Mga Gawa 15
Magandang Balita Biblia
Ang Pagpupulong sa Jerusalem
15 May(A) dumating doon na ilang taong mula sa Judea at nagturo sa mga kapatid, “Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa kaugaliang itinuturo ni Moises, hindi kayo maliligtas.”
2 Mahigpit itong tinutulan nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo. Kaya't napagpasyahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ilan pang kapatid na taga-Antioquia, upang ang suliraning ito ay isangguni sa mga apostol at sa matatandang pinuno ng iglesya.
3 Isinugo nga sila ng iglesya at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila roon na marami nang mga Hentil ang nahikayat sa pananampalataya. Ito nama'y labis na ikinagalak ng mga kapatid. 4 Pagdating nila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng mga matatandang pinuno, at ng buong iglesya. Isinalaysay nila ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila. 5 Ngunit tumayo naman ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo at kanilang sinabi, “Kailangang tuliin at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises ang mga Hentil na sumasampalataya.”
6 Nagpulong ang mga apostol at ang matatandang namumuno sa iglesya upang pag-aralan ang suliraning ito. 7 Pagkatapos(B) ng mahabang pagtatalo, tumayo si Pedro at nagsalita, “Mga kapatid, nalalaman ninyo na noong mga nakaraang araw, hinirang ako ng Diyos upang mangaral ng Magandang Balita sa mga Hentil, at sila naman ay sumampalataya. 8 Ang(C) Diyos na nakakasaliksik ng puso ang nagpatotoo na sila'y tinatanggap niya nang ipagkaloob niya sa kanila ang Espiritu Santo tulad ng pagkakaloob niya sa atin. 9 Walang pagkakaiba ang pagtingin ng Diyos sa kanila at sa atin; nilinis din niya ang kanilang puso sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya. 10 Bakit sinusubok ninyo ang Diyos? Bakit ninyo iniaatang sa mga mananampalataya ang isang pasaning hindi nakayang dalhin ng ating mga ninuno at hindi rin natin kayang pasanin? 11 Sumasampalataya tayo na tayo'y maliligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Jesus at gayundin sila.”
12 Tumahimik ang buong kapulungan at nakinig sila habang isinasalaysay nina Bernabe at Pablo ang mga himalang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila.
13 Pagkatapos, si Santiago naman ang nagsalita, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin. 14 Katatapos pa lamang isalaysay ni Simon kung paano unang ipinamalas ng Diyos ang kanyang pagkalinga sa mga Hentil upang mula sa kanila ay may mga mapabilang sa kanyang bayan. 15 Ito ay sumasang-ayon sa ipinahayag ng mga propeta, tulad ng nasusulat,
16 ‘Pagkatapos(D) nito ay babalik ako,
at muli kong itatayo ang bumagsak na kaharian ni David.
Muli ko itong ibabangon mula sa kanyang pagkaguho,
17 upang ang Panginoon ay hanapin ng iba pang mga tao,
ng lahat ng mga Hentil na tinawag ko upang maging akin.
18 Ganoon ang sinabi ng Panginoon na nagpahayag ng mga bagay na ito mula pa noong una.’”
19 Nagpatuloy si Santiago, “Kaya't ang pasya ko'y huwag nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos. 20 Sa(E) halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng anumang inihandog sa diyus-diyosan, huwag makikiapid, at huwag kakain ng hayop [na binigti][a] at ng dugo. 21 Sapagkat mula pa noong unang panahon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na sa mga sinagoga tuwing Araw ng Pamamahinga at ang aral niya ay itinuturo sa bawat bayan.”
