Add parallel Print Page Options

Si Pablo sa Harap nina Felix at Drusila

24 Pagkaraan ng ilang araw, dumating si Felix kasama ang kanyang asawang si Drusila na isang Judio. Ipinatawag niya si Pablo at pinakinggan tungkol sa pananampalataya kay Cristo Jesus. 25 Samantalang tinatalakay niya ang tungkol sa katarungan, pagpipigil sa sarili, at sa darating na paghuhukom, nangilabot si Felix at sumagot, “Makaaalis ka na. Ipatatawag kitang muli kapag nagkaroon ako ng panahon.” 26 Madalas niyang ipinatatawag at kinakausap si Pablo sa pag-asang susuhulan siya nito.

Read full chapter