Add parallel Print Page Options

Awit sa Araw ng Kapistahan

Katha ni Asaf upang awitin ng Punong Mang-aawit: ayon sa Gittith.[a]

81 Masiglang awitan ang Tagapagligtas, itong Diyos ni Jacob, awitang may galak.
Umawit sa saliw ng mga tamburin,
    kasabay ng tugtog ng lira at alpa.
Hipan(A) ang trumpeta tuwing nagdiriwang,
    kung buwan ay bago't nasa kabilugan.
Pagkat sa Israel, ito'y isang utos,
    batas na ginawa ng Diyos ni Jacob.
Sa mga hinirang, ang utos di'y ito
    nang sila'y ilabas sa bansang Egipto.

Ganito ang wika na aking narinig:
“Mabigat mong dala'y aking inaalis,
    ikaw ay iibsan sa pasan mong labis.
Iniligtas(B) kita sa gitna ng hirap, sinaklolohan ka nang ika'y tumawag;
    tinugon din kita sa gitna ng kidlat,
    at sinubok kita sa Batis Meriba. (Selah)[b]
Kapag nangungusap, ako'y inyong dinggin,
    sana'y makinig ka, O bansang Israel.
Ang(C) diyus-diyosa'y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa'y di dapat yukuran.
10 Ako ay si Yahweh, ako ang Diyos mo,
    ako ang tumubos sa iyo sa Egipto;
pagkaing gustuhin ibibigay ko sa iyo.

11 “Ngunit ang bayan ko'y hindi ako pansin,
    di ako sinunod ng bayang Israel,
12 sa tigas ng puso, aking hinayaang
    ang sarili nilang gusto'y siyang sundan.
13 Ang tangi kong hangad, sana ako'y sundin,
    sundin ang utos ko ng bayang Israel;
14 ang kaaway nila'y aking lulupigin,
    lahat ng kaaway agad lilipulin.
15 Silang namumuhi't sa aki'y napopoot, ay magsisiyuko sa laki ng takot,
    ang parusa nila'y walang pagkatapos.
16 Ngunit ang mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo'y ipapakain ko;
    at ang gusto ninyong masarap na pulot, ang siyang sa inyo'y aking idudulot.”

Footnotes

  1. Mga Awit 81:1 GITTITH: Ang kahulugan ng salitang ito'y hindi tiyak. Maaaring ito'y tumutukoy sa isang uri ng instrumento o isang tono ng awit.
  2. Mga Awit 81:7 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.

歌颂神之宏恩

81 亚萨的诗,交于伶长。用迦特乐器。

你们当向神我们的力量大声欢呼,向雅各的神发声欢乐!
唱起诗歌,打手鼓,弹美琴与瑟!
当在月朔并月望,我们过节的日期吹角!
因这是为以色列定的律例,是雅各神的典章。
他去攻击埃及地的时候,在约瑟中间立此为证。我在那里听见我所不明白的言语,
神说:“我使你的肩得脱重担,你的手放下筐子。
你在急难中呼求,我就搭救你。我在雷的隐密处应允你,在米利巴水那里试验你。(细拉)
我的民哪,你当听,我要劝诫你!以色列啊,甚愿你肯听从我!
在你当中不可有别的神,外邦的神你也不可下拜。
10 我是耶和华你的神,曾把你从埃及地领上来。你要大大张口,我就给你充满。

嗟叹选民之刚愎

11 “无奈我的民不听我的声音,以色列全不理我。

12 我便任凭他们心里刚硬,随自己的计谋而行。
13 甚愿我的民肯听从我,以色列肯行我的道!
14 我便速速制伏他们的仇敌,反手攻击他们的敌人。
15 恨耶和华的人必来投降,但他的百姓必永久长存。
16 他也必拿上好的麦子给他们吃,又拿从磐石出的蜂蜜叫他们饱足。”

'Awit 81 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.