Mga Awit 69
Ang Biblia (1978)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim. Awit ni David.
69 Iligtas mo ako, Oh Dios; Sapagka't (A)ang tubig ay tumabon sa aking kaluluwa.
2 Ako'y lumulubog sa malalim na burak na walang tayuan:
Ako'y lumulubog sa malalim na tubig, na tinatabunan ako ng agos.
3 Ako'y hapo sa aking daing; ang lalamunan ko'y tuyo:
Ang mga mata ko'y nangangalumata habang hinihintay ko ang aking Dios.
4 (B)Silang nangagtatanim sa akin ng walang anomang kadahilanan ay higit kay sa mga buhok ng aking ulo:
Silang ibig maghiwalay sa akin, na mga kaaway kong may kamalian, ay mga makapangyarihan:
(C)Akin ngang isinauli ang hindi ko kinuha.
5 Oh Dios, kilala mo ang kamangmangan ko;
At ang mga kasalanan ko'y hindi lihim sa iyo.
6 Huwag mangapahiya dahil sa akin ang nangaghihintay sa iyo,
Oh Panginoong Dios ng mga hukbo:
Huwag mangalagay sa kasiraang puri dahil sa akin ang nagsisihanap sa iyo, Oh Dios ng Israel.
7 Sapagka't (D)dahil sa iyo ay nagdala ako ng kadustaan;
Kahihiyan ay tumakip sa aking mukha.
8 (E)Ako'y naging iba sa aking mga kapatid,
At taga ibang lupa sa mga anak ng aking ina.
9 (F)Sapagka't napuspos ako ng sikap sa iyong bahay;
(G)At ang mga pagduwahagi nila na nagsisiduwahagi sa iyo ay nangahulog sa akin.
10 Pag umiiyak ako at pinarurusahan ko ng pagaayuno ang aking kaluluwa,
Yao'y pagkaduwahagi sa akin.
11 Nang magsuot ako ng kayong magaspang,
Ay naging kawikaan ako sa kanila.
12 Pinag-uusapan ako nilang nangauupo sa pintuang-bayan;
At ako ang awit ng mga lango.
13 Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, (H)sa isang kalugodlugod na panahon:
Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob,
14 (I)Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog:
Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
15 Huwag akong tangayin ng baha,
Ni lamunin man ako ng kalaliman:
At huwag takpan ng (J)hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
16 Sagutin mo ako, Oh Panginoon; sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti:
(K)Ayon sa karamihan ng iyong mga malumanay na kaawaan ay bumalik ka sa akin.
17 At huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod;
Sapagka't ako'y nasa kahirapan; sagutin mo akong madali.
18 Lumapit ka sa aking kaluluwa, at tubusin mo:
Iligtas mo ako dahil sa aking mga kaaway.
19 Talastas mo ang (L)aking kadustaan, at ang aking (M)kahihiyan, at ang aking kasiraang puri:
Ang aking mga kaaway, ay pawang nangasa harap mo.
20 Kaduwahagihan ay sumira ng aking puso; at (N)ako'y lipos ng kabigatan ng loob:
At ako'y naghintay na may maawa sa akin, nguni't wala;
At mga mangaaliw, nguni't wala akong masumpungan.
21 Binigyan naman nila ako ng pagkaing mapait;
(O)At sa aking kauhawan ay binigyan nila ako ng suka na mainom.
22 (P)Maging lalang sa harap nila ang kanilang dulang;
At maging isang silo kung sila'y nasa kapayapaan.
23 (Q)Manglabo ang kanilang mga mata, na sila'y huwag makakita;
At papanginigin mong palagi ang kanilang mga balakang.
24 (R)Ibugso mo ang iyong galit sa kanila,
At datnan sila ng kabangisan ng iyong galit.
25 (S)Magiba ang tahanan nila;
Walang tumahan sa kanilang mga tolda.
26 Sapagka't kanilang hinabol siya na iyong sinaktan,
At (T)sinaysay nila ang damdam niyaong iyong sinugatan.
27 (U)At dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan:
At huwag silang masok sa iyong katuwiran.
28 (V)Mapawi sila sa aklat ng buhay,
(W)At huwag masulat na kasama ng matuwid.
29 Nguni't ako'y dukha at mapanglaw:
Sa pamamagitan ng pagliligtas mo, Oh Dios, ay iahon mo nawa ako.
30 Aking pupurihin ng awit ang pangalan ng Dios,
At dadakilain ko siya ng pasalamat.
31 At kalulugdan ng Panginoon na higit kay sa isang baka,
O sa toro na may mga sungay at mga paa.
32 (X)Nakita ng mga maamo, at nangatuwa:
(Y)Mabuhay ang puso, ninyong nagsisihanap sa Dios.
