Add parallel Print Page Options
'Mga Bilang 1 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Binilang ang mga Lalaking Maaaring Makipaglaban

Ang(A) Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa toldang tipanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkalabas nila sa lupain ng Ehipto, na sinasabi:

“Bilangin mo ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, sa mga sambahayan ng kani-kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawat lalaki, bawat isa.

Mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat sa Israel na maaaring lumaban sa digmaan, sila ay bibilangin mo at ni Aaron, ayon sa kanilang mga hukbo.

Magsasama kayo ng isang lalaki mula sa bawat lipi; na bawat isa'y pinuno sa sambahayan ng kanyang mga ninuno.

Ito ang mga pangalan ng mga lalaki na tutulong sa inyo. Mula kay Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur;

kay Simeon: si Selumiel na anak ni Zurishadai;

kay Juda: si Naashon na anak ni Aminadab;

kay Isacar: si Natanael na anak ni Suar;

sa lipi ni Zebulon: si Eliab na anak ni Helon;

10 sa mga anak ni Jose: kay Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; kay Manases: si Gamaliel na anak ni Pedasur;

11 kay Benjamin: si Abidan na anak ni Gideoni;

12 kay Dan: si Ahiezer na anak ni Amisadai;

13 kay Aser: si Fegiel na anak ni Ocran;

14 kay Gad: si Eliasaf na anak ni Deuel;[a]

15 kay Neftali: si Ahira na anak ni Enan.”

16 Ito ang mga pinili mula sa kapulungan, na mga pinuno sa mga lipi ng kani-kanilang mga ninuno. Sila ang mga puno ng mga angkan ng Israel.

17 Dinala nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na inilagay sa tungkulin sa pamamagitan ng kanya-kanyang pangalan.

18 At kanilang tinipon ang buong kapulungan nang unang araw ng ikalawang buwan, na nagpatala ayon sa kani-kanilang angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, bawat isa,

19 ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. Gayon niya binilang sila sa ilang ng Sinai.

20 At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, bawat isa, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

21 ang bilang ng lipi ni Ruben ay apatnapu't anim na libo at limang daan.

22 Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno ay nabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, ayon sa dami nila, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

23 ang bilang ng lipi ni Simeon ay limampu't siyam na libo at tatlong daan.

24 Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

25 ang bilang ng lipi ni Gad ay apatnapu't limang libo at animnaraan at limampu.

26 Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

27 ang bilang ng lipi ni Juda, ay pitumpu't apat na libo at animnaraan.

28 Sa mga anak ni Isacar, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

29 ang bilang ng lipi ni Isacar ay limampu't apat na libo at apatnaraan.

30 Sa mga anak ni Zebulon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

31 ang bilang ng lipi ni Zebulon ay limampu't pitong libo at apatnaraan.

32 Sa mga anak ni Jose, na sa mga anak ni Efraim, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

33 ang bilang ng lipi ni Efraim ay apatnapung libo at limang daan.

34 Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

35 ang bilang ng lipi ni Manases ay tatlumpu't dalawang libo at dalawandaan.

36 Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

37 ang bilang ng lipi ni Benjamin ay tatlumpu't limang libo at apatnaraan.

38 Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

39 ang bilang ng lipi ni Dan ay animnapu't dalawang libo at pitong daan.

40 Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

41 ang bilang ng lipi ni Aser ay apatnapu't isang libo at limang daan.

42 Sa mga anak ni Neftali, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

43 ang bilang ng lipi ni Neftali ay limampu't tatlong libo at apatnaraan.

44 Ito ang mga nabilang na binilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang lalaki na mga pinuno ng Israel; bawat isa sa kanila'y kumakatawan sa sambahayan ng kanya-kanyang mga ninuno.

45 Kaya't lahat ng nabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan mula sa Israel,

46 lahat ng nabilang ay animnaraan at tatlong libo limang daan at limampu.

Ang mga Levita ay Hindi Binilang

47 Subalit ang mga Levita ay hindi binilang na kasama ayon sa lipi ng kanilang mga ninuno.

48 Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises,

49 “Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni hindi mo kukunin ang bilang nila sa mga anak ni Israel;

50 kundi itatalaga mo ang mga Levita sa tolda ng patotoo, at sa lahat ng kasangkapan niyon, at sa lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tolda, at ang lahat ng kasangkapan niyon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y magkakampo sa palibot ng tolda.

