Add parallel Print Page Options

13 Sa iglesia nga na nasa Antioquia ay may mga propeta at mga guro, si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni Herodes na tetrarka, at si Saulo.

At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.

Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.

Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa Chipre.

At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong si Juan.

At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;

Na kasama ng proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.

Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.

Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,

10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?

11 At ngayon, narito, nasa iyo ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.

12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.

13 Nagsitulak nga sa Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik sa Jerusalem.

14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.

15 At pagkatapos ng pagbasa ng kautusan at ng mga propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay ikinikiya na nagsabi, Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas sila roon.

18 At nang panahong halos apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 Sa binhi ng taong ito, ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.

27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad ang hatol sa kaniya.

28 At bagaman hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.

29 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.

30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng Dios sa mga patay:

31 At siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.

32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng pangakong ipinangako sa mga magulang,

33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.

35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.

37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.

38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan:

39 At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:

41 Tingnan ninyo, mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam: Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.

42 At pagalis nila, ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.

43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.

44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.

45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.

46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.

47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

48 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.

49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.

50 Datapuwa't inudyukan ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.

51 Datapuwa't ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa Iconio.

52 At ang mga alagad ay nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.

13 Sa iglesia nga na nasa (A)Antioquia ay may mga propeta at mga (B)guro, (C)si Bernabe, at si Simeon na tinatawag na Niger, at si (D)Lucio na taga Cirene, at si Manaen na kapatid sa gatas ni (E)Herodes na tetrarka, at si (F)Saulo.

At nang sila'y nagsisipaglingkod sa Panginoon, at (G)nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing (H)itinawag ko sa kanila.

Nang magkagayon, (I)nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.

Sila nga, palibhasa'y sinugo ng Espiritu Santo, ay nagsilusong sa Seleucia; at buhat doo'y nangaglayag hanggang sa (J)Chipre.

At nang sila'y nasasa Salamina, ay kanilang ipinangaral ang salita ng Dios sa (K)mga sinagoga ng mga Judio: at kanila namang katulong (L)si Juan.

At nang kanilang matahak na ang buong pulo hanggang sa Pafos, ay nakasumpong sila ng (M)isang manggagaway, bulaang propeta, Judio, na ang kaniyang pangalan ay Bar-Jesus;

Na kasama ng (N)proconsul, Sergio Paulo, lalaking matalino. Ito rin ang nagpatawag kay Bernabe at kay Saulo, at minimithing mapakinggan ang salita ng Dios.

Datapuwa't si Elimas na manggagaway (sapagka't ganito nga ang pakahulugan sa kaniyang pangalan) ay humadlang sa kanila, na pinagsisikapang ihiwalay sa pananampalataya ang proconsul.

Datapuwa't si Saulo, na tinatawag ding Pablo, na (O)puspos ng Espiritu Santo, ay itinitig sa kaniya ang kaniyang mga mata,

10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na (P)anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?

11 At ngayon, narito, nasa iyo (Q)ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw (R)na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.

12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.

13 Nagsitulak nga sa (S)Pafos si Pablo at ang kaniyang mga kasama, at sumadsad sa Perga ng Pamfilia: at humiwalay sa kanila si Juan at nagbalik (T)sa Jerusalem.

14 Datapuwa't sila, pagkatahak sa Perga, ay nagsidating sa Antioquia ng Pisidia; at (U)sila'y nagsipasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagsiupo.

15 At pagkatapos ng pagbasa ng (V)kautusan at ng (W)mga propeta, (X)ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na sinasabi, Mga kapatid, kung mayroon kayong (Y)anomang iaaral sa bayan, ay mangagsalita kayo.

16 At nagtindig si Pablo, at ang kamay ay (Z)ikinikiya na nagsabi,

Mga lalaking taga Israel, at kayong nangatatakot sa Dios, magsipakinig kayo.

17 (AA)Hinirang ng Dios nitong bayang Israel ang ating mga magulang, at pinaunlakan ang bayan nang sila'y nakipamayan sa Egipto, at sa pamamagitan (AB)ng taas at unat na kamay ay kaniyang inilabas (AC)sila roon.