Ang Sulat sa mga Hentil na Sumasampalataya
22 Kaya't minabuti ng mga apostol, ng matatandang pinuno ng iglesya, at ng buong iglesya na pumili ng ilan sa kanila upang suguin sa Antioquia, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang mga napili nila ay si Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas, na mga lalaking iginagalang ng mga kapatid. 23 Ipinadala nila sa kanila ang sulat na ganito ang nilalaman:
“Kaming mga apostol at ang matatandang pinuno ng iglesya, inyong mga kapatid, ay bumabati sa mga kapatid naming Hentil na nasa Antioquia, sa Siria at sa Cilicia. 24 Nabalitaan naming ginugulo kayo ng ilang kasamahan naming galing dito, kahit na hindi namin sila inutusan. At binabagabag nila kayo sa pamamagitan ng kanilang itinuturo, 25 kaya't napagkaisahan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating minamahal na sina Bernabe at Pablo, 26 mga taong hindi nag-atubiling itaya ang kanilang buhay sa paglilingkod sa ating Panginoong Jesu-Cristo. 27 Isinugo namin sa inyo sina Judas at Silas upang ipaliwanag ang sinasabi sa sulat na ito. 28 Sapagkat minabuti namin at ng Espiritu Santo na huwag na kayong atangan ng iba pang pasanin maliban sa mga bagay na ito na talagang kailangan: 29 huwag kayong kakain ng anumang inihandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo at ng hayop na binigti, at huwag kayong makikiapid. Layuan ninyo ang mga iyan para sa ikabubuti ninyo. Paalam.”
30 At pinalakad nila ang mga sugo. Pagdating sa Antioquia, tinipon ng mga ito ang mga kapatid at ibinigay ang sulat. 31 Pagkabasa sa sulat, nagalak ang lahat dahil sa mensaheng nagpalakas ng kanilang loob. 32 Sina Judas at Silas, na mga propeta rin, ay maraming itinuro sa mga kapatid na nakapagpasigla at nakapagpatibay ng kanilang pananampalataya. 33 Ang dalawa'y tumigil doon nang kaunting panahon. Pagkatapos, sila'y pinabalik na taglay ang pagbati ng mga kapatid para sa mga nagsugo sa kanila. [34 Ngunit minabuti ni Silas ang manatili doon.][b]
35 Subalit nanatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia, at kasama ng marami pang iba ay nagturo at nangaral ng salita ng Panginoon.
Ang Paghihiwalay nina Pablo at Bernabe
36 Makalipas ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa mga bayan kung saan tayo nangaral ng salita ng Panginoon at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” 37 Nais ni Bernabe na isama si Juan na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit(F) ayaw ni Pablo, sapagkat hindi ito nagpatuloy na sumama sa kanilang gawain, sa halip, ito'y humiwalay sa kanila sa Pamfilia. 39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo kaya't naghiwalay sila. Isinama ni Bernabe si Marcos at naglayag sila papuntang Cyprus. 40 Isinama naman ni Pablo si Silas at sila'y umalis, matapos silang ipagkatiwala ng mga kapatid sa pag-iingat ng Panginoon. 41 Naglakbay sila sa Siria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya roon.
Footnotes
- Mga Gawa 15:20 na binigti: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.
- Mga Gawa 15:34 Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang talatang 34.
Mga Gawa 15
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Pagpupulong sa Jerusalem
15 May (A) ilang taong dumating sa Antioquia mula sa Judea na nagtuturo ng ganito sa mga kapatid, “Malibang kayo'y tuliin ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” 2 Mahigpit na nakipagtalo sina Pablo at Bernabe sa kanila tungkol dito. At dahil naging mainit ang kanilang salungatan, sina Pablo at Bernabe, kasama ang iba pa, ay inatasang pumunta sa Jerusalem upang isangguni ang suliraning ito sa mga apostol at sa matatandang tagapamahala ng iglesya. 3 Sinugo nga sila ng iglesya. Sa kanilang pagdaan sa Fenicia at Samaria, iniulat nila ang pagbabalik-loob ng mga Hentil, na nakapagbigay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga kapatid. 4 Nang makarating sila sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng buong iglesya, ng mga apostol at ng matatanda. Iniulat nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila. 5 Subalit tumindig ang ilang kaanib sa pangkat ng mga Fariseo at nagsabi, “Kailangang tuliin ang mga Hentil at utusang sundin ang Kautusan ni Moises.” 