Add parallel Print Page Options

23 (A)Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.

24 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael.

25 (B)At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay (C)ang tabernakulo, at ang Tolda, ang (D)takip niyaon at ang (E)tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan,

26 (F)At ang mga tabing ng looban at ang (G)tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga (H)tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon.

27 At (I)kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita, at ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzzielita: ito ang mga angkan ng mga Coathita.

28 Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario.

29 Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan.

30 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel.

31 At ang magiging katungkulan nila ay ang (J)kaban, (K)at ang dulang, at ang kandelero, (L)at ang mga dambana, (M)at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, (N)at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.

32 At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario.

33 Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita: ito ang mga angkan ni Merari.

34 At yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay anim na libo at dalawang daan.

35 At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan.

36 (O)At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga (P)tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon;

37 At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon.

38 (Q)At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: (R)at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

Read full chapter