18 At nang panahong halos (AD)apat na pung taon, ay kaniyang binata ang mga kaugalian nila sa ilang.

19 At (AE)nang maiwasak na niya ang pitong bansa sa lupaing Canaan, ay ibinigay niya (AF)sa kanila ang kanilang lupain na pinakamana, sa loob ng halos apat na raa't limangpung taon:

20 At (AG)pagkatapos ng mga bagay na ito ay binigyan niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.

21 At pagkatapos ay (AH)nagsihingi sila ng hari: at ibinigay ng Dios (AI)sa kanila si Saul na anak ni Kis na isang (AJ)lalake sa angkan ni Benjamin; sa loob ng apat na pung taon.

22 At nang siya'y alisin niya, ay (AK)ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin namang pinatotohanan niya at sinabi, (AL)Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na isang (AM)lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko.

23 (AN)Sa binhi ng taong ito, (AO)ayon sa pangako, ang Dios ay nagkaloob ng isang (AP)Tagapagligtas, na si Jesus;

24 Noong unang ipangaral ni (AQ)Juan ang bautismo ng pagsisisi sa buong bayang Israel bago siya dumating.

25 At nang ginaganap na ni Juan ang kaniyang katungkulan, ay sinabi niya, (AR)Sino baga ako sa inyong akala? Hindi ako siya. Datapuwa't narito, may isang dumarating sa hulihan ko na hindi ako karapatdapat na magkalag ng mga pangyapak ng kaniyang mga paa.

26 Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at ang mga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, (AS)sa atin ipinadadala ang salita ng kaligtasang ito.

27 Sapagka't silang nangananahan sa Jerusalem at ang mga pinuno nila, dahil sa (AT)hindi nila pagkakilala sa kaniya, ni sa mga tinig ng mga propeta (AU)na sa tuwing sabbath ay binabasa, ay kanilang tinupad (AV)ang hatol sa kaniya.

28 At bagaman (AW)hindi sila nakasumpong sa kaniya ng anomang kadahilanang sukat ipatay, gayon ma'y kanilang hiningi kay Pilato na siya'y patayin.

29 At (AX)nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa kaniya, (AY)ay kanilang ibinaba siya sa punong kahoy, at inilagay siya sa isang libingan.

30 Datapuwa't siya'y binuhay na maguli ng (AZ)Dios sa mga patay:

31 At (BA)siya'y nakitang maraming mga araw ng mga kasama niyang nagsiahon buhat sa Galilea hanggang sa Jerusalem, (BB)na siyang mga saksi niya ngayon sa bayan.

32 At dinadalhan namin kayo ng mabubuting balita ng (BC)pangakong ipinangako sa mga magulang,

33 Na tinupad din ng Dios sa ating mga anak nang muling buhayin niya si Jesus; gaya naman ng nasusulat sa ikalawang awit, (BD)Ikaw ay aking Anak, sa araw na ito ay naging anak kita.

34 At tungkol sa muling binuhay niya, upang ngayon at kailan ma'y huwag nang magbalik sa kabulukan, ay nagsalita siya ng ganito, (BE)Ibibigay ko sa iyo ang banal at tunay na mga pagpapala ni David.

35 Sapagka't sinabi rin naman niya sa ibang awit, (BF)Hindi mo ipagkakaloob na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.

36 Sapagka't si David, nang maipaglingkod na niya sa kaniyang sariling lahi ang pasiya ng Dios, ay natulog, at isinama sa kaniyang mga magulang, at nakakita ng kabulukan.

37 Datapuwa't yaong binuhay na maguli ng Dios ay hindi nakakita ng kabulukan.

38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga kapatid, na (BG)sa pamamagitan ng taong ito'y ibinabalita sa inyo (BH)ang kapatawaran ng mga kasalanan:

39 At sa (BI)pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay (BJ)inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises.

40 Magsipagingat nga kayo, na baka magsisapit sa inyo ang sinalita ng mga propeta:

41 Tingnan ninyo, (BK)mga mapagwalang-halaga, at mangapagilalas kayo, at kayo'y mangaparam:
Sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan,
Isang gawang sa anomang paraa'y hindi ninyo paniniwalaan kung saysayin sa inyo ng sinoman.

