Add parallel Print Page Options

Ang Unang Sensus sa Israel

Noong(A) unang araw ng ikalawang buwan matapos umalis sa Egipto ang sambayanang Israel, si Yahweh ay nangusap kay Moises habang siya'y nasa loob ng Toldang Tipanan na noo'y nasa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh, “Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng buong sambayanan ng Israel ayon sa kani-kanilang angkan at lipi. Ilista ninyo ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng maaari nang lumaban sa digmaan. Magpatulong ka kay Aaron at sa pinuno ng bawat angkan.” 5-16 Ito ang mga pinuno ng bawat lipi na tutulong sa iyo:

LipiPinuno
RubenElizur na anak ni Sedeur
SimeonSelumiel na anak ni Zurisadai
JudaNaason na anak ni Aminadab
IsacarNathanael na anak ni Zuar
ZebulunEliab na anak ni Helon
EfraimElisama na anak ni Amiud
ManasesGamaliel na anak ni Pedazur
BenjaminAbidan na anak ni Gideoni
DanAhiezer na anak ni Amisadai
AsherPagiel na anak ni Ocran
GadEliasaf na anak ni Deuel
NeftaliAhira na anak ni Enan

17 Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron, 18 at noong unang araw ng ikalawang buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi. 19 Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.

20-43 Ito ang kanilang naitala:

LipiBilang
Ruben46,500
Simeon59,300
Gad5,650
Juda74,600
Isacar54,400
Zebulun57,400
Efraim40,500
Manases32,200
Benjamin35,400
Dan62,700
Asher41,500
Neftali53,400

44-45 Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel. 46 Ang kabuuang bilang ay 603,550.

Ang Paghirang sa mga Levita

47 Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito 48 sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises: 49 “Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita. 50 Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito. 51 Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin. 52 Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat. 53 Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, sapagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na paparusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.” 54 Ang lahat ng mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod ng mga Israelita.

'Mga Bilang 1 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Binilang ang mga Lalaking Maaaring Makipaglaban

Ang(A) Panginoon ay nagsalita kay Moises sa ilang ng Sinai sa toldang tipanan, nang unang araw ng ikalawang buwan, sa ikalawang taon pagkalabas nila sa lupain ng Ehipto, na sinasabi:

“Bilangin mo ang buong sambayanan ng mga anak ni Israel, ayon sa mga angkan nila, sa mga sambahayan ng kani-kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, bawat lalaki, bawat isa.

Mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat sa Israel na maaaring lumaban sa digmaan, sila ay bibilangin mo at ni Aaron, ayon sa kanilang mga hukbo.

Magsasama kayo ng isang lalaki mula sa bawat lipi; na bawat isa'y pinuno sa sambahayan ng kanyang mga ninuno.

Ito ang mga pangalan ng mga lalaki na tutulong sa inyo. Mula kay Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur;

kay Simeon: si Selumiel na anak ni Zurishadai;

kay Juda: si Naashon na anak ni Aminadab;

kay Isacar: si Natanael na anak ni Suar;

sa lipi ni Zebulon: si Eliab na anak ni Helon;

10 sa mga anak ni Jose: kay Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; kay Manases: si Gamaliel na anak ni Pedasur;

11 kay Benjamin: si Abidan na anak ni Gideoni;

12 kay Dan: si Ahiezer na anak ni Amisadai;

13 kay Aser: si Fegiel na anak ni Ocran;

14 kay Gad: si Eliasaf na anak ni Deuel;[a]

15 kay Neftali: si Ahira na anak ni Enan.”

16 Ito ang mga pinili mula sa kapulungan, na mga pinuno sa mga lipi ng kani-kanilang mga ninuno. Sila ang mga puno ng mga angkan ng Israel.

17 Dinala nina Moises at Aaron ang mga lalaking ito na inilagay sa tungkulin sa pamamagitan ng kanya-kanyang pangalan.

18 At kanilang tinipon ang buong kapulungan nang unang araw ng ikalawang buwan, na nagpatala ayon sa kani-kanilang angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, bawat isa,

19 ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises. Gayon niya binilang sila sa ilang ng Sinai.

20 At ang mga anak ni Ruben, na panganay ni Israel, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at sa bilang ng mga pangalan, bawat isa, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

21 ang bilang ng lipi ni Ruben ay apatnapu't anim na libo at limang daan.

