Add parallel Print Page Options

Sa(A) Punong Mang-aawit: sa instrumentong may kuwerdas. Maskil ni David, nang ang mga Zifeo ay tumungo at sabihin kay Saul, “Si David ay nagtatago sa gitna namin.”

54 Iligtas mo ako, O Diyos, sa pamamagitan ng iyong pangalan,
    at pawalang-sala mo ako sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan.
O Diyos, dalangin ko'y pakinggan mo,
    pakinggan mo ang mga salita ng bibig ko.

Sapagkat ang mga banyaga ay naghimagsik laban sa akin,
    at mararahas na tao ang umuusig sa buhay ko;
    hindi nila inilagay ang Diyos sa harapan nila. (Selah)

Ang Diyos ay aking katulong;
    ang Panginoon ang umaalalay sa aking kaluluwa.
Kanyang gagantihan ng masama ang mga kaaway ko;
    tapusin mo sila sa katapatan mo.

Ako'y mag-aalay sa iyo ng kusang-loob na handog;
    ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, O Panginoon, sapagkat ito'y mabuti.
Sapagkat iniligtas niya ako sa bawat kabagabagan;
    at ang aking mata ay tuminging may pagtatagumpay sa aking mga kaaway.

'Awit 54 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

54 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan.

Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig.

Sapagka't ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na tao ay nagsisiusig ng aking kaluluwa: hindi nila inilagay ang Dios sa harap nila. (Selah)

Narito, ang Dios ay aking katulong: ang Panginoon ay sa kanila na nagsisialalay ng aking kaluluwa.

Kaniyang ibabalik ang kasamaan sa aking mga kaaway: gibain mo sila sa iyong katotohanan.

Ako'y maghahain sa iyo ng kusang handog: ako'y magpapasalamat sa iyong pangalan, Oh Panginoon, sapagka't mabuti.

Sapagka't iniligtas niya ako sa lahat ng kabagabagan; at nakita ng aking mata ang aking nasa sa aking mga kaaway.