42 At pagalis nila, (BL)ay kanilang ipinamanhik na salitain sa kanila ang mga salitang ito sa sabbath na susunod.

43 Nang makaalis nga ang kapisanan sa sinagoga, marami sa mga Judio at nangaging-Judiong masisipag sa kabanalan ay nagsisunod kay Pablo at kay Bernabe; na, sa pagsasalita sa kanila, ay sila'y (BM)hinimok na magsipanatili sa biyaya ng Dios.

44 At nang sumunod na sabbath ay nagkatipon halos ang buong bayan upang pakinggan ang salita ng Dios.

45 Datapuwa't nang makita ng mga Judio ang mga karamihan, ay (BN)nangapuno ng kapanaghilian, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, at nagsipamusong.

46 At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang (BO)salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang (BP)inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, (BQ)kami ay pasasa mga Gentil.

47 Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi,

(BR)Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil,
Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa.

48 At nang marinig ito ng mga Gentil, ay nangagalak sila, at niluwalhati ang salita ng Dios: at nagsisampalataya ang (BS)lahat ng mga itinalaga sa buhay na walang hanggan.

49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.

50 Datapuwa't inudyukan (BT)ng mga Judio ang mga babaing masisipag sa kabanalan na may mga kalagayang (BU)mahal, at ang mga mahal na tao sa bayan, at nangagbangon ng paguusig laban kay Pablo at kay Bernabe, at kanilang pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.

51 Datapuwa't (BV)ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa (BW)Iconio.

52 At ang mga alagad ay (BX)nangapuspos ng kagalakan at (BY)ng Espiritu Santo.

Ipinadala sina Bernabe at Saulo ng Banal na Espiritu

13 Doon sa Antioc ay may mga propeta at mga tagapagturo na miyembro ng iglesya. Silaʼy sina Bernabe, Simeon na tinatawag na Negro, Lucius na taga-Cyrene, Manaen na kababata[a] ni Gobernador Herodes, at si Saulo. Habang sumasamba sila sa Panginoon at nag-aayuno, sinabi ng Banal na Espiritu sa kanila, “Italaga ninyo para sa akin sina Bernabe at Saulo, dahil may ipapagawa ako sa kanila.” Pagkatapos nilang mag-ayuno at manalangin, pinatungan nila sina Bernabe at Saulo ng kanilang mga kamay at pinaalis na sila.

Ang Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero

Kaya pumunta sina Bernabe at Saulo sa Seleucia ayon sa sinabi ng Banal na Espiritu. Mula roon, naglayag sila patungo sa isla ng Cyprus. Pagdating nila roon sa bayan ng Salamis, nangaral sila ng salita ng Dios sa mga sambahan ng mga Judio. Kasama rin nila si Juan Marcos at tumutulong siya sa kanilang gawain. Inikot nila ang buong isla hanggang sa nakarating sila sa bayan ng Pafos. May nakita sila roon na isang Judiong salamangkero na nagkukunwaring propeta ng Dios. Ang pangalan niya ay Bar Jesus. Kaibigan siya ni Sergius Paulus, ang matalinong gobernador ng islang iyon. Ipinatawag ng gobernador sina Bernabe at Saulo dahil gusto niyang makinig ng salita ng Dios. Pero hinadlangan sila ng salamangkerong si Elimas. (Ito ang pangalan ni Bar Jesus sa wikang Griego.) Ginawa niya ang lahat ng paraan para huwag sumampalataya ang gobernador kay Jesus. Pero si Saulo na tinatawag ding Pablo ay napuspos ng Banal na Espiritu, at tinitigan niyang mabuti si Elimas, at sinabi, 10 “Anak ka ng diyablo! Kalaban ka ng lahat ng mabuti! Panay pandaraya at panloloko ang ginagawa mo. Lagi mo na lang binabaligtad ang mga tamang pamamaraan ng Panginoon. 11 Parurusahan ka ngayon ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi makakakita sa loob ng ilang araw.” Dumilim kaagad ang paningin ni Elimas at nabulag siya. Pakapa-kapa siyang nanghagilap ng taong aakay sa kanya. 12 Nang makita ng gobernador ang nangyari kay Elimas, sumampalataya siya, at namangha sa mga katuruan tungkol sa Panginoon.

