Font Size
Mga Bilang 21:2-4
Magandang Balita Biblia
Mga Bilang 21:2-4
Magandang Balita Biblia
2 Kaya ang mga Israelita'y gumawa ng panata kay Yahweh. Sabi nila, “Tulungan ninyo kaming talunin ang mga taong ito at wawasakin namin ang kanilang mga lunsod para sa iyo.” 3 Dininig naman sila ni Yahweh. Kaya, nang mabihag nila ang mga Cananeo ay winasak nga nila ang lunsod ng mga ito, at tinawag nilang Horma[a] ang lugar na iyon.
Ang mga Makamandag na Ahas
4 Mula(A) sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga Israelita patungong Dagat na Pula[b] upang iwasan ang Edom. Subalit nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay.
Read full chapterFootnotes
- Mga Bilang 21:3 HORMA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng pangalang ito ay “pagkawasak”.
- Mga Bilang 21:4 Dagat na Pula: o kaya'y Dagat ng mga Tambo .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.