Mga Gawa 13:10-12
Ang Biblia (1978)
10 At sinabi, Oh puspos ng lahat ng karayaan at ng lahat ng kasamaan, ikaw na (A)anak ng diablo, ikaw na kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka baga titigil ng pagpapasama sa mga daang matuwid ng Panginoon?
11 At ngayon, narito, nasa iyo (B)ang kamay ng Panginoon, at mabubulag ka, na hindi mo makikita ang araw (C)na kaunting panahon. At pagdaka'y nahulog sa kaniya ang isang ulap at ang isang kadiliman; at siya'y nagpalibot na humahanap ng sa kaniya'y aakay sa kamay.
12 Nang magkagayon, pagkakita ng proconsul sa nangyari, ay nanampalataya, na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.
Read full chapter
Mga Gawa 13:10-12
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
10 at pinagsabihang, “Ikaw! Anak ka ng diyablo! Kaaway ka ng lahat ng katuwiran! Punung-puno ka ng lahat ng pandaraya at panlilinlang! Kailan ka ba titigil sa pagbaluktot sa matutuwid na daan ng Panginoon? 11 Ngayo'y parurusahan ka ng kamay ng Panginoon. Mabubulag ka at hindi mo makikita ang liwanag sa loob ng maikling panahon.”
Noon di'y tinakpan ng maitim na ulap ang mga mata ni Elimas, at siya'y lumibot na humahanap ng aakay sa kanya. 12 Sumampalataya ang gobernador nang makita ang nangyari, sapagkat siya'y namangha sa turo tungkol sa Panginoon.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
