Mga Gawa 2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagdating ng Banal na Espiritu
2 Pagsapit ng Araw ng Pentecostes,[a] nagtitipon silang lahat sa isang lugar. 2 Biglang nagkaroon ng isang ugong mula sa langit, gaya ng isang napakalakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kanilang kinaroroonan. 3 May nakita silang tila mga dilang apoy na nahahati at lumapag sa bawat isa sa kanila. 4 Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nagsalita sa iba't ibang wika, ayon sa kakayahang magpahayag na ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. 5 Naninirahan noon sa Jerusalem ang mga Judiong masigasig sa kanilang pananampalataya. Galing pa sila sa iba't ibang mga bansa. 6 Nang dumating ang ugong na ito, nagtipon sila at namangha sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa mga wika nilang mga nakikinig. 7 Labis silang nagulat at namangha, kaya't sila'y nagtanong, “Pakinggan ninyo! Hindi ba mga taga-Galilea ang lahat ng mga nagsasalitang ito? 8 Paanong nangyaring naririnig ng bawat isa sa atin ang ating mga sariling wika sa kanila? 9 Tayong mga Parto, mga Medo, mga Elamita, mga naninirahan sa Mesopotamia, sa Judea, at sa Capadocia, sa Ponto at sa Asia. 10 Mayroon din sa ating taga-Frigia at Pamfilia, sa Ehipto at sa mga lupain ng Libya na sakop ng Cirene, at mga panauhing taga-Roma, mga Judio at mga nahikayat maging Judio. 11 May mga taga-Creta at taga-Arabia rin dito. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga sariling wika tungkol sa mga kamangha-manghang gawa ng Diyos?” 12 Namangha sila at nalito, kaya sila'y nagtanungan, “Ano ang kahulugan nito?” 13 Ngunit ang iba nama'y may pangungutyang nagsabi, “Lasing ang mga iyan.” 14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ang labing-isa, at nagpahayag sa malakas na tinig, “Mga kababayan kong Judio at mga naninirahan sa Jerusalem, unawain ninyo ito at makinig kayong mabuti sa sasabihin ko. 15 Hindi lasing ang mga taong ito, gaya ng akala ninyo. Ngayo'y ikasiyam pa lang ng umaga.[b] 16 Sa halip, ang pangyayaring ito'y katuparan ng sinabi ni propeta Joel:
17 ‘Ito ang mangyayari sa mga huling araw, sabi ng Diyos,
ibubuhos ko sa lahat ng tao ang aking Espiritu;
magpapahayag ang inyong mga anak na lalaki at babae ng mensahe mula sa Diyos,
makakakita ng pangitain ang inyong mga kabataang lalaki,
mananaginip ang inyong mga matatandang lalaki,
18 maging sa mga aliping lalaki at babae,
sa mga araw na iyon ay ibubuhos ko ang aking Espiritu,
at sila'y magpapahayag.
19 Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit,
at ng mga tanda sa lupa;
dugo, apoy, at makapal na usok.
20 Magdidilim ang araw,
at magkukulay-dugo ang buwan,
bago sumapit ang dakila at maningning na Araw ng Panginoon.
21 At mangyayari na sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’
22 “Pakinggan ninyo ito, mga Israelita. Itong si Jesus na taga-Nazareth ay pinatunayan sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ng mga himala, mga kababalaghan at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat naganap ang mga ito sa gitna ninyo. 23 Sa mula't mula pa'y alam na at ipinasya na ng Diyos na ibigay sa inyo si Jesus. At ipinako ninyo siya sa krus at ipinapatay sa mga makasalanan. 24 Subalit ang Diyos ang muling bumuhay sa kanya, at nagpalaya sa kanya mula sa pagdurusa ng kamatayan, dahil wala naman itong kakayahang maghari sa kanya. 25 Gaya nga ng sinabi ni David tungkol sa kanya:
‘Noon pa'y nakita kong lagi kong kapiling ang Panginoon;
Siya'y kasama ko[c] kaya't hindi ako matitinag.
26 Dahil dito'y nagalak ang aking puso at sa dila ko'y nag-umapaw ang tuwa,
at ang aking katawan ay mabubuhay sa pag-asa.