Nangaral si Pablo sa Antioc ng Pisidia

13 Umalis sina Pablo sa Pafos at bumiyahe papuntang Perga na sakop ng Pamfilia. Pagdating nila roon, iniwan sila ni Juan Marcos, at bumalik siya sa Jerusalem. 14 Sina Pablo ay tumuloy sa Antioc na sakop ng Pisidia. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, pumunta sila sa sambahan ng mga Judio at naupo roon. 15 May nagbasa mula sa Kautusan ni Moises at sa mga isinulat ng mga propeta. Pagkatapos, nag-utos ang namumuno sa sambahan na sabihin ito kina Pablo: “Mga kapatid, kung may sasabihin kayo na makapagpapalakas-loob sa mga tao, sabihin ninyo.” 16 Kaya tumayo si Pablo, at sinenyasan niya ang mga tao na makinig sa kanya. Sinabi niya, “Mga kapwa kong mga Israelita, at kayong mga hindi Israelita na sumasamba rin sa Dios, makinig kayo sa akin! 17 Ang Dios na sinasamba nating mga Israelita ang siyang pumili sa ating mga ninuno. Pinadami niya sila noong nasa Egipto pa sila nakatira. At sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, tinulungan niya sila para makaalis sa Egipto. 18 Sa loob ng 40 taon, pinagtiyagaan niya sila roon sa disyerto. 19 Pagkatapos, nilipol niya ang pitong bansa sa Canaan, at ibinigay niya ang mga lupain ng mga ito sa ating mga ninuno. 20 Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios sa loob ng 450 taon.

“Pagkatapos, binigyan niya sila ng mga taong namuno sa kanila hanggang sa panahon ni Propeta Samuel. 21 Nang humingi sila ng hari, ibinigay sa kanila ng Dios si Saul na anak ni Kish, na mula sa lahi ni Benjamin. Naghari si Saul sa loob ng 40 taon. 22 Nang alisin ng Dios si Saul, ipinalit niya si David bilang hari. Ito ang sinabi ng Dios: ‘Nagustuhan ko si David na anak ni Jesse. Susundin niya ang lahat ng iuutos ko sa kanya.’ ”

23 Sinabi pa ni Pablo sa mga tao, “Sa angkan ni David nagmula si Jesus, ang Tagapagligtas na ipinangako ng Dios sa Israel. 24 Bago pa magsimula si Jesus sa kanyang gawain, nangaral si Juan sa lahat ng Israelita na dapat nilang pagsisihan ang kanilang mga kasalanan at magpabautismo. 25 At nang malapit nang matapos ni Juan ang kanyang gawain, sinabi niya sa mga tao, ‘Marahil, iniisip ninyong ako na nga ang inyong hinihintay. Hindi ako iyon! Pinauna lang ako. Susunod siya sa akin, at sa katunayan hindi ako karapat-dapat man lang na maging alipin niya.’[b]

26 “Mga kapatid, na mula sa lahi ni Abraham at mga hindi Judio na sumasamba rin sa Dios, tayo ang pinadalhan ng Dios ng Magandang Balita tungkol sa kaligtasan. 27 Pero ang mga Judiong nakatira sa Jerusalem at ang kanilang mga pinuno ay hindi kumilala kay Jesus bilang Tagapagligtas. Hindi rin nila nauunawaan ang sinasabi ng mga propeta na binabasa nila tuwing Araw ng Pamamahinga. Pero sila na rin ang tumupad sa mga ipinahayag ng mga propeta nang hatulan nila si Jesus ng kamatayan. 28 Kahit wala silang matibay na ebidensya para patayin siya, hiniling pa rin nila kay Pilato na ipapatay si Jesus. 29 Nang magawa na nila ang lahat ng sinasabi ng Kasulatan na mangyari kay Jesus, kinuha nila siya sa krus at inilibing. 30 Pero muli siyang binuhay ng Dios. 31 At sa loob ng maraming araw, nagpakita siya sa mga taong sumama sa kanya nang umalis siya sa Galilea papuntang Jerusalem. Ang mga taong iyon ang siya ring nangangaral ngayon sa mga Israelita tungkol kay Jesus. 32 At narito kami ngayon upang ipahayag sa inyo ang Magandang Balita na ipinangako ng Dios sa ating mga ninuno, 33 na tinupad niya ngayon sa atin nang muli niyang buhayin si Jesus. Ito ang nasusulat sa ikalawang Salmo,

