Mga Gawa 10:15-17
Ang Dating Biblia (1905)
15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
16 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
17 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
Read full chapter
Mga Gawa 10:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Muling sinabi sa kanya ng tinig, “Huwag mong ituring na marumi ang nilinis na ng Diyos.” 16 Nangyari ito ng tatlong ulit, at pagkatapos ay agad binatak pataas sa langit ang kumot.
17 Samantalang iniisip ni Pedro kung ano ang kahulugan ng pangitaing iyon, natagpuan naman ng mga taong inutusan ni Cornelio ang bahay ni Simon. Tumayo sila sa harapan ng pintuan
Read full chapter
Mga Gawa 10:15-17
Ang Biblia (1978)
15 At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, (A)Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi.
16 At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
17 Samantalang natitilihang totoo si Pedro sa kaniyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kaniyang nakita, narito, ang mga taong sinugo ni Cornelio, nang maipagtanong ang bahay ni Simon, ay nangagsitayo sa harapan ng pintuan.
Read full chapter
Mga Gawa 10:15-17
Ang Biblia, 2001
15 Muling dumating sa kanya ang tinig sa ikalawang pagkakataon, “Ang nilinis ng Diyos ay huwag mong ituring na marumi.”
16 Ito'y nangyari ng tatlong ulit, at ang bagay ay agad binatak pataas sa langit.
17 Samantalang naguguluhan si Pedro sa kanyang sarili, kung ano ang kahulugan ng pangitaing kanyang nakita, biglang dumating ang mga taong sinugo ni Cornelio. Nang maipagtanong ang bahay ni Simon, tumayo sila sa harapan ng pintuan.
Read full chapter
Gawa 10:15-17
Ang Salita ng Diyos
15 Muli niyang narinig ang tinig sa ikalawang pagkakataon: Anumang nilinis ng Diyos ay huwag mong ipalagay na pangkaraniwan.
16 Ito ay nangyari ng tatlong ulit at muling binatak sa langit ang sisidlan.
17 Totoong nalito si Pedro kung ano ang kahulugan ng pangitain na nakita niya. Narito, nang mga sandaling iyon ay naipagtanong na ng mga taong sinugo ni Cornelio kung saan ang bahay ni Simon. Sila ay tumayo sa tarangkahan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