27 Sapagkat ang kaluluwa ko'y hindi mo hahayaan sa kamatayan[d];
o ipahihintulot man lang na ang iyong Banal ay makaranas ng kabulukan.
28 Ipinakita mo sa akin ang mga daan ng buhay,
at sa piling mo'y mapupuno ako ng kagalakan.’
29 Mga kapatid, buong katiyakang sasabihin ko sa inyo na ang ating ninunong si David ay namatay at inilibing. At ang libingan niya'y nasa atin hanggang ngayon. 30 Palibhasa'y propeta si David noong nabubuhay pa, nalalaman niya ang taimtim na pangako sa kanya ng Diyos: na magiging haring tulad niya ang isa mula sa kanyang angkan. 31 Nakita na at ipinahayag na ni David na muling bubuhayin ng Diyos ang Cristo nang kanyang sabihin:
‘Hindi siya pinabayaan sa daigdig ng mga patay; ni ang katawan niya'y makaranas ng kabulukan.’
32 Ngayon, kaming lahat ay mga saksi na ang Jesus na ito ay muling binuhay ng Diyos. 33 Dahil iniluklok siya sa kanan ng Diyos, at tinanggap niya mula sa Ama ang ipinangakong Banal na Espiritu, nakikita at naririnig ninyo ito na ibinuhos sa amin ngayon. 34 Sapagkat hindi si David ang umakyat sa langit, subalit sinabi niya: Ang Panginoon ang nagsabi sa aking Panginoon: ‘Maupo ka sa aking kanan, 35 hanggang mailagay ko sa ilalim ng iyong mga paa ang iyong mga kaaway.’ 36 Kaya't dapat malaman ng buong sambahayan ng Israel, na itong si Jesus na inyong ipinako sa krus ay itinalaga ng Diyos na Panginoon at Cristo.” 37 Nabagabag ang kanilang kalooban nang marinig nila ang sinabi ni Pedro, kaya't nagtanong sila kay Pedro at sa ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?” 38 Sumagot si Pedro, “Talikuran ninyo ang inyong kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang patawarin kayo, at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Banal na Espiritu. 39 Sapagkat para sa inyo ang pangako, at para sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, at sa lahat ng tatawagin ng ating Panginoong Diyos tungo sa kanya.” 40 Marami pang sinabi si Pedro bilang patunay upang sila'y himukin. Nakiusap siya sa kanila, “Iligtas ninyo ang inyong mga sarili mula sa masamang lahing ito.” 41 Kaya't nagpabautismo ang tumanggap sa kanyang sinabi. At nang araw na iyon, may tatlong libong katao ang nadagdag sa mga alagad. 42 Masigasig silang nanatili sa mga turo ng apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa pagpuputul-putol ng tinapay, at sa pananalangin.
Ang Buhay ng Magkakapatid
43 Naghari sa lahat ang takot, at maraming kababalaghan at himala ang naganap sa pamamagitan ng mga apostol. 44 At (A) nagsama-sama ang lahat ng mga mananampalataya at ibinahagi ang kanilang mga ari-arian para sa lahat. 45 Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at mga kayamanan at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa lahat, ayon sa pangangailangan ng bawat isa. 46 Araw-araw silang nagsasama-sama sa templo, at nagpuputul-putol ng tinapay sa bahay-bahay. Ginagawa nila ang mga ito nang may galak at bukás na kalooban. 47 Habang nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng mga tao, ay araw-araw namang idinaragdag ng Panginoon sa kanila ang kanyang mga inililigtas.
Footnotes
- Mga Gawa 2:1 Pentecostes: Limampung Araw ito matapos ang Paskuwa, isang panahon kung saan ipinagdiriwang ng mga Judio ang Pista ng Mga Ani. Tingnan ang Ex. 23:16; 34:22; Lev. 23:15-21; Deut. 16:9-12.
- Mga Gawa 2:15 Sa Griyego, ikatlong oras.
- Mga Gawa 2:25 Sa Griyego, nasa kanan ko.
- Mga Gawa 2:27 Sa Griyego, sa Hades, lugar ng kamatayan.
