Mga Bilang 8
Ang Biblia (1978)
Ang pitong ilawan sa santuario.
8 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 Salitain mo kay Aaron, at sabihin mo sa kaniya, (A)Pagsisindi mo ng mga ilawan, ay iyong papagliliwanagin ang pitong ilawan sa harap ng kandelero.
3 At ginawang gayon ni Aaron: kaniyang sinindihan ang mga ilawan upang magliwanag sa harap ng kandelero, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
4 (B)At ito ang pagkayari ng kandelero, gintong niyari sa pamukpok; mula sa tungtungan niyaon hanggang sa mga bulaklak niyaon ay (C)yari sa pamukpok: (D)ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya ginawa ang kandelero.
Paglilinis sa mga Levita.
5 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
6 Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila.
7 At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang linisin sila: (E)iwisik mo sa kanila ang tubig na panglinis ng sala, (F)at kanilang paraanin ang pang-ahit sa buong laman nila, at labhan nila ang kanilang mga suot, at sila'y magpakalinis.
8 (G)Kung magkagayo'y pakunin mo sila ng isang guyang toro at ng handog na harina niyaon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang guyang toro na handog dahil sa kasalanan.
9 (H)At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng tabernakulo ng kapisanan (I)at pipisanin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel:
10 At ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At (J)ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita:
11 At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.
12 (K)At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga guyang toro: at ihandog mo ang isa na pinakahandog dahil sa kasalanan, at ang isa'y pinakahandog na susunugin sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita.
13 At patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak, at ihahandog mo ang mga yaon na pinakahandog na inalog sa Panginoon.
14 Ganito mo ihihiwalay ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay (L)magiging akin.
15 At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.
16 Sapagka't sila'y buong nabigay sa akin sa gitna ng mga anak ni Israel; (M)na kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagsisipagbukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga anak ni Israel.
17 (N)Sapagka't lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel ay akin, maging tao at maging hayop: nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto, ay aking pinapagingbanal para sa akin.
18 At aking kinuha ang mga Levita na kapalit ng lahat ng mga panganay sa gitna ng mga anak ni Israel.
19 At (O)aking ibinigay ang mga Levita na pinaka kaloob kay Aaron at sa kaniyang mga anak mula sa gitna ng mga anak ni Israel (P)upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa tabernakulo ng kapisanan, at upang magsigawa ng pangtubos sa mga anak ni Israel, upang huwag magkaroon ng salot sa gitna ng mga anak ni Israel, pagka ang mga anak ni Israel, ay lumalapit sa santuario.
20 Ganito ang ginawa ni Moises, at ni Aaron, at ng buong kapisanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita: ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila.
21 (Q)At ang mga Levita ay nagsipaglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at nagsipaglaba ng kanilang mga damit; at inihandog ni (R)Aaron sila na pinaka handog na inalog sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay naggawa ng pangtubos sa kanila upang linisin sila.
22 At pagkatapos niyaon ay nagsipasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan sa harap ni Aaron at sa harap ng kaniyang mga anak: kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ang ginawa nila sa kanila.
23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24 Ito ang nauukol sa mga Levita: (S)mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan.
25 At mula sa limang pung taong gulang ay titigil sila sa paglilingkod sa gawain at hindi na sila maglilingkod;
26 Nguni't sila'y mangangasiwa ng kanilang mga kapatid sa tabernakulo ng kapisanan, (T)upang ingatan ang katungkulan, at sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.
Mga Bilang 8
Ang Biblia, 2001
Ang Pitong Ilaw sa Santuwaryo
8 Nagsalita(A) ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
2 “Sabihin mo kay Aaron, ‘Kapag sinindihan mo ang mga ilaw ay magbibigay liwanag ang pitong ilaw sa harap ng ilawan.’”
3 At gayon ang ginawa ni Aaron. Kanyang sinindihan ang mga ilaw upang magliwanag sa harap ng ilawan, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.