33 Sapagka't dinidinig ng Panginoon ang mapagkailangan,
At hindi hinahamak ang kaniyang mga bilanggo.
34 (Z)Purihin siya ng langit at lupa,
Ng mga dagat, (AA)at ng bawa't bagay na gumagalaw roon.
35 (AB)Sapagka't ililigtas ng Dios ang Sion, at itatayo ang mga bayan ng Juda;
At sila'y magsisitahan doon, at tatangkilikin nila na pinakaari.
36 Mamanahin naman ng binhi ng kaniyang mga lingkod;
At silang nagsisiibig ng kaniyang pangalan ay magsisitahan doon.
Salmo 69
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Dalangin ng Taong Inuusig
69 O Dios, iligtas nʼyo ako dahil para akong isang taong malapit nang malunod.
2 Tila lulubog na ako sa malalim na putik at walang matutungtungan.
Para akong nasa laot at tinatabunan ng mga alon.
3 Pagod na ako sa paghingi ng tulong at masakit na ang aking lalamunan.
Dumidilim na ang paningin ko sa paghihintay ng tulong nʼyo, O Dios.
4 Marami ang napopoot sa akin, mas marami pa sila kaysa sa aking buhok.
Gusto nila akong patayin ng walang dahilan.
Pinipilit nilang isauli ko ang mga bagay na hindi ko naman ninakaw.
5 O Dios, alam nʼyo ang aking kahangalan;
hindi lingid sa inyo ang aking mga kasalanan.
6 O Panginoong Dios na Makapangyarihan, Dios ng Israel,
huwag sanang malagay sa kahihiyan ang mga nagtitiwala at lumalapit sa inyo nang dahil sa akin.
7 Dahil sa inyo, iniinsulto ako at inilalagay sa kahihiyan.
8 Parang ibang tao ang turing sa akin ng mga kapatid ko,
parang isang dayuhan sa aming sariling tahanan.
9 Dahil sa labis-labis na pagpapahalaga ko sa inyong templo,[a] halos mapahamak na ako.
Tuwing iniinsulto kayo ng mga tao, nasasaktan din ako.
10 Kapag akoʼy umiiyak at nag-aayuno, hinihiya nila ako.
11 Kapag nakadamit ako ng sako upang ipakita ang aking pagdadalamhati,
ginagawa nila akong katatawanan.
12 Pinagbubulung-bulungan din ako ng mga nakaupo sa pintuang bayan.
At ang mga lasing ay kumakatha ng awit ng pangungutya tungkol sa akin.
13 Ngunit dumadalangin ako sa inyo, Panginoon.
Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin.
Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas,
14 tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan.
Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig.
15 Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alon at mamatay.
16 Sagutin nʼyo ako, Panginoon,
dahil sa inyong kabutihan at pagmamahal sa akin.
Kahabagan nʼyo ako at bigyang pansin.
17 Huwag kayong tumalikod sa akin na inyong lingkod.
Sagutin nʼyo agad ako dahil nasa kagipitan ako.
18 Lumapit kayo sa akin at iligtas ako sa aking mga kaaway.
19 Alam nʼyo kung paano nila ako hinihiya at iniinsulto.
Alam nʼyo rin kung sino ang lahat ng kaaway ko.
20 Nasaktan ako sa kanilang panghihiya sa akin
at sumama ang loob ko.
Naghintay ako na may dadamay at aaliw sa akin,
ngunit wala ni isa man.
21 Nilagyan nila ng lason ang aking pagkain at nang akoʼy mauhaw binigyan nila ako ng suka.
22 Habang kumakain sila at nagdiriwang,
mapahamak sana sila at ang kanilang mga kasama.
23 Mabulag sana sila at laging manginig.[b]
24 Ibuhos at ipakita nʼyo sa kanila ang inyong matinding galit.
25 Iwanan sana nila ang mga toldang tinitirhan nila
para wala nang tumira sa mga ito.
26 Dahil inuusig nila ang mga taong inyong pinarurusahan,
at ipinagsasabi sa iba ang paghihirap na nararanasan ng mga ito.
27 Idagdag nʼyo ito sa kanilang mga kasalanan at huwag nʼyo silang iligtas.
28 Burahin nʼyo sana ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay[c]
at huwag isama sa talaan ng mga matuwid.
29 Nasasaktan ako at nagdurusa,
kaya ingatan nʼyo ako, at iligtas, O Dios.
30 Pupurihin ko ang Dios sa pamamagitan ng awit.
Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.
31 Kalulugdan ito ng Panginoon higit sa handog na mga baka.
32 Kapag nakita ito ng mga dukha, matutuwa sila.
Lahat ng lumalapit sa Dios ay magagalak.