    ‘Ikaw ang aking anak, at ipapakita ko ngayon na ako ang iyong Ama.’[c]

34 Ipinangako na noon pa ng Dios na bubuhayin niya si Jesus, at ang kanyang katawan ay hindi mabubulok, dahil sinabi niya,

    ‘Ang mga ipinangako ko kay David ay tutuparin ko sa iyo.’[d]

35 At sinabi pa sa isa pang Salmo,

    ‘Hindi ka papayag na mabulok ang katawan ng iyong tapat na lingkod.’[e]

36 Hindi si David ang tinutukoy dito, dahil nang matapos ni David ang ipinapagawa sa kanya ng Dios na maglingkod sa kanyang henerasyon, namatay siya at inilibing sa tabi ng kanyang mga ninuno, at ang kanyang katawan ay nabulok. 37 Ngunit si Jesus na muling binuhay ng Dios ay hindi nabulok. 38-39 Kaya nga mga kapatid, dapat ninyong malaman na sa pamamagitan ni Jesus ay ipinapahayag namin sa inyo ang balita na patatawarin tayo ng Dios sa ating mga kasalanan. Ang sinumang sumasampalataya kay Jesus ay itinuturing ng Dios na matuwid. Hindi ito magagawa sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan ni Moises. 40 Kaya mag-ingat kayo para hindi mangyari sa inyo ang sinabi ng mga propeta,

41 ‘Kayong mga nangungutya, mamamangha kayo sa aking gagawin.
    Mamamatay kayo dahil mayroon akong gagawin sa inyong kapanahunan, na hindi ninyo paniniwalaan kahit na may magsabi pa sa inyo.’ ”[f]

42 Nang palabas na sina Pablo at Bernabe sa sambahan ng mga Judio, inimbitahan sila ng mga tao na muling magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa susunod na Araw ng Pamamahinga. 43 Pagkatapos ng pagtitipon, maraming Judio at mga taong lumipat sa relihiyon ng mga Judio ang sumunod kina Pablo at Bernabe. Pinangaralan sila nina Pablo at Bernabe at pinayuhan na ipagpatuloy ang kanilang pagtitiwala sa biyaya ng Dios.

Bumaling si Pablo sa mga Hindi Judio

44 Nang sumunod na Araw ng Pamamahinga, halos lahat ng naninirahan sa Antioc ay nagtipon sa sambahan ng mga Judio para makinig sa salita ng Panginoon. 45 Nang makita ng mga pinuno ng mga Judio na maraming tao ang dumalo, nainggit sila. Sinalungat nila si Pablo at pinagsalitaan nang hindi maganda. 46 Pero buong tapang silang sinagot nina Pablo at Bernabe, “Dapat sanaʼy sa inyo munang mga Judio ipapangaral ang salita ng Dios. Ngunit dahil tinanggihan ninyo ito, nangangahulugan lang na hindi kayo karapat-dapat bigyan ng buhay na walang hanggan. Kaya mula ngayon, sa mga hindi Judio na kami mangangaral ng Magandang Balita. 47 Sapagkat ito ang utos ng Panginoon sa amin:

    ‘Ginawa kitang ilaw sa mga hindi Judio, upang sa pamamagitan mo ang kaligtasan ay makarating sa buong mundo.’ ”

48 Nang marinig iyon ng mga hindi Judio, natuwa sila at kanilang sinabi, “Kahanga-hanga ang salita ng Panginoon.” At ang lahat ng itinalaga para sa buhay na walang hanggan ay naging mananampalataya.