4 Ito ang pagkagawa ng ilawan, na yari sa gintong pinitpit; mula sa patungan niyon hanggang sa mga bulaklak niyon ay pinitpit ayon sa anyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises ay gayon niya ginawa ang ilawan.
Paglilinis sa mga Levita
5 Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
6 “Kunin mo ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel at linisin mo sila.
7 At ganito ang gagawin mo sa kanila, upang maging malinis sila. Iwisik mo sa kanila ang tubig na panlinis ng kasalanan, ahitan nila ang buong katawan nila, labhan nila ang kanilang mga suot, at sa gayo'y lilinisan nila ang kanilang sarili.
8 Kumuha sila ng isang batang toro at ng handog na butil niyon, na mainam na harina na hinaluan ng langis, at kukuha ka ng ibang batang toro na handog pangkasalanan.
9 Ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng toldang tipanan at titipunin mo ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel.
10 Ihaharap mo ang mga Levita sa harap ng Panginoon. At ipapatong ng mga anak ni Israel ang kanilang mga kamay sa mga Levita.
11 Ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon bilang handog na iwinagayway sa mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.
12 At ipapatong ng mga Levita ang kanilang mga kamay sa mga ulo ng mga batang toro at ihandog mo ang isa na handog pangkasalanan, at ang isa'y handog na sinusunog sa Panginoon, upang itubos sa mga Levita.
13 Patayuin mo ang mga Levita sa harap ni Aaron at ng kanyang mga anak, at ihahandog mo ang mga iyon bilang handog na iwinagayway sa Panginoon.
14 “Ganito mo ibubukod ang mga Levita mula sa mga anak ni Israel at ang mga Levita ay magiging akin.
15 Pagkatapos nito ay papasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa toldang tipanan pagkatapos na malinisan mo sila bilang handog na iwinagayway.
16 Sapagkat sila'y buong ibinigay sa akin mula sa mga anak ni Israel; kinuha ko silang kapalit ng lahat ng nagbubukas ng bahay-bata, ng mga panganay sa lahat ng mga Israelita.
17 Sapagkat(B) lahat ng mga panganay sa mga Israelita ay akin, maging tao o hayop. Nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Ehipto ay aking itinalaga sila para sa akin.
18 At aking kinuha ang mga Levita sa halip na ang lahat ng mga panganay sa mga Israelita.
19 Aking ibinigay ang mga Levita na kaloob kay Aaron at sa kanyang mga anak mula sa mga anak ni Israel upang gawin nila ang paglilingkod sa mga anak ni Israel sa toldang tipanan, upang ipantubos sa mga anak ni Israel, at nang huwag magkaroon ng salot sa mga anak ni Israel kapag ang mga anak ni Israel ay lumalapit sa santuwaryo.”
20 Ganito ang ginawa nina Moises at Aaron, at ng buong sambayanan ng mga anak ni Israel sa mga Levita. Ayon sa lahat ng iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita, ay gayon ginawa ng mga anak ni Israel sa kanila.
21 Ang mga Levita ay naglinis ng kanilang sarili sa kasalanan, at naglaba ng kanilang mga damit. Sila'y inihandog ni Aaron bilang handog na iwinagayway sa harap ng Panginoon; at si Aaron ay gumawa ng pagtubos sa kanila upang linisin sila.
22 At pagkatapos niyon ay pumasok ang mga Levita upang gawin ang kanilang paglilingkod sa toldang tipanan sa harap ni Aaron at ng kanyang mga anak. Kung paano ang iniutos ng Panginoon kay Moises tungkol sa mga Levita ay gayon ang ginawa nila sa kanila.
23 Nagsalita ang Panginoon kay Moises, na sinasabi,
24 “Ito ang nauukol sa mga Levita: mula dalawampu't limang taong gulang pataas ay papasok upang gampanan ang gawaing paglilingkod sa toldang tipanan.