51 Kapag ililipat ang tolda, tatanggalin ito ng mga Levita at kapag itatayo ang tolda ay itatayo ng mga Levita at ang sinumang ibang lumapit ay papatayin.

52 Ang ibang mga Israelita ay magtatayo ng kanilang mga tolda, ayon sa kani-kanilang pangkat.

53 Subalit ang mga Levita ay magkakampo sa palibot ng tolda ng patotoo, upang huwag magkaroon ng poot sa sambayanan ng mga anak ni Israel. Ang mga Levita ang mangangasiwa ng tolda ng patotoo.”

54 Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.

Footnotes

  1. Mga Bilang 1:14 tinatawag na Reuel.

At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa tabernakulo ng kapisanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkatapos na makaalis sila sa lupain ng Egipto, na sinasabi,

Bilangin mo ang buong kapisanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, ayon sa mga sangbahayan ng kanikanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawa't lalake ayon sa dami ng mga ulo nila;

Mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa Israel sa pakikibaka, na bibilangin ninyo at ni Aaron sila ayon sa kanilang mga hukbo.

At magsasama kayo ng isang lalake ng bawa't lipi; na bawa't isa'y pangulo sa sangbahayan ng kaniyang mga magulang.

At ito ang mga pangalan ng mga lalake na sasama sa inyo. Sa lipi ni Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur.

Sa lipi ni Simeon; si Selumiel na anak ni Zurisaddai.

Sa lipi ni Juda; si Naason na anak ni Aminadab.

Sa lipi ni Issachar; si Nathanael na anak ni Suar.

Sa lipi ni Zabulon; si Eliab na anak ni Helon.

10 Sa mga anak ni Jose: sa lipi ni Ephraim; si Elisama na anak ni Ammiud: sa lipi ni Manases; si Gamaliel na anak ni Pedasur.

11 Sa lipi ni Benjamin; si Abidan na anak ni Gedeon.

12 Sa lipi ni Dan; si Ahiezer na anak ni Ammisaddai.

13 Sa lipi ni Aser; si Phegiel na anak ni Ocran.

14 Sa lipi ni Gad; si Eliasaph na anak ni Deuel.

15 Sa lipi ni Nephtali; si Ahira na anak ni Enan.

16 Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.

17 At dinala ni Moises at ni Aaron ang mga lalaking ito na nasaysay sa pamamagitan ng kanikaniyang pangalan:

18 At kanilang pinisan ang buong kapisanan nang unang araw ng ikalawang buwan; at kanilang sinaysay ang kanikaniyang kanunuan ayon sa kanikanilang angkan, sangayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, ayon sa dami ng mga ulo nila.

19 Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon niya binilang sa ilang ng Sinai.

20 At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng kanilang mga ulo, bawa't lalake mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

21 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Ruben, ay apat na pu't anim na libo at limang daan.

22 Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ay nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, sangayon sa dami ng mga ulo nila, bawa't lalaking mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

23 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Simeon, ay limang pu't siyam na libo at tatlong daan.

24 Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka,

25 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Gad, ay apat na pu't limang libo at anim na raan at limang pu.

26 Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

27 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Juda, ay pitong pu't apat na libo at anim na raan.

28 Sa mga anak ni Issachar, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

29 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan.

30 Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

31 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.

32 Sa mga anak ni Jose, sa mga anak ni Ephraim, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

33 Ay nangabilang sa kanila sa lipi ni Ephraim, ay apat na pung libo at limang daan.

34 Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

35 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Manases, ay tatlong pu't dalawang libo at dalawang daan.

36 Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

37 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Benjamin, ay tatlong pu't limang libo at apat na raan.

38 Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

39 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Dan, ay anim na pu't dalawang libo at pitong daan.

40 Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

41 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Aser, ay apat na pu't isang libo at limang daan.

42 Sa mga anak ni Nephtali, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;

43 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Nephtali, ay limang pu't tatlong libo at apat na raan.

44 Ito ang nangabilang na binilang ni Moises at ni Aaron at ng labing dalawang lalake, na mga pangulo sa Israel: na bawa't isa sa kanila'y sa sangbahayan ng kanikaniyang mga magulang.

45 Kaya't lahat ng nangabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng sa Israel ay makalalabas sa pakikibaka:

46 Lahat ng nangabilang ay anim na raan at tatlong libo at limang daan at limang pu.

47 Datapuwa't ang mga Levita ayon sa lipi ng kanilang mga magulang ay hindi ibinilang sa kanila.

48 Sapagka't sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

49 Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni di mo ilalahok ang bilang nila sa mga anak ni Israel:

50 Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.

