Add parallel Print Page Options

Ang Pagdating ng Espiritu Santo

Nang(A) dumating ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nagkakatipon sa isang lugar.

Biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng isang humahagibis na hanging malakas, at pinuno nito ang buong bahay kung saan sila'y nakaupo.

Sa kanila'y may nagpakitang parang mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila.

Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

Noon ay may mga naninirahan sa Jerusalem na mga relihiyosong Judio, buhat sa bawat bansa sa ilalim ng langit.

Dahil sa ugong na ito ay nagkatipon ang maraming tao at nagkagulo sapagkat naririnig nila ang bawat isa na nagsasalita sa kani-kanilang sariling wika.

Sila ay nagtaka, namangha at nagsabi, “Tingnan ninyo, hindi ba mga taga-Galilea ang lahat ng mga nagsasalitang ito?

Paanong naririnig natin, ng bawat isa sa atin, ang ating sariling wikang kinagisnan?

Ang mga Parto, at mga Medo, at mga Elamita, at mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia,

10 sa Frigia at Pamfilia, sa Ehipto at sa mga lupain ng Libya na sakop ng Cirene at mga panauhing taga-Roma, mga Judio, at gayundin ang mga naging Judio,

11 mga Creteo at mga Arabe, ay naririnig nating nagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga makapangyarihang gawa ng Diyos.”

12 Silang lahat ay nagtaka at naguluhang sinasabi sa isa't isa, “Ano ang kahulugan nito?”

13 Ngunit ang mga iba'y nanlilibak na nagsabi, “Sila'y lasing sa bagong alak.”

Nangaral si Pedro

14 Ngunit si Pedro, na nakatayong kasama ng labing-isa, ay nagtaas ng kanyang tinig, at nagpahayag sa kanila, “Kayong mga kalalakihan ng Judea at kayong lahat na naninirahan sa Jerusalem, malaman sana ninyo ito, at makinig kayo sa aking sasabihin.

15 Ang mga ito'y hindi lasing, na gaya ng inyong inaakala, sapagkat ngayo'y ikatlong oras[a] pa lamang.

16 Ngunit ito ay yaong ipinahayag sa pamamagitan ni propeta Joel:

17 ‘At(B) sa mga huling araw, sabi ng Diyos,
mula sa aking Espiritu ay magbubuhos ako sa lahat ng laman;
    at ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae ay magsasalita ng propesiya,
at ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
    ang inyong matatandang lalaki ay mananaginip ng mga panaginip.
18 Maging sa aking mga aliping lalaki at mga aliping babae,
    sa mga araw na iyon ay magbubuhos ako mula sa aking Espiritu;
    at sila'y magsasalita ng propesiya.
19 At magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit sa itaas,
    at mga tanda sa lupa sa ibaba, dugo, at apoy, at makapal na usok.
20 Ang araw ay magiging kadiliman,
    at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.
21 At mangyayari na ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’

22 “Kayong mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga-Nazaret, isang lalaking pinatunayan ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang makapangyarihan, mga kababalaghan at mga tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya ng nalalaman ninyo—

23 Siya,(C) na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Diyos ay inyong ipinako sa krus at pinatay sa pamamagitan ng kamay ng mga makasalanan.

24 Ngunit(D) siya'y muling binuhay ng Diyos, pagkatapos palayain sa mga hirap ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya'y mapigilan nito.

25 Sapagkat(E) sinasabi ni David tungkol sa kanya,

‘Nakita ko ang Panginoon na laging kasama ko,
    sapagkat siya'y nasa aking kanang kamay, upang huwag akong matinag;
26 kaya't nagalak ang aking puso, at natuwa ang aking dila;
    gayundin ang aking katawan ay mananatiling may pag-asa.
27 Sapagkat hindi mo hahayaan ang kaluluwa ko sa Hades,
    ni ipahihintulot man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
28 Ipinaalam mo sa akin ang mga daan ng buhay;
    pupuspusin mo ako ng kagalakan sa iyong harapan.’

