Add parallel Print Page Options

Pagdating ni Pablo ay pinaligiran agad siya ng mga Judiong galing sa Jerusalem at nagharap ng marami at mabibigat na mga paratang laban sa kanya, na hindi naman nila mapatunayan. Ipinagtanggol ni Pablo ang sarili at sinabi nito, “Wala akong ginawang anuman laban sa kautusan ng mga Judio, o laban sa templo, o maging sa Emperador.” Ngunit nais ni Festo na pagbigyan ang mga Judio, kaya tinanong niya si Pablo, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem upang doon kita litisin tungkol sa mga ito?”

Read full chapter