Acts 2
New American Standard Bible
The Day of Pentecost
2 When (A)the day of Pentecost [a]had come, they were all together in one place. 2 And suddenly a noise like a violent rushing wind came from heaven, and it filled (B)the whole house where they were sitting. 3 And tongues that looked like fire appeared to them, [b]distributing themselves, and a tongue [c]rested on each one of them. 4 And they were all (C)filled with the Holy Spirit and began to (D)speak with different [d]tongues, as the Spirit was giving them the ability to speak out.
5 Now there were Jews residing in Jerusalem, (E)devout men from every nation under heaven. 6 And when (F)this sound occurred, the crowd came together and they were bewildered, because each one of them was hearing them speak in his own [e]language. 7 (G)They were amazed and astonished, saying, “[f]Why, are not all these who are speaking (H)Galileans? 8 And how is it that we each hear them in our own [g]language [h]to which we were born? 9 Parthians, Medes, and Elamites, and residents of Mesopotamia, Judea, and (I)Cappadocia, (J)Pontus and [i](K)Asia, 10 (L)Phrygia and (M)Pamphylia, Egypt and the parts of Libya around (N)Cyrene, and [j](O)visitors from Rome, both Jews and [k](P)proselytes, 11 Cretans and Arabs—we hear them speaking in our own [l]tongues of the mighty deeds of God.” 12 And (Q)they all continued in amazement and great perplexity, saying to one another, “What does this mean?” 13 But others were jeering and saying, “(R)They are full of [m]sweet wine!”
Peter’s Sermon
14 But Peter, taking his stand with (S)the other eleven, raised his voice and declared to them: “Men of Judea and all you who live in Jerusalem, [n]know this, and pay attention to my words. 15 For these people are not drunk, as you assume, (T)since it is only the [o]third hour of the day; 16 but this is what has been spoken through the prophet Joel:
17 ‘(U)And it shall be in the last days,’ God says,
‘That I will pour out My Spirit on all [p]mankind;
And your sons and your daughters will prophesy,
And your young men will see visions,
And your old men will [q]have dreams;
18 And even on My male and female [r]servants
I will pour out My Spirit in those days,
And they will prophesy.
19 And I will [s]display wonders in the sky above
And signs on the earth below,
Blood, fire, and [t]vapor of smoke.
20 The sun will be turned into darkness
And the moon into blood,
Before the great and glorious day of the Lord comes.
21 And it shall be that (V)everyone who calls on the name of the Lord will be saved.’
22 “Men of Israel, listen to these words: (W)Jesus the Nazarene, (X)a Man [u]attested to you by God with [v]miracles and (Y)wonders and [w]signs which God performed through Him in your midst, just as you yourselves know— 23 this Man, delivered over by the (Z)predetermined plan and foreknowledge of God, (AA)you nailed to a cross by the hands of [x]godless men and put Him to death. 24 [y]But (AB)God raised Him from the dead, putting an end to the [z]agony of death, since it (AC)was impossible for Him to be held [aa]in its power. 25 For David says of Him,
‘(AD)I saw the Lord continually before me,
Because He is at my right hand, so that I will not be shaken.
26 Therefore my heart was glad and my tongue was overjoyed;
Moreover my flesh also will live in hope;
27 For You will not abandon my soul to (AE)Hades,
(AF)Nor will You [ab]allow Your [ac]Holy One to [ad]undergo decay.
28 You have made known to me the ways of life;
You will make me full of gladness with Your presence.’
29 “[ae]Brothers, I may confidently say to you regarding the (AG)patriarch David that he both (AH)died and (AI)was buried, and (AJ)his tomb is [af]with us to this day. 30 So because he was (AK)a prophet and knew that (AL)God had sworn to him with an oath to seat one [ag]of his descendants on his throne, 31 he looked ahead and spoke of the resurrection of the [ah]Christ, that (AM)He was neither abandoned to Hades, nor did His flesh [ai]suffer decay. 32 It is this Jesus whom (AN)God raised up, [aj]a fact to which we are all (AO)witnesses. 33 Therefore, [ak]since He has been exalted [al](AP)at the right hand of God, and (AQ)has received (AR)the promise of the Holy Spirit from the Father, He has (AS)poured out this which you both see and hear. 34 For it was not David who ascended into [am]heaven, but he himself says:
‘(AT)The Lord said to my Lord,
“Sit at My right hand,
35 Until I make Your enemies a footstool for Your feet.”’
36 Therefore let all the (AU)house of Israel know for certain that God has made Him both (AV)Lord and [an]Christ—this Jesus (AW)whom you crucified.”
