Add parallel Print Page Options

Ang Pagdakip kay Pablo

27 Nang matatapos na ang takdang pitong araw, nakita ng mga Judiong taga-Asia si Pablo na nasa Templo. Sinulsulan nila ang maraming tao at siya'y kanilang dinakip. 28 Sumigaw sila, “Mga kababayang Israelita, tulungan ninyo kami! Ito ang taong nagtuturo sa lahat laban sa ating bansa, laban sa Kautusan ni Moises, at laban sa Templo. Nagsama pa siya ng mga Griyego sa Templo! Nilalapastangan niya ang banal na lugar na ito!” 29 Sinabi nila iyon sapagkat (A) nakita nila noong una na kasama ni Pablo sa lungsod si Trofimo na taga-Efeso, at inakala nilang ipinasok niya ito sa Templo.

Read full chapter