22 Sa mga anak ni Simeon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno ay nabilang sa kanila, ayon sa bilang ng mga pangalan, ayon sa dami nila, bawat lalaki mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

23 ang bilang ng lipi ni Simeon ay limampu't siyam na libo at tatlong daan.

24 Sa mga anak ni Gad, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

25 ang bilang ng lipi ni Gad ay apatnapu't limang libo at animnaraan at limampu.

26 Sa mga anak ni Juda, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

27 ang bilang ng lipi ni Juda, ay pitumpu't apat na libo at animnaraan.

28 Sa mga anak ni Isacar, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

29 ang bilang ng lipi ni Isacar ay limampu't apat na libo at apatnaraan.

30 Sa mga anak ni Zebulon, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

31 ang bilang ng lipi ni Zebulon ay limampu't pitong libo at apatnaraan.

32 Sa mga anak ni Jose, na sa mga anak ni Efraim, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

33 ang bilang ng lipi ni Efraim ay apatnapung libo at limang daan.

34 Sa mga anak ni Manases, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, ayon sa bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

35 ang bilang ng lipi ni Manases ay tatlumpu't dalawang libo at dalawandaan.

36 Sa mga anak ni Benjamin, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

37 ang bilang ng lipi ni Benjamin ay tatlumpu't limang libo at apatnaraan.

38 Sa mga anak ni Dan, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

39 ang bilang ng lipi ni Dan ay animnapu't dalawang libo at pitong daan.

40 Sa mga anak ni Aser, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

41 ang bilang ng lipi ni Aser ay apatnapu't isang libo at limang daan.

42 Sa mga anak ni Neftali, ang kanilang mga salinlahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa sambahayan ng kanilang mga ninuno, at bilang ng mga pangalan, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan:

43 ang bilang ng lipi ni Neftali ay limampu't tatlong libo at apatnaraan.

44 Ito ang mga nabilang na binilang nina Moises at Aaron at ng labindalawang lalaki na mga pinuno ng Israel; bawat isa sa kanila'y kumakatawan sa sambahayan ng kanya-kanyang mga ninuno.

45 Kaya't lahat ng nabilang sa mga anak ni Israel, ayon sa mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, mula dalawampung taong gulang pataas, lahat ng maaaring lumaban sa digmaan mula sa Israel,

46 lahat ng nabilang ay animnaraan at tatlong libo limang daan at limampu.

Ang mga Levita ay Hindi Binilang

47 Subalit ang mga Levita ay hindi binilang na kasama ayon sa lipi ng kanilang mga ninuno.

48 Sapagkat sinabi ng Panginoon kay Moises,

49 “Ang lipi lamang ni Levi ang hindi mo bibilangin, ni hindi mo kukunin ang bilang nila sa mga anak ni Israel;

50 kundi itatalaga mo ang mga Levita sa tolda ng patotoo, at sa lahat ng kasangkapan niyon, at sa lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tolda, at ang lahat ng kasangkapan niyon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y magkakampo sa palibot ng tolda.

51 Kapag ililipat ang tolda, tatanggalin ito ng mga Levita at kapag itatayo ang tolda ay itatayo ng mga Levita at ang sinumang ibang lumapit ay papatayin.

52 Ang ibang mga Israelita ay magtatayo ng kanilang mga tolda, ayon sa kani-kanilang pangkat.

53 Subalit ang mga Levita ay magkakampo sa palibot ng tolda ng patotoo, upang huwag magkaroon ng poot sa sambayanan ng mga anak ni Israel. Ang mga Levita ang mangangasiwa ng tolda ng patotoo.”

54 Gayon ang ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa lahat na iniutos ng Panginoon kay Moises.

Footnotes

  1. Mga Bilang 1:14 tinatawag na Reuel.

Israels första folkräkning

Herren talade till Mose i Sinai öken, i uppenbarelsetältet, på första dagen i andra månaden av det andra året[a] efter deras uttåg ur Egyptens land. Han sade: "Räkna antalet av Israels barn, hela deras menighet efter deras släkter och familjer, med uppräkning av namnen på alla män, var person för sig, alla vapenföra i Israel som är tjugo år eller äldre. Du och Aron skall inmönstra dem efter deras häravdelningar. En man från varje stam skall vara med er, den som är huvudman för sin stams familjer.