37 Now when they heard this, they were [ao]pierced to the heart, and said to Peter and the rest of the apostles, “[ap]Brothers, (AX)what are we to do?” 38 Peter said to them, “(AY)Repent, and each of you be (AZ)baptized in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins; and you will receive the gift of the Holy Spirit. 39 For (BA)the promise is for you and your children and for all who are (BB)far away, as many as the Lord our God will call to Himself.” 40 And with many other words he solemnly (BC)testified and kept on urging them, saying, “[aq]Be saved from this (BD)perverse generation!” 41 So then, those who had received his word were baptized; and that day there were added about three thousand [ar](BE)souls. 42 They were (BF)continually devoting themselves to the apostles’ teaching and to fellowship, to (BG)the breaking of bread and (BH)to [as]prayer.
43 [at]Everyone kept feeling a sense of awe; and many (BI)wonders and [au]signs were taking place through the apostles. 44 And all the believers [av]were together and (BJ)had all things in common; 45 and they (BK)would sell their property and possessions and share them with all, to the extent that anyone had need. 46 (BL)Day by day continuing with one mind in the temple, and (BM)breaking bread [aw]from house to house, they were taking their [ax]meals together with gladness and [ay]sincerity of heart, 47 praising God and (BN)having favor with all the people. And the Lord (BO)was adding to [az]their number day by day (BP)those who were being saved.
Footnotes
- Acts 2:1 Lit was being fulfilled
- Acts 2:3 Or being distributed, and
- Acts 2:3 Or sat
- Acts 2:4 Or languages
- Acts 2:6 Or dialect
- Acts 2:7 Lit Behold
- Acts 2:8 Or dialect
- Acts 2:8 Lit in
- Acts 2:9 I.e., west coast province of Asia Minor
- Acts 2:10 Lit the sojourning Romans
- Acts 2:10 I.e., Gentile converts to Judaism
- Acts 2:11 Or languages
- Acts 2:13 I.e., new wine
- Acts 2:14 Lit let this be known to you
- Acts 2:15 I.e., 9 a.m.
- Acts 2:17 Lit flesh
- Acts 2:17 Lit dream with dreams
- Acts 2:18 Or slaves
- Acts 2:19 Lit give
- Acts 2:19 I.e., like a volcanic eruption
- Acts 2:22 Or exhibited; or accredited
- Acts 2:22 Or works of power
- Acts 2:22 I.e., confirming miracles
- Acts 2:23 Lit men without the Law; i.e., pagan
- Acts 2:24 Lit Whom God raised up
- Acts 2:24 Lit birth pains
- Acts 2:24 Lit by it
- Acts 2:27 Lit give
- Acts 2:27 Or Devout; or Pious
- Acts 2:27 Lit see corruption
- Acts 2:29 Lit Men, brothers
- Acts 2:29 Lit among
- Acts 2:30 Lit of the fruit of his loins
- Acts 2:31 I.e., Messiah
- Acts 2:31 Lit see corruption
- Acts 2:32 Or of whom we
- Acts 2:33 Or having been...having received
- Acts 2:33 Or by
- Acts 2:34 Lit the heavens
- Acts 2:36 I.e., Messiah
- Acts 2:37 Or wounded in conscience
- Acts 2:37 Lit Men, brothers
- Acts 2:40 Or Escape
- Acts 2:41 I.e., persons
- Acts 2:42 Lit the prayers
- Acts 2:43 Lit Fear was occurring to every soul
- Acts 2:43 I.e., confirming miracles
- Acts 2:44 One early ms does not contain were and and
- Acts 2:46 Or in the various private homes
- Acts 2:46 Lit food
- Acts 2:46 Or simplicity
- Acts 2:47 Lit the same
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
New American Standard Bible®, Copyright © 1960, 1971, 1977, 1995, 2020 by The Lockman Foundation. All rights reserved.

