Mga Gawa 18:1-3
Ang Biblia (1978)
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa (A)Corinto.
2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang (B)Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni (C)Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila;
3 At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, (D)at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.
Read full chapter
Mga Gawa 18:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto.
2 At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila;
3 At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda.
Read full chapter
Mga Gawa 18:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Sa Corinto
18 Pagkatapos nito umalis si Pablo sa Atenas at nagtungo sa Corinto. 2 Natagpuan niya roon si Aquila, isang Judiong taga-Ponto. Kararating lamang niya mula sa Italia kasama ang kanyang asawang si Priscila. Umalis sila ng Roma sapagkat ipinag-utos ni Claudio na ang lahat ng Judio ay umalis doon. Nakipagkita si Pablo sa kanila. 3 Dahil pareho ang kanilang hanapbuhay, ang paggawa ng tolda, si Pablo ay doon na sa kanilang tahanan nakitira. Doon sila magkasamang nagtrabaho.
Read full chapter
Mga Gawa 18:1-3
Ang Biblia, 2001
Sa Corinto
18 Pagkatapos ng mga bagay na ito, umalis si Pablo[a] sa Atenas, at pumunta sa Corinto.
2 Natagpuan niya roon ang isang Judio na ang pangalan ay Aquila, isang lalaking tubong Ponto, na kararating pa lamang mula sa Italia, kasama si Priscila na kanyang asawa, sapagkat ipinag-utos ni Claudio na ang lahat ng Judio ay umalis sa Roma. Pumunta si Pablo[b] sa kanila;
3 at dahil ang hanapbuhay niya'y tulad din ng kanila, tumuloy siya sa kanila, at sila'y magkakasamang nagtrabaho—parehong paggawa ng tolda ang hanapbuhay nila.
Read full chapterFootnotes
- Mga Gawa 18:1 Sa Griyego ay siya .
- Mga Gawa 18:2 Sa Griyego ay siya .
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