33 Dinidinig ng Panginoon ang mga dukha
at hindi niya nalilimutan ang mga mamamayan niyang nabihag.
34 Purihin ninyo ang Dios kayong lahat ng nasa langit,
nasa lupa at nasa karagatan.
35 Dahil ililigtas ng Dios ang Jerusalem[d] at muli niyang itatayo ang mga lungsod ng Juda.
At doon titira ang kanyang mga mamamayan at aariin ang lupain na iyon.
36 Mamanahin ito ng kanilang lahi
at ang mga umiibig sa Dios ay doon maninirahan.
Psalm 69
New King James Version
An Urgent Plea for Help in Trouble
To the Chief Musician. Set to [a]“The Lilies.” A Psalm of David.
69 Save me, O God!
For (A)the waters have come up to my [b]neck.
2 (B)I sink in deep mire,
Where there is no standing;
I have come into deep waters,
Where the floods overflow me.
3 (C)I am weary with my crying;
My throat is dry;
(D)My eyes fail while I wait for my God.
4 Those who (E)hate me without a cause
Are more than the hairs of my head;
They are mighty who would destroy me,
Being my enemies wrongfully;
Though I have stolen nothing,
I still must restore it.
5 O God, You know my foolishness;
And my sins are not hidden from You.
6 Let not those who [c]wait for You, O Lord God of hosts, be ashamed because of me;
Let not those who seek You be [d]confounded because of me, O God of Israel.
7 Because for Your sake I have borne reproach;
Shame has covered my face.
8 (F)I have become a stranger to my brothers,
And an alien to my mother’s children;
9 (G)Because zeal for Your house has eaten me up,
(H)And the reproaches of those who reproach You have fallen on me.
10 When I wept and chastened my soul with fasting,
That became my reproach.
11 I also [e]made sackcloth my garment;
I became a byword to them.
12 Those who [f]sit in the gate speak against me,
And I am the song of the (I)drunkards.
13 But as for me, my prayer is to You,
O Lord, in the acceptable time;
O God, in the multitude of Your mercy,
Hear me in the truth of Your salvation.
14 Deliver me out of the mire,
And let me not sink;
Let me be delivered from those who hate me,
And out of the deep waters.
15 Let not the floodwater overflow me,
Nor let the deep swallow me up;
And let not the pit shut its mouth on me.
16 Hear me, O Lord, for Your lovingkindness is good;
Turn to me according to the multitude of Your tender mercies.
17 And do not hide Your face from Your servant,
For I am in trouble;
Hear me speedily.
18 Draw near to my soul, and redeem it;
Deliver me because of my enemies.
19 You know (J)my reproach, my shame, and my dishonor;
My adversaries are all before You.
20 Reproach has broken my heart,
And I am full of [g]heaviness;
(K)I looked for someone to take pity, but there was none;
And for (L)comforters, but I found none.
21 They also gave me gall for my food,
(M)And for my thirst they gave me vinegar to drink.
22 (N)Let their table become a snare before them,
And their well-being a trap.
23 (O)Let their eyes be darkened, so that they do not see;
And make their loins shake continually.
24 (P)Pour out Your indignation upon them,
And let Your wrathful anger take hold of them.
25 (Q)Let their dwelling place be desolate;
Let no one live in their tents.
26 For they persecute the ones (R)You have struck,
And talk of the grief of those You have wounded.
27 (S)Add iniquity to their iniquity,
(T)And let them not come into Your righteousness.
28 Let them (U)be blotted out of the book of the living,
(V)And not be written with the righteous.
29 But I am poor and sorrowful;
Let Your salvation, O God, set me up on high.
30 (W)I will praise the name of God with a song,
And will magnify Him with thanksgiving.
31 (X)This also shall please the Lord better than an ox or bull,
Which has horns and hooves.
32 (Y)The humble shall see this and be glad;
And you who seek God, (Z)your hearts shall live.
33 For the Lord hears the poor,
And does not despise (AA)His prisoners.
34 (AB)Let heaven and earth praise Him,
The seas (AC)and everything that moves in them.
35 (AD)For God will save Zion
And build the cities of Judah,
That they may dwell there and possess it.
36 Also, (AE)the [h]descendants of His servants shall inherit it,
And those who love His name shall dwell in it.
Footnotes
- Psalm 69:1 Heb. Shoshannim
- Psalm 69:1 Lit. soul
- Psalm 69:6 Wait in faith
- Psalm 69:6 dishonored
- Psalm 69:11 Symbolic of sorrow
- Psalm 69:12 Sit as judges
- Psalm 69:20 Lit. sickness
- Psalm 69:36 Lit. seed
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.