25 Mula sa limampung taong gulang ay titigil sila sa katungkulan sa paglilingkod at hindi na sila maglilingkod.
26 Ngunit sila'y maaaring tumulong sa kanilang mga kapatid sa toldang tipanan sa pagsasagawa ng kanilang mga katungkulan, ngunit sila'y walang gagawing paglilingkod. Gayon ang gagawin mo sa mga Levita tungkol sa kanilang mga katungkulan.”
Bilang 8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Paglalagay ng mga Ilaw
8 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 2 “Sabihin mo kay Aaron na kung ilalagay na niya ang pitong ilaw, kailangan na maliwanagan ng ilaw ang lugar sa harapan ng lalagyan nito.”
3 Kaya ginawa ito ni Aaron; inilagay niya ang mga ilaw na ang sinag nito ay nagliliwanag sa harapan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. 4 Ang buong lalagyan ng ilaw, mula sa ilalim hanggang sa itaas ay ginawa mula sa ginto ayon sa disenyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises.
Ang Pagtatalaga ng mga Levita
5 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 6 “Ibukod ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at linisin sila.[a] 7 Ganito ang gagawin mong paglilinis sa kanila: wisikan mo sila ng tubig na ginagamit sa paglilinis, ahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang mga damit. Pagkatapos nito ay ituturing na silang malinis. 8 Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng batang toro at ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagpaparangal sa Panginoon. Pagdalhin mo rin sila ng isa pang batang toro bilang handog sa paglilinis.
9 “Pagkatapos, tipunin mo ang buong mamamayan ng Israel at italaga ang mga Levita sa harap ng Toldang Tipanan. 10 Dalhin mo ang mga Levita sa aking presensya at ipapatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga ulo nito. 11 Si Aaron ang magtatalaga sa kanila sa aking presensya bilang espesyal na handog[b] mula sa mga Israelita, para makapaglingkod sila sa akin.
12 “Pagkatapos, ipapatong ng mga Levita ang mga kamay nila sa ulo ng dalawang toro na handog para sa akin. Ang isa ay bilang handog sa paglilinis at ang isa naman ay bilang handog na sinusunog, para mapatawad sila sa kanilang mga kasalanan. 13 At patatayuin sila sa harapan ni Aaron at ng mga anak niyang lalaki, at itatalaga sila bilang espesyal na handog sa akin. 14 Sa pamamagitan nito, ibubukod mo ang mga Levita sa ibang mga Israelita, at magiging akin sila.
15 “Pagkatapos na malinisan mo ang mga Levita at maitalaga sila sa akin bilang espesyal na handog, makapaglilingkod na sila sa Toldang Tipanan. 16 Sila ang mga Israelita na ibinukod para lang sa akin kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng mga Israelita. 17 Dahil ang bawat panganay sa Israel ay akin, tao man o hayop. Nang pinagpapatay ko ang lahat ng panganay ng mga Egipcio, ibinukod ko para sa akin ang lahat ng panganay na lalaki ng Israel. 18 At kinuha ko ang mga Levita kapalit ng lahat ng panganay na lalaki ng Israel. 19 Sa lahat ng mga Israelita, ang mga Levita ang pinili ko na tumulong kay Aaron at sa mga anak niyang lalaki. Maglilingkod sila sa Toldang Tipanan para sa mga Israelita, at gagawa sila ng mga seremonya para sa kapatawaran ng kasalanan ng mga Israelita, para walang panganib na dumating sa kanila kapag lumapit sila sa Toldang Tipanan.”
20 Kaya itinalaga nila Moises, Aaron at ng buong mamamayan ng Israel ang mga Levita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. 21 Naglinis ang mga Levita ng kanilang sarili at nilabhan nila ang kanilang mga damit. Pagkatapos, itinalaga sila ni Aaron sa presensya ng Panginoon bilang espesyal na handog, at gumawa si Aaron ng seremonya para sa kapatawaran ng mga kasalanan nila, at para maituring silang malinis. 22 Pagkatapos noon, naglingkod na ang mga Levita sa Toldang Tipanan sa ilalim ng pamamahala ni Aaron at ng mga anak niya. Kaya ginawa nila sa mga Levita ang iniutos ng Panginoon kay Moises.