29 “Mga kapatid, may tiwalang masasabi ko sa inyo ang tungkol sa patriyarkang si David. Siya rin ay namatay at inilibing, at nasa atin ang kanyang libingan hanggang sa araw na ito.

30 Yamang(F) siya'y isang propeta at nalalaman niyang nangako ang Diyos sa kanya na ang isa sa kanyang mga inapo ay iluluklok niya sa kanyang trono.

31 Yamang nakita niya ito bago pa mangyari, nagsalita si David tungkol sa muling pagkabuhay ng Cristo:

‘Hindi siya pinabayaan sa Hades,
    ni ang kanya mang katawan ay nakakita ng kabulukan.’

32 Ang Jesus na ito'y muling binuhay ng Diyos, at tungkol dito'y mga saksi kaming lahat.

33 Kaya't yamang pinarangalan sa kanang kamay ng Diyos, at tinanggap mula sa Ama ang pangako ng Espiritu Santo, ibinuhos niya ito na pawang nakikita at naririnig ninyo.

34 Sapagkat(G) hindi umakyat si David sa mga langit, ngunit siya rin ang nagsabi,

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon;
“Maupo ka sa kanan ko,
35     hanggang sa gawin ko ang mga kaaway mo na tuntungan ng iyong mga paa.”’

36 Kaya't dapat malaman nang may katiyakan ng buong sambahayan ng Israel na ginawa siya ng Diyos na Panginoon at Cristo, itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.”

37 Nang marinig nila ito, nasaktan ang kanilang puso at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga ginoo, mga kapatid, anong dapat naming gawin?”

38 At sinabi sa kanila ni Pedro, “Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

39 Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, bawat isa na tinatawag ng Panginoon nating Diyos sa kanya.”

40 Sa iba pang maraming salita ay nagpatotoo siya at hinimok sila na sinasabi, “Iligtas ninyo ang inyong sarili mula sa baluktot na lahing ito.”

41 Kaya't ang mga tumanggap ng kanyang salita ay binautismuhan at nadagdag nang araw na iyon ang may tatlong libong kaluluwa.

42 Nanatili silang matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama, sa pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin.

Ang Pagkakaisa ng mga Mananampalataya

43 Dumating ang takot sa bawat tao at maraming kababalaghan at tanda ang nangyari sa pamamagitan ng mga apostol.

44 At(H) ang lahat ng mga mananampalataya ay magkakasama at ang kanilang ari-arian ay para sa lahat.

45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at mga kayamanan at ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

46 At araw-araw, habang sila'y magkakasama sa templo, sila'y nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay, at nagsasalu-salo na may galak at tapat na puso,

47 na nagpupuri sa Diyos, at nagtatamo ng lugod sa lahat ng tao. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw ang mga naliligtas.

Footnotes

  1. Mga Gawa 2:15 o ikasiyam ng umaga sa makabagong pagbilang ng oras .

Ang Pagdating ng Banal na Espiritu

Pagsapit ng Araw ng Pentecostes,[a] nagtitipon silang lahat sa isang lugar. Biglang nagkaroon ng isang ugong mula sa langit, gaya ng isang napakalakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kanilang kinaroroonan. May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba't ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. Naninirahan noon sa Jerusalem ang mga Judiong masigasig sa kanilang pananampalataya. Galing pa sila sa iba't ibang mga bansa. Nang dumating ang ugong na ito, nagtipon sila at namangha sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa mga wika nilang mga nakikinig. Labis silang nagulat at namangha, kaya't sila'y nagtanong, “Pakinggan ninyo! Hindi ba mga taga-Galilea ang lahat ng mga nagsasalitang ito? Paanong nangyaring naririnig ng bawat isa sa atin ang ating mga sariling wika sa kanila? Tayong mga Parto, mga Medo, mga Elamita, mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia. 10 Mayroon din sa ating taga-Frigia at Pamfilia, sa Ehipto at sa mga lupain ng Libya na sakop ng Cirene, at mga panauhing taga-Roma, mga Judio at mga nahikayat maging Judio. 11 May mga taga-Creta at taga-Arabia rin dito. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga sariling wika tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos?” 12 Namangha sila at nalito, kaya sila'y nagtanungan, “Ano ang kahulugan nito?” 13 Ngunit ang iba nama'y may pangungutyang nagsabi, “Lasing ang mga iyan.” 14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ang labing-isa, at nagpahayag sa malakas na tinig, “Mga kababayan kong Judio at mga naninirahan sa Jerusalem, unawain ninyo ito at makinig kayong mabuti sa sasabihin ko. 15 Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng akala ninyo. Ngayo'y ikasiyam pa lang ng umaga.[b] 16 Sa halip, ang pangyayaring ito'y katuparan ng sinabi ni propeta Joel:

17 ‘Ito ang mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Diyos,
ibubuhos ko sa lahat ng tao ang aking Espiritu;
    magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at babae ng mensahe mula sa Diyos,
makakakita ng pangitain ang inyong mga kabataang lalaki,
    mananaginip ang inyong mga matatandang lalaki,
18 maging sa mga aliping lalaki at babae,
    sa mga araw na iyon ay ibubuhos ko ang aking Espiritu,
    at sila'y magpapahayag.
19 Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit,
    at ng mga tanda sa lupa;
    dugo, apoy, at makapal na usok.
20 Magdidilim ang araw,
    at magkukulay-dugo ang buwan,
    bago sumapit ang dakila at maningning na Araw ng Panginoon.
21 At mangyayari na sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’

22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Jesus na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo. 23 Sa mula't mula pa'y alam na at ipinasya na ng Diyos na ibigay sa inyo si Jesus. At ipinako ninyo siya sa krus at ipinapatay sa mga makasalanan. 24 Subalit ang Diyos ang muling bumuhay sa kanya, at nagpalaya sa kanya mula sa pagdurusa ng kamatayan, dahil wala naman itong kakayahang maghari sa kanya. 25 Gaya nga ng sinabi ni David tungkol sa kanya:

‘Noon pa'y nakita kong lagi kong kapiling ang Panginoon;
    Siya'y kasama ko[c] kaya't hindi ako matitinag.
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso at sa dila ko'y nag-umapaw ang tuwa,
    at ang aking katawan ay mabubuhay sa pag-asa.
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y hindi mo hahayaan sa kamatayan[d];
    o ipahihintulot man lang na ang iyong Banal ay makaranas ng kabulukan.
28 Ipinakita mo sa akin ang mga daan ng buhay,
    at sa piling mo'y mapupuno ako ng kagalakan.’

29 Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya'y nasa atin hanggang ngayon. 30 Palibhasa'y propeta si David noong nabubuhay pa, nalalaman niya ang taimtim na pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa mula sa kanyang angkan. 31 Nakita na at ipinahayag na ni David na muling bubuhayin ng Diyos ang Cristo nang kanyang sabihin:

    ‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; ni ang katawan niya'y makaranas ng kabulukan.’

32 Ngayon, kaming lahat ay mga saksi na ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos. 33 Dahil iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon. 34 Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, subalit sinabi niya: Ang Panginoon ang nagsabi sa aking Panginoon: ‘Maupo ka sa aking kanan, 35 hanggang mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.’ 36 Kaya't dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Jesus na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ng Diyos na Panginoon at Cristo.” 37 Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig nila ang sinabi ni Pedro, kaya't nagtanong sila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?” 38 Sumagot si Pedro, “Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu. 39 Sapagkat para sa inyo ang pangako, at para sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, at sa lahat ng tatawagin ng ating Panginoong Diyos tungo sa kanya.” 40 Marami pang sinabi si Pedro bilang patunay upang sila'y himukin. Nakiusap siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa masamang lahing ito.” 41 Kaya't nagpabautismo ang tumanggap sa kanyang sinabi. At nang araw na iyon, may tatlong libong katao ang nadagdag sa mga alagad. 42 Masigasig silang nanatili sa mga turo ng apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa pananalangin.