49 Kaya kumalat ang salita ng Panginoon sa lugar na iyon. 50 Pero sinulsulan ng mga pinuno ng mga Judio ang mga namumuno sa lungsod, pati na rin ang mga relihiyoso at mga kilalang babae, na kalabanin sina Pablo. Kaya inusig nila sina Pablo at Bernabe, at pinalayas sa lugar na iyon. 51 Ipinagpag nina Pablo at Bernabe ang alikabok sa kanilang mga paa bilang babala laban sa kanila. At tumuloy sila sa Iconium. 52 Ang mga tagasunod ni Jesus doon sa Antioc ay puspos ng Banal na Espiritu at masayang-masaya.

Footnotes

  1. 13:1 kababata: o, lumaki sa sambahayan.
  2. 13:25 hindi ako … alipin niya: sa literal, hindi ako karapat-dapat na magkalag ng tali ng kanyang sandalyas.
  3. 13:33 Salmo 2:7.
  4. 13:34 Isa. 55:3.
  5. 13:35 Salmo 16:10.
  6. 13:41 Hab. 1:5.

13 Now in the church at Antioch(A) there were prophets(B) and teachers:(C) Barnabas,(D) Simeon called Niger, Lucius of Cyrene,(E) Manaen (who had been brought up with Herod(F) the tetrarch) and Saul. While they were worshiping the Lord and fasting, the Holy Spirit said,(G) “Set apart for me Barnabas and Saul for the work(H) to which I have called them.”(I) So after they had fasted and prayed, they placed their hands on them(J) and sent them off.(K)

On Cyprus

The two of them, sent on their way by the Holy Spirit,(L) went down to Seleucia and sailed from there to Cyprus.(M) When they arrived at Salamis, they proclaimed the word of God(N) in the Jewish synagogues.(O) John(P) was with them as their helper.

They traveled through the whole island until they came to Paphos. There they met a Jewish sorcerer(Q) and false prophet(R) named Bar-Jesus, who was an attendant of the proconsul,(S) Sergius Paulus. The proconsul, an intelligent man, sent for Barnabas and Saul because he wanted to hear the word of God. But Elymas the sorcerer(T) (for that is what his name means) opposed them and tried to turn the proconsul(U) from the faith.(V) Then Saul, who was also called Paul, filled with the Holy Spirit,(W) looked straight at Elymas and said, 10 “You are a child of the devil(X) and an enemy of everything that is right! You are full of all kinds of deceit and trickery. Will you never stop perverting the right ways of the Lord?(Y) 11 Now the hand of the Lord is against you.(Z) You are going to be blind for a time, not even able to see the light of the sun.”(AA)

Immediately mist and darkness came over him, and he groped about, seeking someone to lead him by the hand. 12 When the proconsul(AB) saw what had happened, he believed, for he was amazed at the teaching about the Lord.

In Pisidian Antioch

13 From Paphos,(AC) Paul and his companions sailed to Perga in Pamphylia,(AD) where John(AE) left them to return to Jerusalem. 14 From Perga they went on to Pisidian Antioch.(AF) On the Sabbath(AG) they entered the synagogue(AH) and sat down. 15 After the reading from the Law(AI) and the Prophets, the leaders of the synagogue sent word to them, saying, “Brothers, if you have a word of exhortation for the people, please speak.”

16 Standing up, Paul motioned with his hand(AJ) and said: “Fellow Israelites and you Gentiles who worship God, listen to me! 17 The God of the people of Israel chose our ancestors; he made the people prosper during their stay in Egypt; with mighty power he led them out of that country;(AK) 18 for about forty years he endured their conduct[a](AL) in the wilderness;(AM) 19 and he overthrew seven nations in Canaan,(AN) giving their land to his people(AO) as their inheritance.(AP) 20 All this took about 450 years.