23 Sinabi ng Panginoon kay Moises, 24 “Para sa mga Levita ang mga tuntuning ito: Magsisimula ang mga Levita sa paglilingkod sa Toldang Tipanan sa edad na 25, 25 at titigil sila sa paglilingkod sa edad na 50. At kapag magreretiro na sila, 26 maaari silang makatulong sa kapwa nila Levita sa pamamagitan ng paglilingkod bilang tagapagbantay sa Tolda, pero hindi na sila gagawa ng mga gawain sa Tolda. Ganito ang paraan kung paano mo ibibigay ang mga tungkulin sa mga Levita.”
Numbers 8
New International Version
Setting Up the Lamps
8 The Lord said to Moses, 2 “Speak to Aaron and say to him, ‘When you set up the lamps, see that all seven light up the area in front of the lampstand.(A)’”
3 Aaron did so; he set up the lamps so that they faced forward on the lampstand, just as the Lord commanded Moses. 4 This is how the lampstand was made: It was made of hammered gold(B)—from its base to its blossoms. The lampstand was made exactly like the pattern(C) the Lord had shown Moses.
The Setting Apart of the Levites
5 The Lord said to Moses: 6 “Take the Levites from among all the Israelites and make them ceremonially clean.(D) 7 To purify them, do this: Sprinkle the water of cleansing(E) on them; then have them shave their whole bodies(F) and wash their clothes.(G) And so they will purify themselves.(H) 8 Have them take a young bull with its grain offering of the finest flour mixed with olive oil;(I) then you are to take a second young bull for a sin offering.[a](J) 9 Bring the Levites to the front of the tent of meeting(K) and assemble the whole Israelite community.(L) 10 You are to bring the Levites before the Lord, and the Israelites are to lay their hands on them.(M) 11 Aaron is to present the Levites before the Lord as a wave offering(N) from the Israelites, so that they may be ready to do the work of the Lord.
12 “Then the Levites are to lay their hands on the heads of the bulls,(O) using one for a sin offering(P) to the Lord and the other for a burnt offering,(Q) to make atonement(R) for the Levites. 13 Have the Levites stand in front of Aaron and his sons and then present them as a wave offering(S) to the Lord. 14 In this way you are to set the Levites apart from the other Israelites, and the Levites will be mine.(T)
15 “After you have purified the Levites and presented them as a wave offering,(U) they are to come to do their work at the tent of meeting.(V) 16 They are the Israelites who are to be given wholly to me. I have taken them as my own in place of the firstborn,(W) the first male offspring(X) from every Israelite woman. 17 Every firstborn male in Israel, whether human or animal,(Y) is mine. When I struck down all the firstborn in Egypt, I set them apart for myself.(Z) 18 And I have taken the Levites in place of all the firstborn sons in Israel.(AA) 19 From among all the Israelites, I have given the Levites as gifts to Aaron and his sons(AB) to do the work at the tent of meeting on behalf of the Israelites(AC) and to make atonement for them(AD) so that no plague will strike the Israelites when they go near the sanctuary.”
20 Moses, Aaron and the whole Israelite community did with the Levites just as the Lord commanded Moses. 21 The Levites purified themselves and washed their clothes.(AE) Then Aaron presented them as a wave offering before the Lord and made atonement(AF) for them to purify them.(AG) 22 After that, the Levites came to do their work(AH) at the tent of meeting under the supervision of Aaron and his sons. They did with the Levites just as the Lord commanded Moses.
23 The Lord said to Moses, 24 “This applies to the Levites: Men twenty-five years old or more(AI) shall come to take part in the work at the tent of meeting,(AJ) 25 but at the age of fifty,(AK) they must retire from their regular service and work no longer. 26 They may assist their brothers in performing their duties at the tent of meeting, but they themselves must not do the work.(AL) This, then, is how you are to assign the responsibilities of the Levites.”
Footnotes
- Numbers 8:8 Or purification offering; also in verse 12
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