6 Nagtipon ang mga apostol at ang matatanda upang pag-usapan ang bagay na ito. 7 Pagkatapos (B) ng maraming talakayan, tumindig si Pedro at sinabi sa kanila, “Mga kapatid, nalalaman ninyo na noon ay hinirang ako ng Diyos mula sa inyo, upang sa pamamagitan ng aking pangangaral ay mapakinggan ng mga Hentil ang Magandang Balita, at sila'y sumampalataya. 8 At (C) ang Diyos na nakaaalam ng puso ng tao ay nagpatunay sa kanila nang pagkalooban sila ng Banal na Espiritu tulad ng nangyari sa atin. 9 Walang pagtatangi na ginawa ang Diyos sa atin at sa kanila; sa halip, nilinis din niya ang kanilang mga puso nang sila'y sumampalataya. 10 Kaya ngayon, bakit ninyo sinusubok ang Diyos at iniaatang sa mga alagad ang mga pasaning kahit tayo o ang ating mga ninuno'y hindi nakayang pasanin? 11 Sumasampalataya tayo na tayo'y maliligtas sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Panginoong Jesus, gayundin sila.” 12 Tumahimik ang buong kapulungan at pinakinggan ang salaysay nina Bernabe at Pablo tungkol sa mga himala at kababalaghang ginawa ng Diyos sa mga Hentil sa pamamagitan nila. 13 Pagkatapos nila, si Santiago naman ang nagsalita, “Mga kapatid, pakinggan ninyo ako. 14 Ipinaliwanag na ni Simon[a] kung paanong unang dinalaw ng Diyos ang mga Hentil, upang sila rin ay maging bayan para sa kanyang pangalan. 15 Sumasang-ayon dito ang mga salita ng mga propeta, tulad ng nasusulat,
16 ‘Pagkatapos (D) ng mga ito, ako'y babalik,
at muli kong itatayo ang bumagsak na tolda ni David;
muli ko itong ibabangon mula sa pagkaguho,
17 upang hanapin ng nalabi sa mga tao ang Panginoon,
at ng lahat ng mga Hentil na tinatawag sa aking pangalan,
sabi ng Panginoon na gumawa ng mga ito,
18 na nagpakilala mula noong una.’
19 Kaya't ako'y humahatol na huwag na nating pahirapan ang mga Hentil na nagbabalik-loob sa Diyos. 20 Sa (E) halip, sulatan natin sila na huwag kumain ng mga pagkaing pinarumi dahil ihinandog sa diyus-diyosan, huwag makiapid, at huwag kumain ng dugo at ng hayop na binigti. 21 Sapagkat noong araw pa ay ipinangangaral na ang Kautusan ni Moises sa bawat lungsod at binabasa sa mga sinagoga tuwing Sabbath.”
Ang Sulat sa mga Mananampalatayang Hentil
22 Nang magkagayo'y minabuti ng mga apostol at ng matatandang tagapamahala, at ng buong iglesya, na pumili ng mga lalaki mula sa kanilang hanay at isugo sa Antioquia kasama nina Pablo at Bernabe. Isinugo nila si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas, mga lalaking iginagalang ng mga kapatid. 23 Sa pamamagitan nila'y ipinadala ang liham na ganito ang nilalaman:
“Kaming mga apostol, mga matatanda, at mga kapatid ay bumabati sa mga kapatid na Hentil na nasa Antioquia, Syria at Cilicia. 24 Yamang nabalitaan namin na ginugulo kayo ng ilang tao na galing dito, kahit hindi namin sila inutusan, 25 napagkasunduan naming magpadala sa inyo ng mga sugo. Kasama sila ng ating mga minamahal na sina Bernabe at Pablo, 26 mga taong nagsuong sa panganib ng kanilang buhay alang-alang sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 27 Isinugo namin sina Judas at Silas upang ipaliwanag sa inyo ang nilalaman ng liham na ito. 28 Minabuti ng Banal na Espiritu at minabuti rin naming huwag na kayong bigyan ng mabigat na pasanin maliban sa mga ito na talagang kailangan: 29 Huwag kayong kakain ng anumang ihinandog sa mga diyus-diyosan, ng dugo, at ng mga binigting hayop. Huwag kayong makikiapid. Iwasan ninyo ang mga bagay na ito at mapapabuti kayo. Paalam.”
30 Pinaalis ang mga sugo at pumunta ang mga ito sa Antioquia. Nang matipon na nila ang kapulungan ay kanilang ibinigay ang sulat. 31 Pagkabasa nila nito, sila ay nagalak sa kanilang narinig. 32 Sina Judas at Silas, na mga propeta rin, ay marami pang sinabi na nagpalakas ng loob at nagpatatag sa mga kapatid. 33 Pagkatapos na manatili roon ng ilang panahon, sila'y payapang pinabalik ng mga kapatid sa mga nagsugo sa kanila. 34 [Ngunit minabuti ni Silas ang manatili roon.][b] 35 Nanatili sina Pablo at Bernabe sa Antioquia, at kasama ng marami pang iba, ay nagturo at nangaral ng salita ng Panginoon.
