Add parallel Print Page Options

13 Hindi rin nila mapapatunayan sa inyo ang mga ibinibintang nila sa akin ngayon. 14 Ngunit ito ang inaamin ko sa inyo: Ayon sa Daan na tinatawag nilang sekta ay sinasamba ko ang Diyos ng aming mga ninuno. Pinaniniwalaan ko ang lahat ng nasusulat sa Kautusan at sa mga propeta. 15 At tulad nila'y umaasa rin ako sa Diyos na muli niyang bubuhayin ang lahat, maging matuwid at di-matuwid.

Read full chapter