Mga Awit 7
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Panalangin Upang Magtamo ng Katarungan
Shigaion[a] ni David na kanyang inawit kay Yahweh; patungkol kay Cus, na isang Benjaminita.
7 O Yahweh, aking Diyos, sa iyo ako lumalapit,
iligtas mo ako sa mga taong sa aki'y tumutugis,
2 kundi, sila'y parang leon na lalapa sa akin
kung walang magliligtas, ako nga ay papatayin.
3 O Yahweh, aking Diyos, kung ako ma'y nagkasala,
at kung aking mga kamay ay puminsala sa iba,
4 kung ako ay naging taksil sa tapat kong kaibigan,
kung ako po'y naminsala o nang-api ng kaaway,
5 payag akong hulihin, patayin kung kailangan,
iwan akong walang buhay at sa lupa'y mahandusay. (Selah)[b]
6 O Yahweh, bumangon ka, puksain mo ang kaaway,
ako'y iyong ipagtanggol sa malupit nilang kamay!
Gumising ka't sagipin mo, ako ngayon ay tulungan,
dahil ang hangad mo'y maghari ang katarungan.
7 Tipunin mo sa iyong piling ang lahat ng mga bansa,
at mula sa trono sa kaitaasan, ikaw, Yahweh, ang mamahala.
8 Sa lahat ng mga bayan, ikaw ang hukom na dakila,
humatol ka sa panig ko sapagkat ako'y taong tapat.
9 Ikaw(A) ay isang Diyos na matuwid,
batid mo ang aming damdamin at pag-iisip;
sugpuin mo ang gawain ng masasama,
at ang mabubuti'y bigyan mo ng gantimpala.
10 Ang Diyos ang aking sanggalang;
inililigtas niya ang may pusong makatarungan.
11 Ang Diyos ay isang hukom na makatarungan,
at nagpaparusa sa masama sa bawat araw.
12 Kung di sila magbabago sa masasama nilang gawa,
ang tabak ng Diyos ay kanyang ihahasa;
pati ang kanyang pana ay kanyang ihahanda.
13 Mga pamatay na sandata ay kanyang itatakda,
kanya ring iuumang ang mga palasong nagbabaga.
14 Pagmasdan mo ang masama, sa baluktot niyang isip,
ipinaglilihi niya ang kalokohan at ipinanganganak niya ang kasamaan.
15 Humuhukay ng patibong para sa ibang tao,
subalit siya rin mismo ang nahuhulog dito.
16 Siya rin ang may gawa sa parusang tinatanggap,
sa sariling karahasan, siya ngayo'y naghihirap.
17 Pasasalamatan ko si Yahweh sa kanyang katarungan,
aawitan ko ng papuri ang Kataas-taasan niyang ngalan.
Footnotes
- Mga Awit 7:1 SHIGAION: Ang kahulugan ng salitang ito'y maaaring tumutukoy sa isang uri ng awit ng pagdadalamhati.
- 5 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
Mga Awit 7
Ang Biblia, 2001
Sigaion ni David na kanyang inawit sa Panginoon tungkol kay Cus na Benjaminita.
7 O Panginoon kong Diyos, nanganganlong ako sa iyo,
iligtas mo ako sa lahat ng humahabol sa akin, at iligtas mo ako,
2 baka gaya ng leon ay lurayin nila ako,
na kinakaladkad akong papalayo, at walang sumaklolo.
3 O Panginoon kong Diyos, kung ginawa ko ito,
kung may pagkakamali sa mga kamay ko,
4 kung ako'y gumanti ng kasamaan sa aking kaibigan
o nilooban ang aking kaaway na walang dahilan,
5 hayaang habulin ako ng aking kaaway at abutan ako,
at tapakan niya sa lupa ang buhay ko,
at ilagay sa alabok ang kaluwalhatian ko. (Selah)
6 Ikaw ay bumangon, O Panginoon, sa iyong galit,
itaas mo ang iyong sarili laban sa poot ng aking mga kagalit,
at gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagtakda ng pagsusulit.
7 Hayaang ang kapulungan ng mga tao ay pumaligid sa iyo;
at bumalik ka sa itaas sa ibabaw nito.
8 Ang Panginoon ay humahatol sa mga bayan;
hatulan mo ako, O Panginoon, ayon sa aking katuwiran,
at ayon sa taglay kong katapatan.
9 O(A) nawa'y magwakas na ang kasamaan ng masama,
ngunit itatag mo ang matuwid;
sapagkat sinusubok ng matuwid na Diyos
ang mga puso at mga pag-iisip.[a]
10 Ang Diyos ay aking kalasag,
na nagliligtas ng pusong tapat.
11 Ang Diyos ay hukom na matuwid,
at isang Diyos na araw-araw ay may galit.
12 Kung hindi magsisi ang tao, ihahasa ng Diyos ang tabak nito;
kanyang inihanda at iniumang ang kanyang palaso;
13 nakakamatay na mga sandata ang kanyang inihanda,
kanyang pinapagniningas ang kanyang mga pana.
14 Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
at siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng hukay at pinalalim pang kusa,
at nahulog sa butas na siya ang may gawa.