Ang Buhay ng Magkakapatid

43 Naghari sa lahat ang takot, at maraming kababalaghan at himala ang naganap sa pamamagitan ng mga apostol. 44 At (A) nagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at mga kayamanan at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat isa. 46 Araw-araw silang nagsasama-sama sa templo, at nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay. Ginagawa nila ang mga ito nang may galak at bukás na kalooban. 47 Habang nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng mga tao, ay araw-araw namang idinaragdag ng Panginoon sa kanila ang kanyang mga inililigtas.

Footnotes

  1. Mga Gawa 2:1 Pentecostes: Limampung Araw ito matapos ang Paskuwa, isang panahon kung saan ipinagdiriwang ng mga Judio ang Pista ng Mga Ani. Tingnan ang Ex. 23:16; 34:22; Lev. 23:15-21; Deut. 16:9-12.
  2. Mga Gawa 2:15 Sa Griyego, ikatlong oras.
  3. Mga Gawa 2:25 Sa Griyego, nasa kanan ko.
  4. Mga Gawa 2:27 Sa Griyego, sa Hades, lugar ng kamatayan.

Долазак Светог Духа

Када је дошао дан Педесетнице, сви су били заједно на једном месту. Одједном са неба дође хук, као када дува силан ветар, и испуни сву кућу у којој су седели. Они угледаше нешто слично пламеним језицима, који се разделише, па се по један постави на сваког од њих. И сви се испунише Светим Духом и почеше да говоре другим језицима како им је Дух давао да говоре.

А у Јерусалиму су боравили побожни Јудеји из сваког народа под небом. Када се зачуо хук, народ се окупи, збуњен, јер је сваки од њих чуо апостоле како говоре његовим језиком.

Дивили су се и чудили, говорећи: »Зар нису сви ови који говоре Галилејци? Па како их онда сваки од нас чује на језику свог родног краја[a]? Парћани, Међани и Еламци, становници Месопотамије, Јудеје, Кападокије, Понта, Азије, 10 Фригије, Памфилије, Египта и делова Либије око Кирине, дошљаци из Рима, 11 Јудеји и прозелити, Крићани и Арапи – чујемо их како на нашим матерњим језицима објављују велика Божија дела!«

12 И сви су, задивљени и збуњени, питали један другог: »Шта ово значи?«

13 А други су се подсмевали, говорећи: »Слатког вина су се напили.«

Петрова проповед на Педесетницу

14 Тада иступи Петар са Једанаесторицом, подиже глас и рече им: »Јудеји, и сви ви који боравите у Јерусалиму, саслушајте моје речи. Ово знајте: 15 Ови људи нису пијани, као што ви мислите, јер тек је девет сати ујутро[b]. 16 Него, ово је оно о чему је говорио пророк Јоил:

17 ‚У последње дане, каже Бог,
    излићу свога Духа на све људе,
и ваши синови и кћери ће пророковати,
    и ваши младићи имаће виђења,
    и ваши старци ће сањати снове.
18 А и на своје слуге и слушкиње
    излићу тих дана свога Духа,
    и они ће пророковати.
19 Показаћу чуда горе на небу
    и знамења доле на земљи,
    крв, огањ и стубове дима.
20 Сунце ће се претворити у таму,
    а месец у крв пре него што дође велики и славни
    Дан Господњи.
21 И свако ко призове име Господње,
    биће спасен.‘(A)

22 »Израелци, чујте ове речи: Исуса Назарећанина – човека кога вам је Бог потврдио делима силе, чудима и знамењима која је, као што и сами знате, преко њега учинио међу вама – 23 њега сте ви, када вам је у складу са чврстом Божијом одлуком и предзнањем био предат, убили рукама безаконикâ приковавши га на крст. 24 Али, Бог га је васкрсао, ослободивши га смртних мука, јер је било немогуће да га смрт задржи. 25 Давид, наиме, каже за њега:

‚Стално сам гледао Господа пред собом;
    јер ми је здесна, нећу се пољуљати.
26 Зато ми је срце весело и језик кличе од радости;
    чак ће ми и тело почивати у нади,
27 јер ми душу нећеш оставити у Подземљу
    ни дозволити да Светац твој иструне.
28 Показао си ми путеве живота,
    лицем својим радошћу ћеш ме испунити.‘(B)

