Mga Gawa 2
Magandang Balita Biblia
Ang Pagdating ng Espiritu Santo
2 Nagkakatipon(A) silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.
5 May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6 Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig. 7 Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba taga-Galilea silang lahat? 8 Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika? 9 Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at Asia[a]. 10 Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto at sa mga lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma, mga Judio at mga Hentil na nahikayat sa pananampalatayang Judio. 11 May mga taga-Creta at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos?” 12 Hindi nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya't nagtanungan sila, “Ano ang kahulugan nito?”
13 Ngunit may ilang nagsabi nang pakutya, “Lasing lang ang mga iyan!”
Nangaral si Pedro
14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, “Mga taga-Judea, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 15 Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga ngayon. 16 Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel,
17 ‘Ito(B) ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos,
‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18 Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu,
sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,
at ipahahayag nila ang aking mensahe.
19 Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit
at mga himala sa lupa;
dugo, apoy at makapal na usok.
20 Ang araw ay magdidilim,
ang buwan ay pupulang parang dugo,
bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.
21 At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’
22 “Mga Israelita, pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga palatandaang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat ang lahat ng ito ay naganap sa kalagitnaan ninyo. 23 Ang Jesus na ito, na ipinagkanulo sa inyo ayon sa pasya at kaalaman ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga taong masasama. 24 Subalit(C) siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya mula sa kapangyarihan ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya'y bihagin nito, 25 gaya(D) ng sinabi ni David tungkol sa kanya,
‘Nakita ko ang Panginoon na lagi kong kasama,
hindi ako matitinag sapagkat kapiling ko siya.
26 Dahil dito, natuwa ang puso ko at
ang mga salita ko'y napuno ng galak,
at ang katawan ko'y mananatiling may pag-asa.
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y di mo pababayaan sa daigdig ng mga patay,[b]
At hindi mo hahayaang makaranas ng pagkabulok ang iyong Banal na Lingkod.
28 Itinuro mo sa akin ang mga landas patungo sa buhay,
dahil ikaw ang kasama ko, ako'y mapupuno ng kagalakan.’
29 “Mga kapatid, may katiyakang sinasabi ko sa inyo na ang ninuno nating si David ay namatay at inilibing, at naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. 30 Siya'y(E) propeta at alam niya ang pangako sa kanya ng Diyos, na magiging haring tulad niya ang isang magmumula sa kanyang angkan. 31 Noon pa man ay nakita na ni David ang muling pagkabuhay ng Cristo at ipinahayag niya ito nang kanyang sabihing, ‘hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay,[c] at hindi nakaranas ng pagkabulok ang kanyang katawan.’ 32 Ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos at saksi kaming lahat sa pangyayaring iyon. 33 Pinaupo siya sa kanan ng Diyos at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Espiritu Santo. Ito ang kanyang ibinuhos sa amin, tulad ng inyong nakikita at naririnig. 34 Hindi(F) si David ang umakyat sa langit, kundi sinabi lamang niya,
‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
“Maupo ka sa kanan ko,
35 hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.”’
36 “Kaya't dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”
37 Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig ito, kaya't tinanong nila si Pedro at ang ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?”
38 Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo'y patawarin; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. 39 Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
40 Marami pang inilahad si Pedro upang patunayan ang kanyang sinabi, at nanawagan siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa parusang sasapitin ng masamang lahing ito.”
41 Kaya't ang mga naniwala sa ipinangaral niya ay nagpabautismo, at nadagdagan ang mga alagad ng may tatlong libong katao nang araw na iyon. 42 Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin.
Ang Pamumuhay ng mga Sumasampalataya
43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang ginagawa sa pamamagitan ng mga apostol [sa Jerusalem],[d] naghari sa lahat ang takot. 44 Nagsama-sama(G) ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. 46 Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. 47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
Footnotes
- Mga Gawa 2:9 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.
- Mga Gawa 2:27 daigdig ng mga patay: Sa Griego ay Hades .
- Mga Gawa 2:31 daigdig ng mga patay: Sa Griego ay Hades .
- Mga Gawa 2:43 sa Jerusalem: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito .
Acts 2
Complete Jewish Bible
2 The festival of Shavu‘ot arrived, and the believers all gathered together in one place. 2 Suddenly there came a sound from the sky like the roar of a violent wind, and it filled the whole house where they were sitting. 3 Then they saw what looked like tongues of fire, which separated and came to rest on each one of them. 4 They were all filled with the Ruach HaKodesh and began to talk in different languages, as the Spirit enabled them to speak.
