilanggo nang hindi nililinaw ang sakdal laban sa kanya.”

Paul’s Trial Before Festus

25 Three days after arriving in the province, Festus(A) went up from Caesarea(B) to Jerusalem, where the chief priests and the Jewish leaders appeared before him and presented the charges against Paul.(C) They requested Festus, as a favor to them, to have Paul transferred to Jerusalem, for they were preparing an ambush to kill him along the way.(D) Festus answered, “Paul is being held(E) at Caesarea,(F) and I myself am going there soon. Let some of your leaders come with me, and if the man has done anything wrong, they can press charges against him there.”

After spending eight or ten days with them, Festus went down to Caesarea. The next day he convened the court(G) and ordered that Paul be brought before him.(H) When Paul came in, the Jews who had come down from Jerusalem stood around him. They brought many serious charges against him,(I) but they could not prove them.(J)

Then Paul made his defense: “I have done nothing wrong against the Jewish law or against the temple(K) or against Caesar.”

Festus, wishing to do the Jews a favor,(L) said to Paul, “Are you willing to go up to Jerusalem and stand trial before me there on these charges?”(M)

10 Paul answered: “I am now standing before Caesar’s court, where I ought to be tried. I have not done any wrong to the Jews,(N) as you yourself know very well. 11 If, however, I am guilty of doing anything deserving death, I do not refuse to die. But if the charges brought against me by these Jews are not true, no one has the right to hand me over to them. I appeal to Caesar!”(O)

12 After Festus had conferred with his council, he declared: “You have appealed to Caesar. To Caesar you will go!”

Festus Consults King Agrippa

13 A few days later King Agrippa and Bernice arrived at Caesarea(P) to pay their respects to Festus. 14 Since they were spending many days there, Festus discussed Paul’s case with the king. He said: “There is a man here whom Felix left as a prisoner.(Q) 15 When I went to Jerusalem, the chief priests and the elders of the Jews brought charges against him(R) and asked that he be condemned.

16 “I told them that it is not the Roman custom to hand over anyone before they have faced their accusers and have had an opportunity to defend themselves against the charges.(S) 17 When they came here with me, I did not delay the case, but convened the court the next day and ordered the man to be brought in.(T) 18 When his accusers got up to speak, they did not charge him with any of the crimes I had expected. 19 Instead, they had some points of dispute(U) with him about their own religion(V) and about a dead man named Jesus who Paul claimed was alive. 20 I was at a loss how to investigate such matters; so I asked if he would be willing to go to Jerusalem and stand trial there on these charges.(W) 21 But when Paul made his appeal to be held over for the Emperor’s decision, I ordered him held until I could send him to Caesar.”(X)

22 Then Agrippa said to Festus, “I would like to hear this man myself.”

He replied, “Tomorrow you will hear him.”(Y)

Paul Before Agrippa(Z)

23 The next day Agrippa and Bernice(AA) came with great pomp and entered the audience room with the high-ranking military officers and the prominent men of the city. At the command of Festus, Paul was brought in. 24 Festus said: “King Agrippa, and all who are present with us, you see this man! The whole Jewish community(AB) has petitioned me about him in Jerusalem and here in Caesarea, shouting that he ought not to live any longer.(AC) 25 I found he had done nothing deserving of death,(AD) but because he made his appeal to the Emperor(AE) I decided to send him to Rome. 26 But I have nothing definite to write to His Majesty about him. Therefore I have brought him before all of you, and especially before you, King Agrippa, so that as a result of this investigation I may have something to write. 27 For I think it is unreasonable to send a prisoner on to Rome without specifying the charges against him.”