Font Size
Mga Gawa 4:32-35
Magandang Balita Biblia
Mga Gawa 4:32-35
Magandang Balita Biblia
Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya
32 Nagkaisa(A) ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33 Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.[a] At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat. 34 Walang kinakapos sa kanila sapagkat ipinagbibili nila ang kani-kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan 35 ay ipinagkakatiwala nila sa mga apostol. Ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 4:33 Panginoong Jesus: Sa ibang manuskrito'y Panginoong Jesu-Cristo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.