Ang Paghihiwalay nina Pablo at Bernabe
36 Makaraan ang ilang araw, sinabi ni Pablo kay Bernabe, “Balikan natin at dalawin ang mga kapatid sa bawat lungsod na pinangaralan natin ng salita ng Panginoon, at tingnan natin kung ano ang kalagayan nila.” 37 Nais ni Bernabe na kanilang isama si Juan, na tinatawag ding Marcos. 38 Ngunit (F) iginiit ni Pablo na huwag itong isama, sapagkat humiwalay ito noon at mula sa Pamfilia ay hindi na sumama sa kanilang gawain. 39 Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na humantong sa kanilang paghihiwalay. Isinama ni Bernabe si Marcos, at naglayag patungong Cyprus. 40 Pinili naman ni Pablo si Silas, at sila'y umalis matapos ipagtagubilin ng mga kapatid sa pag-iingat ng Panginoon. 41 Naglakbay siya sa Syria at Cilicia at pinatatag ang mga iglesya.
Footnotes
- Mga Gawa 15:14 Simon: Sa Griyego, Simeon.
- Mga Gawa 15:34 Wala ang talatang ito sa mga mas naunang manuskrito.
Apostlagärningarna 15
nuBibeln (Swedish Contemporary Bible)
Möte med apostlarna i Jerusalem
15 Några kom då från Judeen och började lära bröderna att de inte kunde bli räddade om de inte lät omskära sig[a] som seden var enligt Mose. 2 Men Paulus och Barnabas gick emot dem vilket ledde till ständiga diskussioner och bråk. Till slut bestämde därför de troende att man skulle låta Paulus och Barnabas och några till resa upp till Jerusalem för att reda ut saken med apostlarna och församlingsledarna där. 3 Församlingen utrustade dem för resan och de gav sig iväg genom Fenikien och Samarien där de berättade om hedningar som hade vänt om, vilket gjorde de troende mycket glada.
4 När de kom fram till Jerusalem, blev de mottagna av församlingen och apostlarna och ledarna. Paulus och Barnabas berättade sedan om vad Gud hade gjort genom dem. 5 Men då reste sig några från fariseernas parti som blivit troende och förklarade att hedningarna måste omskäras och krävas följa Moses lag.
6 Apostlarna och församlingsledarna höll därför ett särskilt möte om den här frågan. 7 Efter en lång diskussion reste sig Petrus och sa: ”Bröder, ni vet att Gud för länge sedan utsåg mig bland er till att förkunna evangelium för hedningar, så att de också skulle kunna tro. 8 Och Gud som känner allas hjärtan har visat att han har tagit emot dem genom att ge dem den heliga Anden precis som till oss. 9 Gud har inte gjort någon skillnad mellan oss och dem utan renade deras hjärtan genom tron. 10 Varför vill ni då utmana Gud och lägga ett ok på lärjungarnas axlar som varken vi eller våra förfäder har kunnat bära? 11 Nej, vi tror att alla, både vi och de, blir räddade genom vår Herre Jesus nåd.”
12 Efter det blev det tyst på diskussionen och alla lyssnade till Barnabas och Paulus när de berättade om de tecken och under som Gud hade gjort genom dem bland andra folk.
13 När de hade slutat, reste sig Jakob[b] och sa: ”Bröder, lyssna på mig! 14 Simon[c] har berättat hur Gud för första gången såg till att han fick ett eget folk bland hedningarna. 15 Det stämmer väl överens med det budskap som står skrivet hos profeterna:
16 ’Sedan ska jag vända tillbaka
och bygga upp Davids fallna hydda.[d]
Jag ska resa upp det som ligger i ruiner,
17 så att alla andra människor kan söka Herren,
alla de folk över vilka mitt namn har utropats.[e]
Så säger Herren, som gjorde allt detta
18 känt för länge sedan.’[f]
19 Jag anser därför att vi inte ska ställa så många krav på hedningar som vänder sig till Gud. 20 Det räcker med att vi skriver till dem att de ska låta bli att äta sådant som orenats genom avgudadyrkan, att de ska avhålla sig från sexuell omoral och från att äta kött från kvävda djur samt blod.[g] 21 För Mose har man förkunnat överallt i alla städer under alla tider och han läses i synagogorna varje sabbat.”
