Add parallel Print Page Options

50 (A)Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan (B)at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.

51 (C)At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: (D)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

52 At ang mga anak ni Israel ay magtatayo ng kanilang mga tolda, na (E)bawa't lalake ay sa kaniyang sariling kampamento at bawa't lalake ay sa siping ng kaniyang sariling watawat ayon sa kanilang mga hukbo.

Read full chapter