“After this, God gave them judges(AQ) until the time of Samuel the prophet.(AR) 21 Then the people asked for a king,(AS) and he gave them Saul(AT) son of Kish, of the tribe of Benjamin,(AU) who ruled forty years. 22 After removing Saul,(AV) he made David their king.(AW) God testified concerning him: ‘I have found David son of Jesse, a man after my own heart;(AX) he will do everything I want him to do.’(AY)

23 “From this man’s descendants(AZ) God has brought to Israel the Savior(BA) Jesus,(BB) as he promised.(BC) 24 Before the coming of Jesus, John preached repentance and baptism to all the people of Israel.(BD) 25 As John was completing his work,(BE) he said: ‘Who do you suppose I am? I am not the one you are looking for.(BF) But there is one coming after me whose sandals I am not worthy to untie.’(BG)

26 “Fellow children of Abraham(BH) and you God-fearing Gentiles, it is to us that this message of salvation(BI) has been sent. 27 The people of Jerusalem and their rulers did not recognize Jesus,(BJ) yet in condemning him they fulfilled the words of the prophets(BK) that are read every Sabbath. 28 Though they found no proper ground for a death sentence, they asked Pilate to have him executed.(BL) 29 When they had carried out all that was written about him,(BM) they took him down from the cross(BN) and laid him in a tomb.(BO) 30 But God raised him from the dead,(BP) 31 and for many days he was seen by those who had traveled with him from Galilee to Jerusalem.(BQ) They are now his witnesses(BR) to our people.

32 “We tell you the good news:(BS) What God promised our ancestors(BT) 33 he has fulfilled for us, their children, by raising up Jesus.(BU) As it is written in the second Psalm:

“‘You are my son;
    today I have become your father.’[b](BV)

34 God raised him from the dead so that he will never be subject to decay. As God has said,

“‘I will give you the holy and sure blessings promised to David.’[c](BW)

35 So it is also stated elsewhere:

“‘You will not let your holy one see decay.’[d](BX)

36 “Now when David had served God’s purpose in his own generation, he fell asleep;(BY) he was buried with his ancestors(BZ) and his body decayed. 37 But the one whom God raised from the dead(CA) did not see decay.

38 “Therefore, my friends, I want you to know that through Jesus the forgiveness of sins is proclaimed to you.(CB) 39 Through him everyone who believes(CC) is set free from every sin, a justification you were not able to obtain under the law of Moses.(CD) 40 Take care that what the prophets have said does not happen to you:

41 “‘Look, you scoffers,
    wonder and perish,
for I am going to do something in your days
    that you would never believe,
    even if someone told you.’[e](CE)

42 As Paul and Barnabas were leaving the synagogue,(CF) the people invited them to speak further about these things on the next Sabbath. 43 When the congregation was dismissed, many of the Jews and devout converts to Judaism followed Paul and Barnabas, who talked with them and urged them to continue in the grace of God.(CG)

44 On the next Sabbath almost the whole city gathered to hear the word of the Lord. 45 When the Jews saw the crowds, they were filled with jealousy. They began to contradict what Paul was saying(CH) and heaped abuse(CI) on him.

46 Then Paul and Barnabas answered them boldly: “We had to speak the word of God to you first.(CJ) Since you reject it and do not consider yourselves worthy of eternal life, we now turn to the Gentiles.(CK) 47 For this is what the Lord has commanded us:

“‘I have made you[f] a light for the Gentiles,(CL)
    that you[g] may bring salvation to the ends of the earth.’[h](CM)

48 When the Gentiles heard this, they were glad and honored the word of the Lord;(CN) and all who were appointed for eternal life believed.

49 The word of the Lord(CO) spread through the whole region. 50 But the Jewish leaders incited the God-fearing women of high standing and the leading men of the city. They stirred up persecution against Paul and Barnabas, and expelled them from their region.(CP) 51 So they shook the dust off their feet(CQ) as a warning to them and went to Iconium.(CR) 52 And the disciples(CS) were filled with joy and with the Holy Spirit.(CT)

Footnotes

  1. Acts 13:18 Some manuscripts he cared for them
  2. Acts 13:33 Psalm 2:7
  3. Acts 13:34 Isaiah 55:3
  4. Acts 13:35 Psalm 16:10 (see Septuagint)
  5. Acts 13:41 Hab. 1:5
  6. Acts 13:47 The Greek is singular.
  7. Acts 13:47 The Greek is singular.
  8. Acts 13:47 Isaiah 49:6