Add parallel Print Page Options

22 “Mga magulang at mga kapatid, pakinggan ninyo ang pagtatanggol na gagawin ko ngayon sa inyong harapan.” Nang marinig nilang siya'y nagsasalita sa wikang Hebreo, lalo pa silang tumahimik. Nagpatuloy si Pablo, “Ako'y (A) isang Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, ngunit pinalaki rito sa Jerusalem. Sa ilalim ng pagtuturo ni Gamaliel ay mahigpit akong sinanay ayon sa Kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa paglilingkod sa Diyos, tulad ninyong lahat ngayon.

Read full chapter