Brevet från församlingen i Jerusalem
22 Sedan beslöt apostlarna och ledarna tillsammans med hela församlingen att man skulle sända några representanter till Antiochia tillsammans med Paulus och Barnabas. Det blev två av församlingsledarna: Judas (som kallades Barsabbas) och Silas.
23 Så här löd det brev de fick med sig:
Från apostlarna och församlingsledarna, till bröderna av hednisk härkomst i Antiochia, Syrien och Kilikien.
Varma hälsningar!
24 Vi har fått veta att några från oss har skapat oro och förvirring bland er med vad de har sagt men dessa män var inte utsända av oss. 25 Vi beslöt därför enhälligt att utse representanter och skicka dem till er tillsammans med våra älskade bröder Barnabas och Paulus, 26 dessa båda som har riskerat sina liv för vår Herre Jesus Kristus skull. 27 Våra representanter, Judas och Silas, kommer att framföra detsamma som vi skriver.
28 Den heliga Anden och vi har beslutat att inte kräva något annat av er än detta nödvändiga: 29 att ni avhåller er från kött som offrats till avgudar, blod, kött från kvävda djur och sexuell omoral. Om ni noga följer detta, handlar ni rätt.
Vi önskar er allt gott!
30 De sändes iväg och reste till Antiochia där man kallade samman de troende till ett möte och överlämnade brevet. 31 När man läste brevet blev alla glada över detta uppmuntrande besked. 32 Judas och Silas som själva var profeter talade sedan länge till församlingen och uppmuntrade och styrkte dem. 33 När de hade varit där en tid, reste Judas och Silas tillbaka till dem som hade sänt dem och församlingen i Antiochia önskade dem frid.[h] 35 Men Paulus och Barnabas stannade kvar i Antiochia där de tillsammans med många andra undervisade och spred budskapet om Herren.
Paulus och Barnabas skiljs åt
36 Efter ett tag sa Paulus till Barnabas: ”Borde vi inte åka tillbaka till alla de städer där vi har spridit budskapet om Herren för att se hur det går med de troende?” 37 Barnabas föreslog att de skulle ta med sig Johannes som kallades Markus. 38 Men Paulus var emot detta eftersom denne hade övergett dem i Pamfylien och inte varit med dem i deras arbete. 39 De blev så oeniga om detta att de skildes åt. Barnabas tog sedan med sig Markus och seglade till Cypern. 40 Paulus däremot valde Silas som medhjälpare och sedan de troende hade överlämnat dem åt Herrens nåd, gav han sig iväg. 41 Han reste genom Syrien och Kilikien för att uppmuntra församlingarna där.
Footnotes
- 15:1 Jfr 1 Mos 17:9-14.
- 15:13 Se not till 12:17.
- 15:14 Petrus hette från början Simon, men Jesus gav honom namnet Petrus, som betyder klippa.
- 15:16 Eller: fallna tält.
- 15:17 Att utropa ens namn över någon var ett sätt att uttrycka äganderätt
- 15:18 Se Am 9:11-12 och Jes 45:21.
- 15:20 Dessa regler skulle underlätta gemenskapen mellan troende judar och icke-judar. Reglerna gällde alla folk eftersom Gud redan hade gett dem till Noa. Moses lag kom många hundra år senare. Jfr 1 Mos 9:1-7.
- 15:33 En del handskrifter har med en extra vers: 34 Men Silas beslöt att stanna kvar.
Acts 15
New International Version
The Council at Jerusalem
15 Certain people(A) came down from Judea to Antioch and were teaching the believers:(B) “Unless you are circumcised,(C) according to the custom taught by Moses,(D) you cannot be saved.” 2 This brought Paul and Barnabas into sharp dispute and debate with them. So Paul and Barnabas were appointed, along with some other believers, to go up to Jerusalem(E) to see the apostles and elders(F) about this question. 3 The church sent them on their way, and as they traveled through Phoenicia(G) and Samaria, they told how the Gentiles had been converted.(H) This news made all the believers very glad. 4 When they came to Jerusalem, they were welcomed by the church and the apostles and elders, to whom they reported everything God had done through them.(I)
5 Then some of the believers who belonged to the party(J) of the Pharisees(K) stood up and said, “The Gentiles must be circumcised and required to keep the law of Moses.”(L)
6 The apostles and elders met to consider this question. 7 After much discussion, Peter got up and addressed them: “Brothers, you know that some time ago God made a choice among you that the Gentiles might hear from my lips the message of the gospel and believe.(M) 8 God, who knows the heart,(N) showed that he accepted them by giving the Holy Spirit to them,(O) just as he did to us. 9 He did not discriminate between us and them,(P) for he purified their hearts by faith.(Q) 10 Now then, why do you try to test God(R) by putting on the necks of Gentiles a yoke(S) that neither we nor our ancestors have been able to bear? 11 No! We believe it is through the grace(T) of our Lord Jesus that we are saved, just as they are.”