29 »Браћо, могу вам сасвим поуздано рећи да је патријарх Давид умро и био сахрањен, и да је његов гроб међу нама до дана данашњег. 30 Али, пошто је био пророк и знао да му је Бог уз заклетву обећао да ће једнога од његових потомака поставити на његов престо, 31 гледајући унапред, рече о Христовом васкрсењу:

‚није остављен у Подземљу
    нити му је тело иструнуло.‘

32 Бог је овог Исуса васкрсао, а сви ми смо томе сведоци. 33 Пошто је уздигнут Богу здесна, од Оца је примио обећаног Светога Духа и излио ово што сада гледате и слушате. 34 Јер, Давид се није попео на небеса, него сâм каже:

‚Рече Господ моме Господу:
седи ми здесна
35     док од твојих непријатеља
    не начиним подножје за твоје ноге.‘(C)

36 »Нека стога цео израелски народ поуздано зна да је овог Исуса, кога сте ви распели, Бог учинио и Господом и Христом.«

37 Када су то чули, потресени у срцу рекоше Петру и осталим апостолима: »Шта да радимо, браћо?«

38 А Петар им рече: »Покајте се и нека се сваки од вас крсти у име Исуса Христа за опроштење својих греха, и примићете дар Светога Духа. 39 Јер, то обећање је за вас и за вашу децу и за све који су далеко, које наш Господ Бог позове к себи.«

40 И још их је многим другим речима опомињао[c] и преклињао их говорећи: »Спасите се од овог исквареног нараштаја.«

41 Тада се крстише они који су прихватили његове речи. Тако им је тога дана било придодато око три хиљаде душа.

Заједнички живот верника

42 Они се посветише апостолском учењу, заједништву, ломљењу хлеба и молитвама. 43 Страх обузе сваку душу, а апостоли су чинили многа чуда и знамења. 44 А сви који су поверовали били су заједно и имали све заједничко. 45 Продавали су своја добра и имовину и делили свима, како је коме било потребно. 46 Сваког дана су се истрајно и једнодушно окупљали у Храму. По кућама су ломили хлеб и заједно јели радосног и искреног срца. 47 Хвалили су Бога и уживали наклоност целог народа, а Господ им је сваког дана придодавао оне који су се спасавали.

Footnotes

  1. 2,8 језику … краја Дословно: језику у ком се родио.
  2. 2,15 девет сати ујутро Дословно: трећи час дана.
  3. 2,40 И још … опомињао Или: И још им је многим другим речима сведочио.

The Holy Spirit Comes at Pentecost

When the day of Pentecost(A) came, they were all together(B) in one place. Suddenly a sound like the blowing of a violent wind came from heaven and filled the whole house where they were sitting.(C) They saw what seemed to be tongues of fire that separated and came to rest on each of them. All of them were filled with the Holy Spirit(D) and began to speak in other tongues[a](E) as the Spirit enabled them.

Now there were staying in Jerusalem God-fearing(F) Jews from every nation under heaven. When they heard this sound, a crowd came together in bewilderment, because each one heard their own language being spoken. Utterly amazed,(G) they asked: “Aren’t all these who are speaking Galileans?(H) Then how is it that each of us hears them in our native language? Parthians, Medes and Elamites; residents of Mesopotamia, Judea and Cappadocia,(I) Pontus(J) and Asia,[b](K) 10 Phrygia(L) and Pamphylia,(M) Egypt and the parts of Libya near Cyrene;(N) visitors from Rome 11 (both Jews and converts to Judaism); Cretans and Arabs—we hear them declaring the wonders of God in our own tongues!” 12 Amazed and perplexed, they asked one another, “What does this mean?”