51 At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

52 At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo.

53 Datapuwa't ang mga Levita ay magsisitayo sa palibot ng tabernakulo ng patotoo, upang huwag magtaglay ng galit sa kapisanan ng mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay mamahala ng tabernakulo ng patotoo.

54 Gayon ginawa ng mga anak ni Israel; ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayon nila ginawa.

Ang Unang Sensus sa Israel

Noong unang araw ng ikalawang buwan, nang ikalawang taon mula nang lumabas ang mga Israelita sa Egipto, sinabi ng Panginoon kay Moises doon sa Toldang Tipanan sa disyerto ng Sinai. Sabi niya, “Isensus ninyo ang buong mamamayan ng Israel ayon sa kanilang lahi at pamilya. Ilista ninyo ang pangalan ng lahat ng lalaki na may edad 20 taong gulang pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo. Kayong dalawa ni Aaron ang mamamahala sa sensus ng bawat lahi ng Israel. Tutulong sa inyo ang pinuno ng bawat lahi.” 5-15 Ito ang pangalan ng mga taong tutulong sa inyo:

Lahi Pinuno
ReubenElizur na anak ni Sedeur
SimeonSelumiel na anak ni Zurishadai
JudaNashon na anak ni Aminadab
IsacarNetanel na anak ni Zuar
ZebulunEliab na anak ni Helon
Efraim na anak ni JoseElishama na anak ni Amihud
Manase na anak ni JoseGamaliel na anak ni Pedazur
BenjaminAbidan na anak ni Gideoni
DanAhiezer na anak ni Amishadai
AsherPagiel na anak ni Ocran
GadEliasaf na anak ni Deuel
NaftaliAhira na anak ni Enan.

16 Sila ang mga pinuno ng mga lahing pinili mula sa mga mamamayan ng Israel.

17-18 Kasama ng mga pinunong ito, tinipon nina Moises at Aaron ang lahat ng mga Israelita nang araw ding iyon. Inilista nila ang lahat ng lalaking may edad na 20 taong gulang pataas, ayon sa kanilang lahi at pamilya. 19 Inilista sila ni Moises doon sa disyerto ng Sinai, ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

20-43 Ito ang bilang ng mga lalaking may edad 20 pataas na may kakayahan sa paglilingkod bilang sundalo, na nailista ayon sa kanilang lahi at pamilya:

Lahi Bilang
Reuben (ang panganay ni Jacob[a])46,500
Simeon59,300
Gad45,650
Juda74,600
Isacar54,400
Zebulun57,400
Efraim na anak ni Jose40,500
Manase na anak ni Jose32,200
Benjamin35,400
Dan62,700
Asher41,500
Naftali53,400

44-45 Sila ang mga lalaking nabilang nina Moises at Aaron at ng 12 pinuno ng Israel. Ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa kani-kanilang pamilya. Sila ay 20 taong gulang pataas at may kakayahang maging sundalo ng Israel. 46 Ang kabuuang bilang nila ay 603,550 lahat. 47 Pero hindi kasama rito ang mga lahi ni Levi. 48 Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises, 49 “Huwag ninyong isama ang lahi ni Levi sa sensus kasama ng ibang mga Israelita, na magsisilbi sa panahon ng labanan. 50 Sa halip, ibigay sa kanila ang responsibilidad na pamahalaan ang Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos at ng lahat ng kagamitan nito. Sila ang magdadala ng Tolda at ng lahat ng kagamitan nito, at kailangang pangalagaan nila ito at magkampo sila sa paligid nito. 51 Kapag lilipat na ang Tolda, sila ang magliligpit nito. At kung itatayo naman, sila rin ang magtatayo nito. Ang sinumang gagawa ng ganitong gawain sa Tolda na hindi Levita ay papatayin. 52 Magkakampo ang mga Israelita ayon sa bawat lahi nila, at may bandila ang bawat lahi. 53 Pero ang mga Levita ay magkakampo sa paligid ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos, para hindi ako magalit sa mga mamamayan ng Israel. Ang mga Levita ang responsable sa pangangalaga ng Tolda na kinalalagyan ng aking mga utos.”

54 Ginawa itong lahat ng mga Israelita ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

Footnotes

  1. 1:20-43 Jacob: sa Hebreo, Israel.