12 The whole assembly became silent as they listened to Barnabas and Paul telling about the signs and wonders(U) God had done among the Gentiles through them.(V) 13 When they finished, James(W) spoke up. “Brothers,” he said, “listen to me. 14 Simon[a] has described to us how God first intervened to choose a people for his name from the Gentiles.(X) 15 The words of the prophets are in agreement with this, as it is written:
16 “‘After this I will return
and rebuild David’s fallen tent.
Its ruins I will rebuild,
and I will restore it,
17 that the rest of mankind may seek the Lord,
even all the Gentiles who bear my name,
says the Lord, who does these things’[b](Y)—
18 things known from long ago.[c](Z)
19 “It is my judgment, therefore, that we should not make it difficult for the Gentiles who are turning to God. 20 Instead we should write to them, telling them to abstain from food polluted by idols,(AA) from sexual immorality,(AB) from the meat of strangled animals and from blood.(AC) 21 For the law of Moses has been preached in every city from the earliest times and is read in the synagogues on every Sabbath.”(AD)
The Council’s Letter to Gentile Believers
22 Then the apostles and elders,(AE) with the whole church, decided to choose some of their own men and send them to Antioch(AF) with Paul and Barnabas. They chose Judas (called Barsabbas) and Silas,(AG) men who were leaders among the believers. 23 With them they sent the following letter:
The apostles and elders, your brothers,
To the Gentile believers in Antioch,(AH) Syria(AI) and Cilicia:(AJ)
Greetings.(AK)
24 We have heard that some went out from us without our authorization and disturbed you, troubling your minds by what they said.(AL) 25 So we all agreed to choose some men and send them to you with our dear friends Barnabas and Paul— 26 men who have risked their lives(AM) for the name of our Lord Jesus Christ. 27 Therefore we are sending Judas and Silas(AN) to confirm by word of mouth what we are writing. 28 It seemed good to the Holy Spirit(AO) and to us not to burden you with anything beyond the following requirements: 29 You are to abstain from food sacrificed to idols, from blood, from the meat of strangled animals and from sexual immorality.(AP) You will do well to avoid these things.
Farewell.
30 So the men were sent off and went down to Antioch, where they gathered the church together and delivered the letter. 31 The people read it and were glad for its encouraging message. 32 Judas and Silas,(AQ) who themselves were prophets,(AR) said much to encourage and strengthen the believers. 33 After spending some time there, they were sent off by the believers with the blessing of peace(AS) to return to those who had sent them. [34] [d] 35 But Paul and Barnabas remained in Antioch, where they and many others taught and preached(AT) the word of the Lord.(AU)
Disagreement Between Paul and Barnabas
36 Some time later Paul said to Barnabas, “Let us go back and visit the believers in all the towns(AV) where we preached the word of the Lord(AW) and see how they are doing.” 37 Barnabas wanted to take John, also called Mark,(AX) with them, 38 but Paul did not think it wise to take him, because he had deserted them(AY) in Pamphylia and had not continued with them in the work. 39 They had such a sharp disagreement that they parted company. Barnabas took Mark and sailed for Cyprus, 40 but Paul chose Silas(AZ) and left, commended by the believers to the grace of the Lord.(BA) 41 He went through Syria(BB) and Cilicia,(BC) strengthening the churches.(BD)
Footnotes
- Acts 15:14 Greek Simeon, a variant of Simon; that is, Peter
- Acts 15:17 Amos 9:11,12 (see Septuagint)
- Acts 15:18 Some manuscripts things’— / 18 the Lord’s work is known to him from long ago
- Acts 15:34 Some manuscripts include here But Silas decided to remain there.
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Swedish Contemporary Bible (nuBibeln) Copyright © 2015 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.