13 Some, however, made fun of them and said, “They have had too much wine.”(O)

Peter Addresses the Crowd

14 Then Peter stood up with the Eleven, raised his voice and addressed the crowd: “Fellow Jews and all of you who live in Jerusalem, let me explain this to you; listen carefully to what I say. 15 These people are not drunk, as you suppose. It’s only nine in the morning!(P) 16 No, this is what was spoken by the prophet Joel:

17 “‘In the last days, God says,
    I will pour out my Spirit on all people.(Q)
Your sons and daughters will prophesy,(R)
    your young men will see visions,
    your old men will dream dreams.
18 Even on my servants, both men and women,
    I will pour out my Spirit in those days,
    and they will prophesy.(S)
19 I will show wonders in the heavens above
    and signs on the earth below,(T)
    blood and fire and billows of smoke.
20 The sun will be turned to darkness
    and the moon to blood(U)
    before the coming of the great and glorious day of the Lord.
21 And everyone who calls
    on the name of the Lord(V) will be saved.’[c](W)

22 “Fellow Israelites, listen to this: Jesus of Nazareth(X) was a man accredited by God to you by miracles, wonders and signs,(Y) which God did among you through him,(Z) as you yourselves know. 23 This man was handed over to you by God’s deliberate plan and foreknowledge;(AA) and you, with the help of wicked men,[d] put him to death by nailing him to the cross.(AB) 24 But God raised him from the dead,(AC) freeing him from the agony of death, because it was impossible for death to keep its hold on him.(AD) 25 David said about him:

“‘I saw the Lord always before me.
    Because he is at my right hand,
    I will not be shaken.
26 Therefore my heart is glad and my tongue rejoices;
    my body also will rest in hope,
27 because you will not abandon me to the realm of the dead,
    you will not let your holy one see decay.(AE)
28 You have made known to me the paths of life;
    you will fill me with joy in your presence.’[e](AF)

29 “Fellow Israelites,(AG) I can tell you confidently that the patriarch(AH) David died and was buried,(AI) and his tomb is here(AJ) to this day. 30 But he was a prophet and knew that God had promised him on oath that he would place one of his descendants on his throne.(AK) 31 Seeing what was to come, he spoke of the resurrection of the Messiah, that he was not abandoned to the realm of the dead, nor did his body see decay.(AL) 32 God has raised this Jesus to life,(AM) and we are all witnesses(AN) of it. 33 Exalted(AO) to the right hand of God,(AP) he has received from the Father(AQ) the promised Holy Spirit(AR) and has poured out(AS) what you now see and hear. 34 For David did not ascend to heaven, and yet he said,

“‘The Lord said to my Lord:
    “Sit at my right hand
35 until I make your enemies
    a footstool for your feet.”’[f](AT)

36 “Therefore let all Israel be assured of this: God has made this Jesus, whom you crucified, both Lord(AU) and Messiah.”(AV)

37 When the people heard this, they were cut to the heart and said to Peter and the other apostles, “Brothers, what shall we do?”(AW)

38 Peter replied, “Repent and be baptized,(AX) every one of you, in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins.(AY) And you will receive the gift of the Holy Spirit.(AZ) 39 The promise is for you and your children(BA) and for all who are far off(BB)—for all whom the Lord our God will call.”

40 With many other words he warned them; and he pleaded with them, “Save yourselves from this corrupt generation.”(BC) 41 Those who accepted his message were baptized, and about three thousand were added to their number(BD) that day.

The Fellowship of the Believers

42 They devoted themselves to the apostles’ teaching(BE) and to fellowship, to the breaking of bread(BF) and to prayer.(BG) 43 Everyone was filled with awe at the many wonders and signs performed by the apostles.(BH) 44 All the believers were together and had everything in common.(BI) 45 They sold property and possessions to give to anyone who had need.(BJ) 46 Every day they continued to meet together in the temple courts.(BK) They broke bread(BL) in their homes and ate together with glad and sincere hearts, 47 praising God and enjoying the favor of all the people.(BM) And the Lord added to their number(BN) daily those who were being saved.

Footnotes

  1. Acts 2:4 Or languages; also in verse 11
  2. Acts 2:9 That is, the Roman province by that name
  3. Acts 2:21 Joel 2:28-32
  4. Acts 2:23 Or of those not having the law (that is, Gentiles)
  5. Acts 2:28 Psalm 16:8-11 (see Septuagint)
  6. Acts 2:35 Psalm 110:1