16 Bumabalik sa sarili niyang ulo ang gawa niyang masama,
at ang kanyang karahasan sa sarili niyang bumbunan ay bumababa.
17 Ibibigay ko sa Panginoon ang pasasalamat na nararapat sa kanyang katuwiran,
at ako'y aawit ng papuri sa pangalan ng Panginoon, ang Kataas-taasan.
Footnotes
- Mga Awit 7:9 Sa Hebreo ay bató .
Mga Awit 7
Ang Biblia (1978)
Tinawagan ang Panginoon upang ipagtanggol ang mangaawit. Sigaion ni David na inawit niya sa Panginoon, ukol sa mga salita ni Cus na Benjamita.
7 Oh Panginoon kong Dios, (A)sa iyo nanganganlong ako.
(B)Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako:
2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa,
(C)Na lurayin ito, habang walang magligtas.
3 Oh Panginoon kong Dios, (D)kung ginawa ko ito;
Kung may kasamaan (E)sa aking mga kamay;
4 Kung ako'y gumanti ng kasamaan sa kaniya na may kapayapaan sa akin;
(Oo, (F)aking pinawalan siya, na walang anomang kadahilanan ay naging aking kaaway:)
5 Habulin ng kaaway ang aking kaluluwa, at abutan;
Oo, yapakan niya ang aking kaluluwa sa lupa,
At ilagay ang aking kaluwalhatian sa alabok. (Selah)
6 Ikaw ay bumangon, Oh Panginoon, sa iyong galit,
(G)Magpakataas ka laban sa poot ng aking mga kaaway;
At (H)gumising ka dahil sa akin; ikaw ay nagutos ng kahatulan.
7 At ligirin ka ng kapisanan ng mga bayan sa palibot:
At sila'y pihitan mong nasa mataas ka.
8 Ang panginoo'y nangangasiwa ng kahatulan sa mga bayan:
(I)Iyong hatulan ako, Oh Panginoon, ayon sa aking katuwiran, at sa aking pagtatapat na nasa akin.
9 Oh wakasan ang kasamaan ng masama, ngunit itatag mo ang matuwid;
(J)Sapagka't sinubok ng matuwid na Dios (K)ang mga pagiisip at ang mga puso.
10 Ang aking kalasag ay sa Dios.
Na nagliligtas ng matuwid sa puso.
11 Ang Dios ay matuwid na hukom,
Oo, Dios na may galit araw-araw.
12 Kung ang tao ay hindi magbalik-loob, kaniyang (L)ihahasa ang kaniyang tabak;
Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at inihanda.
13 Inihanda rin naman niya ang mga kasangkapan ng kamatayan;
Kaniyang pinapagniningas ang kaniyang mga pana.
14 (M)Narito, siya'y nagdaramdam ng kasamaan;
Oo, siya'y naglihi ng kasamaan, at nanganak ng kabulaanan.
15 Siya'y gumawa ng balon, at hinukay,
(N)At nahulog sa hukay na kaniyang ginawa.
16 (O)Ang kaniyang gawang masama ay magbabalik sa kaniyang sariling ulo,
At ang kaniyang pangdadahas ay babagsak sa kaniyang sariling bunbunan.
17 Ako'y magpapasalamat sa Panginoon, ayon sa kaniyang katuwiran:
At aawit ng pagpupuri sa pangalan ng Panginoon na Kataastaasan.
Psalm 7
Living Bible
7 I am depending on you, O Lord my God, to save me from my persecutors. 2 Don’t let them pounce upon me as a lion would and maul me and drag me away with no one to rescue me. 3 It would be different, Lord, if I were doing evil things— 4 if I were paying back evil for good or unjustly attacking those I dislike. 5 Then it would be right for you to let my enemies destroy me, crush me to the ground, and trample my life in the dust.
6 But Lord! Arise in anger against the anger of my enemies. Awake! Demand justice for me, Lord! 7-8 Gather all peoples before you; sit high above them, judging their sins. But justify me publicly; establish my honor and truth before them all. 9 End all wickedness, O Lord, and bless all who truly worship God;[a] for you, the righteous God, look deep within the hearts of men and examine all their motives and their thoughts.
10 God is my shield; he will defend me. He saves those whose hearts and lives are true and right.[b]
11 God is a judge who is perfectly fair, and he is angry with the wicked every day. 12 Unless they repent, he will sharpen his sword and slay them.
He has bent and strung his bow 13 and fitted it with deadly arrows made from shafts of fire.
14 The wicked man conceives an evil plot, labors with its dark details, and brings to birth his treachery and lies; 15 let him fall into his own trap. 16 May the violence he plans for others boomerang upon himself; let him die.
17 Oh, how grateful and thankful I am to the Lord because he is so good. I will sing praise to the name of the Lord who is above all lords.
Footnotes
- Psalm 7:9 God, literally, “the just.”
- Psalm 7:10 those whose hearts and lives are true and right, literally, “the upright in heart.”
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
The Living Bible copyright © 1971 by Tyndale House Foundation. Used by permission of Tyndale House Publishers Inc., Carol Stream, Illinois 60188. All rights reserved.