5 Now there were staying in Yerushalayim religious Jews from every nation under heaven. 6 When they heard this sound, a crowd gathered; they were confused, because each one heard the believers speaking in his own language. 7 Totally amazed, they asked, “How is this possible? Aren’t all these people who are speaking from the Galil? 8 How is it that we hear them speaking in our native languages? 9 We are Parthians, Medes, Elamites; residents of Mesopotamia, Y’hudah, Cappadocia, Pontus, Asia, 10 Phrygia, Pamphylia, Egypt, the parts of Libya near Cyrene; visitors from Rome; 11 Jews by birth and proselytes; Jews from Crete and from Arabia. . . ! How is it that we hear them speaking in our own languages about the great things God has done?” 12 Amazed and confused, they all went on asking each other, “What can this mean?” 13 But others made fun of them and said, “They’ve just had too much wine!”
14 Then Kefa stood up with the Eleven and raised his voice to address them: “You Judeans, and all of you staying here in Yerushalayim! Let me tell you what this means! Listen carefully to me!
15 “These people ar en’t drunk, as you suppose — it’s only nine in the morning. 16 No, this is what was spoken about through the prophet Yo’el:
17 ‘Adonai says:
“In the Last Days,
I will pour out from my Spirit upon everyone.
Your sons and daughters will prophesy,
your young men will see visions,
your old men will dream dreams.
18 Even on my slaves, both men and women,
will I pour out from my Spirit in those days;
and they will prophesy.
19 I will perform miracles in the sky above
and signs on the earth below —
blood, fire and thick smoke.
20 The sun will become dark
and the moon blood
before the great and fearful Day of Adonai comes.
21 And then, whoever calls on the name of Adonai will be saved.”’[a]
22 “Men of Isra’el! Listen to this! Yeshua from Natzeret was a man demonstrated to you to have been from God by the powerful works, miracles and signs that God performed through him in your presence. You yourselves know this. 23 This man was arrested in accordance with God’s predetermined plan and foreknowledge; and, through the agency of persons not bound by the Torah, you nailed him up on a stake and killed him!
24 “But God has raised him up and freed him from the suffering of death; it was impossible that death could keep its hold on him. 25 For David says this about him:
‘I saw Adonai always before me,
for he is at my right hand,
so that I will not be shaken.
26 For this reason, my heart was glad;
and my tongue rejoiced;
and now my body too will live on in the certain hope
27 that you will not abandon me to Sh’ol
or let your Holy One see decay.
28 You have made known to me the ways of life;
you will fill me with joy by your presence.’[b]
29 “Brothers, I know I can say to you frankly that the patriarch David died and was buried — his tomb is with us to this day. 30 Therefore, since he was a prophet and knew that God had sworn an oath to him that one of his descendants would sit on his throne, 31 he was speaking in advance about the resurrection of the Messiah, that it was he who was not abandoned in Sh’ol and whose flesh did not see decay. 32 God raised up this Yeshua! And we are all witnesses of it!
33 “Moreover, he has been exalted to the right hand of God; has received from the Father what he promised, namely, the Ruach HaKodesh; and has poured out this gift, which you are both seeing and hearing. 34 For David did not ascend into heaven. But he says,
35 ‘Adonai said to my Lord,
“Sit at my right hand
until I make your enemies a footstool for your feet.”’[c]
36 Therefore, let the whole house of Isra’el know beyond doubt that God has made him both Lord and Messiah — this Yeshua, whom you executed on a stake!”
37 On hearing this, they were stung in their hearts; and they said to Kefa and the other emissaries, “Brothers, what should we do?” 38 Kefa answered them, “Turn from sin, return to God, and each of you be immersed on the authority of Yeshua the Messiah into forgiveness of your sins, and you will receive the gift of the Ruach HaKodesh! 39 For the promise is for you, for your children, and for those far away — as many as Adonai our God may call!”
40 He pressed his case with many other arguments and kept pleading with them, “Save yourselves from this perverse generation!”
41 So those who accepted what he said were immersed, and there were added to the group that day about three thousand people.
42 They continued faithfully in the teaching of the emissaries, in fellowship, in breaking bread and in the prayers. 43 Everyone was filled with awe, and many miracles and signs took place through the emissaries. 44 All those trusting in Yeshua stayed together and had everything in common; 45 in fact, they sold their property and possessions and distributed the proceeds to all who were in need. 46 Continuing faithfully and with singleness of purpose to meet in the Temple courts daily, and breaking bread in their several homes, they shared their food in joy and simplicity of heart, 47 praising God and having the respect of all the people. And day after day the Lord kept adding to them those who were being saved.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Copyright © 1998 by David H. Stern. All rights reserved.