Detta är namnen på de män som skall bistå er: Av Ruben: Elisur, Sedeurs son; av Simeon: Selumiel, Surisaddajs son; av Juda: Nahson, Amminadabs son; av Isaskar: Netanel, Suars son; av Sebulon: Eliab, Helons son; 10 av Josefs barn: av Efraim: Elisama, Ammihuds son; av Manasse: Gamliel, Pedasurs son; 11 av Benjamin: Abidan, Gideonis son; 12 av Dan: Ahieser, Ammisaddajs son; 13 av Aser: Pagiel, Okrans son; 14 av Gad: Eljasaf, Deguels son; 15 av Naftali: Ahira, Enans son." 16 Dessa var utvalda från menigheten, de var ledare för sina fäders stammar, stamhövdingar i Israel.

17 Mose och Aron tog till sig dessa namngivna män. 18 De samlade hela menigheten på första dagen i andra månaden, och folket blev infört i förteckningen efter sina släkter och familjer, var och en räknad, de som var tjugo år eller äldre, varje person för sig, 19 allt så som Herren hade befallt Mose. Och han mönstrade dem i Sinai öken.

20 Avkomlingarna till Rubens, Israels förstföddes, söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, var person för sig, samtliga vapenföra män som var tjugo år eller äldre, 21 de som inmönstrades av Rubens stam, utgjorde 46 500.

22 Avkomlingarna till Simeons söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, så många som inmönstrades, var och en räknad, var person för sig, samtliga vapenföra män som var tjugo år eller äldre, 23 de som inmönstrades av Simeons stam, utgjorde 59 300.

24 Avkomlingarna till Gads söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 25 de som inmönstrades av Gads stam, utgjorde 45 650.

26 Avkomlingarna till Judas söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 27 de som inmönstrades av Juda stam, utgjorde 74 600.

28 Avkomlingarna till Isaskars söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 29 de som inmönstrades av Isaskars stam, utgjorde 54 400.

30 Avkomlingarna till Sebulons söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 31 de som inmönstrades av Sebulons stam, utgjorde 57 400.

32 Avkomlingarna till Josefs söner:

Avkomlingarna till Efraims söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 33 de som inmönstrades av Efraims stam, utgjorde 40 500.

34 Avkomlingarna till Manasses söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 35 de som inmönstrades av Manasse stam, utgjorde 32 200.

36 Avkomlingarna till Benjamins söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 37 de som inmönstrades av Benjamins stam, utgjorde 35 400.

38 Avkomlingarna till Dans söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 39 de som inmönstrades av Dans stam, utgjorde 62 700.

40 Avkomlingarna till Asers söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 41 de som inmönstrades av Asers stam, utgjorde 41 500.

42 Avkomlingarna till Naftalis söner, upptecknade efter sina släkter och familjer, var och en räknad, samtliga vapenföra som var tjugo år eller äldre, 43 de som inmönstrades av Naftali stam, utgjorde 53 400.

44 Dessa var de inmönstrade, de som blev inmönstrade av Mose och Aron och Israels hövdingar, tolv män som var och en företrädde sin stamfamilj. 45 Och alla de av Israels barn som blev inmönstrade efter sina familjer, alla vapenföra i Israel som var tjugo år eller äldre, 46 alla dessa inmönstrade utgjorde 603 550. 47 Men leviterna i sin fädernestam blev inte inmönstrade med de övriga. 48 Ty Herren hade sagt till Mose: 49 Endast Levi stam skall du inte inmönstra, och du skall inte räkna deras antal med Israels barn, 50 utan du skall förordna leviterna att förestå vittnesbördets tabernakel med alla dess redskap och tillbehör. De skall bära tabernaklet och alla dess redskap och göra tjänst vid det. Runt omkring tabernaklet skall de ha sitt läger. 51 När tabernaklet skall bryta upp skall leviterna ta ner det, och när tabernaklet skall sättas upp skall leviterna sätta upp det. Om någon annan kommer nära det, skall han dödas. 52 Israels barn skall resa sina tält var och en i sitt läger och var och en under sitt baner, efter sina häravdelningar. 53 Men leviterna skall slå läger runt omkring vittnesbördets tabernakel, för att inte vrede skall drabba Israels barns menighet. Och leviterna skall ha ansvaret för vittnesbördets tabernakel och dess skötsel.

54 Israels barn gjorde så, de gjorde i allt som Herren hade befallt Mose.

Footnotes

  1. 4 Mosebok 1:1 Sannolikt 1445 f. Kr.