Mga Gawa 16:6-8
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pangitain ni Pablo sa Troas
6 Sapagkat binawalan sila ng Espiritu Santo na mangaral sa lalawigan ng Asia[a], naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia. 7 Pagdating sa hangganan ng Misia, papasok na sana sila sa Bitinia, subalit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus. 8 Kaya't dumaan sila ng Misia at nagpunta sa Troas.
Read full chapterFootnotes
- 6 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.
Mga Gawa 16:6-8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pangitain ni Pablo sa Troas
6 Naglakbay sina Pablo sa lupain ng Frigia at Galacia, sapagkat pinagbawalan sila ng Banal na Espiritu na ipangaral ang salita sa lalawigan ng Asia. 7 Pagdating nila sa hangganan ng Misia, tinangka nilang makapasok sa Bitinia ngunit hindi sila pinahintulutan ng Espiritu ni Jesus. 8 Kaya't paglampas nila sa Misia ay nagtungo sila sa Troas.
Read full chapter
Mga Gawa 16:6-8
Ang Biblia (1978)
6 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at (A)Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
7 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
8 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa (B)Troas.
Read full chapter
Mga Gawa 16:6-8
Ang Dating Biblia (1905)
6 At nang kanilang matahak ang lupain ng Frigia at Galacia, ay pinagbawalan sila ng Espiritu Santo na saysayin ang salita sa Asia;
7 At nang sila'y magsidating sa tapat ng Misia, ay pinagsikapan nilang magsipasok sa Bitinia; at hindi sila tinulutan ng Espiritu ni Jesus;
8 At pagkaraan nila sa Misia, ay nagsilusong sila sa Troas.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
