Mga Gawa 1:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
18 Ang(A) kabayaran sa kanyang pagtataksil ay ibinili niya ng lupa. Doon siya nahulog nang patiwarik at sumabog ang kanyang tiyan at lumabas ang kanyang bituka. 19 Nabalita iyon sa buong Jerusalem, kaya nga't ang lupang iyon ay tinawag na Akeldama sa kanilang wika, na ang kahulugan ay Bukid ng Dugo.
20 Sinabi(B) pa ni Pedro,
“Nasusulat sa Aklat ng mga Awit,
‘Ang tirahan niya'y tuluyang layuan,
at huwag nang tirhan ninuman.’
Nasusulat din,
‘Gampanan ng iba ang kanyang
tungkulin.’
Mga Gawa 1:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
18 Ang taong ito ay bumili ng bukid mula sa bayad sa pagtataksil. Nang bumagsak siya roon nang patiwarik, pumutok ang kanyang tiyan[a] at sumambulat ang kanyang bituka. 19 Nalaman ito ng lahat ng taga-Jerusalem, kaya nga't tinawag ang bukid na iyon sa kanilang wika na “Akeldama” na ang ibig sabihi'y ‘Ang Bukid ng Dugo.’ 20 Sapagkat nasusulat (A) sa Aklat ng Mga Awit,
‘Hayaang mawalan ng tao ang kanyang tahanan,
at huwag hayaang tumira doon ang sinuman;’ at
‘Hayaang kunin ng iba ang kanyang katungkulan.’
Footnotes
- Mga Gawa 1:18 Sa Griyego, gitna.
Mga Gawa 1:18-20
Ang Biblia (1978)
18 (A)(Kumuha nga ang taong ito ng isang parang sa pamamagitan ng (B)ganti sa kaniyang katampalasanan; at sa pagpapatihulog ng patiwarik, ay pumutok siya sa gitna, at sumambulat ang lahat ng mga laman ng kaniyang tiyan.
19 At ito'y nahayag sa lahat ng mga nagsisitahan sa Jerusalem; ano pa't tinawag ang parang na yaon sa kanilang wika na Aceldama, sa makatuwid baga'y, (C)Ang parang ng Dugo.)
20 Sapagka't nasusulat sa aklat ng Mga Awit,
(D)Bayaang mawalan nawa ng tao ang kaniyang tahanan,
At huwag bayaang manahan doon ang sinoman;
at,
(E)Bayaang kunin ng iba ang kaniyang katungkulan.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978